Chapter 42

365K 9.3K 3.9K
                                    

#HuntersTemptation.

Comments, pretty please? Thanks. I'd like to hear your thoughts. Hehe.

--

"Zyline, baka naman nagpapadalos-dalos ka ng desisyon..." tumabi si Stephanie sakanya at hinawakan ang kamay niya. She changed her mind. Instead of going to her brother's house, sa bahay ni Stephanie at PJ siya nagpunta kasama ang mga anak niya. Alam niya na kung sakaling maiisip ni Hunter na puntahan siya, ang unang pupuntahan nito ay ang bahay ng kuya niya.

"Steph, may anak siya kay Tanya. What do you want me to do? Tanggapin na magkakaanak ang asawa ko sa iba?" pilit pinapakalma ni Zyline ang sarili kahit pa nga masamang-masama ang loob niya sa asawa. Pinagamit ni PJ sa kambal niya ang isang kwarto sa bahay nito at kasama ng kambal niya ang mga yaya nito habang magkausap sila ni PJ at Stephanie sa may sala.

"Sinabi niya bang anak niya?" kunot-noong tanong ni PJ kay Zyline. "Baka assuming ka lang?" sumandal ito at umiling-iling.

"Heaven..." pinanlakihan ni Stephanie ng mata ang asawa. Instead of helping, nambubuska pa ito.

"Look, PJ. He was with Tanya for two days! Ni hindi umuwi si Hunter. He's dire worried about her, tapos malalaman kong buntis naman pala si Tanya? And she's so scared that her husband might find out about her pregnancy..."

"So? Was that enough reason?" PJ asked again. "Natural na natural ang pagiging assuming niyo, no?" he said sarcastically again.

"Paul Jake, umakyat ka na nga doon at puntahan mo nalang si Caryl at Cloud," tinitigan ng masama ni Stephanie ang asawa nito. Hindi nalang kumibo si Zyline. Hindi ba talaga nila naiintindihan ang nararamdaman niya? Nilang mga babae?

Gusto ng babae na walang kahati sa atensyon ng lalaking mahal nila. Ayaw nilang may binibigyan ito ng importansya o halaga na para dapat sakanila. Normal na sa babae ang maramdaman kung may gusto ang ibang babae sa taong gusto niya. It's like a gift from God. Para maprotektahan kung ano ang sakanila.

"Zyline, magpahinga ka na muna. Anong oras na din. We'll talk about this later. Magpahinga ka nalang muna..." hinawakan ni Stephanie ang kamay niya at pinisil ito. "Huwag ka mag-alala, maayos din ang lahat," ngumiti ang babae sakanya.

Huminga ng malalim si Zyline bago marahan na tumango.

"Sa kwarto nalang din ako ng kambal matutulog, Steph..." mahinang sabi niya sa kaibigan. Ngumiti naman si Stephanie bago tumango at sinamahan siya papunta sa kwarto ng kambal niya. Nasa crib ang mga ito at mahimbing nang natutulog.

Pinagmasdan ni Zyline ang mga anak. Hinaplos ang pisngi ng mga ito. "Everything will be okay, mga anak. Kahit na..." napayuko si Zyline. "Kahit na tayo lang... kahit na may iba na 'yung Daddy niyo..." pumatak ang luha ni Zyline. Gumalaw naman si Kol at tila inabot ang kamay ni Zyline na nasa pisngi nito. "Mahal na mahal ko kayong dalawa..." hinalikan niya sa noo ang kambal bago nahiga sa kama.

Halos hindi din naman siya nakatulog dahil sa pag-iisip. She was just staring at the ceiling, thinking of what's happening on her life. Iniisip kaya siya ni Hunter? May balak ba si Hunter na suyuin siya? May balak ba si Hunter ma sunduin sila... o talagang hinihintay lang ni Hunter na mangyari ito para maging malaya na itong muli?

Her feelings didn't change. Mahal na mahal niya pa din ang asawa. Pero sobrang nasasaktan siya sa ginawa nito. Lagi nitong sinasabing mahal siya nito... pero dahil kay Tanya, dahil sa babaeng iyon, nawala lahat.

Totoo nga talaga... mahirap kalaban yung babaeng unang naging parte ng buhay ng taong mahal mo. Mahirap kalaban ang unang minahal nito.

Niyakap niya ang unan at tahimik na umiyak. Iniiwasan niyang magising ang kambal. Kung mayroon man kailangang gawin si Zyline, iyon ay ang magpakatatag para sa mga anak.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now