Chapter 9

501K 9.4K 1K
                                    

Hunter's choco coated desire cookie's available sa Sweet Desire. Online bakeshop po 'yon. Look for Jergen Camince for orders. :)

Available din ang Kinky Krinkles ni Kulog. :)

--

Napagdesisyunan ni Zyline na umuwi nalang sa bahay niya dahil wala naman siyang magawang maayos dahil sa nangyayari. Pakiramdam niya'y mas lalong hindi niya matuloy ang ginagawa dahil sa nangyari kaninang pag-uusap nila ni Hunter.

Cristine kept on asking her what her problem was but she refused to say anything to her.

Wala naman kasing problema si Zyline. She's perfectly fine, base sa pagkakaalam niya.

Huwag nga lang lumalapit si Hunter sakanya dahil nagkakapatong-patong bigla ang problema niya.

Panatag sana ang loob niyang aalis sa lugar na iyon. Bitbit ang sketch pad, purse at cellphone, lalabas na sana siya ng Sweet Desire. Pero pinigilan siya ni Cristine at inabutan ng isang box.

"That's Hunter's cookie. Since you're a friend and you liked it, that's our gift!" Nakangiting sabi nito kay Zyline. Napangiwi naman siya. Dahil ayaw niya na magtanong pa si Cristine, tinanggap nalang niya ito at nagpaalam na. Matapos ilagay sa tabing upuan niya ang mga dala, hindi niya naiwasang tignan ang binigay ni Cristine.

Hindi niya maiwasang isipin na sana, cookie nalang ang binata. At least, sweet ito.

Napailing nalang siya bago binuhay ang makina ng sasakyan at bumalik sa condo niya. Mag-oorder nalang din siya ng pagkain para mamaya. Wala pa din kasi siya sa mood magluto.

Marunong namang magluto si Zyline dahil na din sa kapatid na si Blue. Blue loves to cook. Si Blue ang nagturo sakanya kung paano magluto. Kaya sigurado si Zyline na hindi magugutom ang mapapangasawa niya kung sakali.

Gaya ng nakagawian, naligo ulit si Zyline. Sanay siyang maglakad sa loob ng bahay niya ng naka-underwear lang. Wala naman siyang kasama sa bahay niya at isa pa, wala namang maipipintas sa katawan niya ang kung sinuman kung tutuusin.

Matapos maligo'y naka-underwear lang siya habang nag-hahanap ng maisusuot na magiging kumportable siya. Nahinto siya sa ginagawa nang magring ang cellphone niya kaya naman agad niya iyong sinagot.

"Hey, Bobbie, where are you?" Tanong niya dito. Umupo muna siya habang kausap ang binata. Tinanggal niya ang towel na nasa buhok at pinatuyo ito.

"On my way to your unit. May ipapabili ka?" He asked her. Napangiti naman si Zyline. She's lucky to have Bobbie as her best friend, too. Best friend niya si Cyan, ang asawa ng Kuya Blue niya, pero alam naman niyang hindi sa lahat ng oras, makakasama niya pa si Cyan. Kaya masaya siyang may ibang tao pang nariyan para makasama niya.

"Wala naman. Pero I'm too lazy to cook. Cook for me, please?" Paglalambing niya sa kaibigan. Masarap kasing magluto si Bobbie ng pochero kaya naman iyon ang lagi niyang nirerequest sa kaibigan.

"Okay. I'll be there. Pupunta lang ako sa grocery para bumili ng kailangan ko sa pagluluto." Ani Bobbie sakanya. Kumunot ang noo niya. Napansin niyang parang may iba sa kaibigan.

"Hey, nagkita ba kayo ng daddy mo?" Tanong ni Zyline kay Bobbie. "Hoy, Roberto Macapagal, lalaking lalaki ka naman makipag-usap!" Hindi niya napigilan matawa. "Oh baka kasama mo pa ang daddy mo kaya ka ganyan? Sige na. Papayag na akong magpanggap na girlfriend mo para hindi niya malaman ang totoo." Pang-aasar niya sa kaibigan.

Saglit namang tila hindi nakasagot si Bobbie. Iniisip kung ano ba ang dapat isagot sa dalaga.

"Bobbie? Sis, andyan ka pa ba?" Tanong ni Zyline nang ilang minuto na atang walang imik ang kausap.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now