Chapter 1: I don't know him

90 17 6
                                    

"Uy, uy! Ash~ Alam mo na ba!?" Pabiglang sabi na may kasama pang pagtulak ni Chelsy, ang aking bruhildang kaibigan.

" Ano nanaman ba 'yang kagagahang nasagap mo?" Napatirik nalang ako ng mata. Palagi nalang kasing tungkol sa lalaki ang ipinuputak ng babae na 'to.

Ayos lang sana kung siya lang, kaso pati ako ay dinadamay niya sa kadeluluhan niya. Halos lahat ba naman ng lalaki na madaanan namin ay ini-issue niya sa 'kin.

Oo, lalaki. Bata pa lamang ay may napapansin na akong kakaiba sa sarili ko. Pero dahil nga may pagka-homophobic yung tatay ko ay pilit kong dine-deny yung mga napupuna ko. Well, not until I fell in love with a guy. Confirm~

They said that yung first love is the most exciting experience in a youth's life. For me? Its a damn tragedy. Dahil sa dinami-rami nang lalaki na pweding pagbagsakan ng puso ko, ay sa kanya pa! Sa best friend ko pa.

"Bakit ba ang aga-aga pero ang init na agad ng ulo mo? Anyways~ Guess what? May nakasalubong akong guy kanina and sobrang gwapo niya!" Sabay tili na daig pa ang naipit na daga.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa aming silid ng bigla akong kurutin ni Chelsy.

"Aray! Aso ka!" Pinandilatan ko siya pero ng makitang nakatulala siya, hindi ko napigilan na sundan ang direksyon ng titig niya. Agad naman akong natigilan.

"O. M. G! Sis, sis, sis! Siya yung sinasabi ko, ugh~. Ang gwapo, ang tangkad! He is perfect for yo-." Natigil siya sa pag e-emote niya ng mapansing nakatitig ako sa lalaking tinuturo niya at ng napalingon ang lalaking tinititigan ko ay huminto ang tingin niya sa akin.

Nagpabalik-balik naman ng tingin sa amin si Chelsy. "Wah! Could it be... You two know each other!?" Nananabik na tanong nito, napaka OA talaga kahit kailan.

Natauhan naman ako sa pagtilaok ni Chelsy at mabilis na nag-iwas ng tingin. "No, I don't know him."

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now