Chapter 20: Sana

14 6 2
                                    

"WAHHH! Go Jake! Ang gwapo mo!" Sigaw ng isang babae sa likuran ko na agad namang nasapawan ng iba pang babaeng tumitili.

Laban ngayon ng school namin sa SJIP high, sa home court nila. 64:48 ang score, in favor of our team. 'Di pa tapos ang laban pero parang nawalan na nang pag-asa ang kalaban. Ako pa naman yung tipo na gustong sinusuportahan ang losing team, sino ba ang ayaw ng twist? Pero 'di ngayon, kasi naka-focus ako sa pag-cheer sa kupunan namin. To be specific, kay Jake. Syempre, kahit anong laban nitong best friend ko ay panonoorin ko. Tampuhin kasi ang mokong, ma-late nga lang ako ng konti ay sasabihin niya na 'di ko na daw siya pinapahalagahan. Ang-OA!

Mabibingi ka nalang talaga sa mga nagpapalakasan ng hiyawan at tili nang tumunog na ang buzzer na naghuhudyat na tapos na ang laban, at syempre panalo kami.

Kinuha ko ang tumbler at tuwalya ni Jake sa kanyang bag at inabot ito sa pawisan na si Jake. Bakit ang gwapo parin niya kahit basang-basa na siya ng pawis? Unfair!

"Sa pagkakaalam ko... manager ka ng team diba?" Tanong ni  kyler kasabay ng pag-akbay niya sakin. Ramdam ko ang death glares na nagmumula sa mga babae sa stand. Marami din kasing nagkaka-crush kay Kyler. I guess, normal na 'yon kapag varsity ka. Idagdag mo pa na gwapo, matangkad, at magaling mag-basketball si Kyler.

"Oo, ano namang klasing tanong 'yan?" Tugon ko.

"Sino ba naman kasi ang 'di magtatampo kung isa lang ang inaasikaso mo?" Nakangusong sabi ni Kyler, na naging dahilan upang muling magtilian ang mga babae.

"Oo nga! Pano naman kami? Si Jake nalang palagi." Sulsol naman nitong si France.

Sasabat na sana 'ko nang may biglang humila sakin palayo sa pagkaka-akbay ni Kyler.

"Ano naman? Sakin si Ash." Singit ni Jake na ngayon ay siya na ang naka-akbay sakin.

Ipinanghampas ko sa ulo ni Jake ang hawak kong notebook at sinabing, "Puro kayo kalokohan. Magpahinga na kayo't may laban pa kayo mamaya."

Tinitigan ako ng masama ni Jake, 'di ko naman siya pinansin. "Bakit ganto? Nakatayo lang naman ako kaya bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?" Pagtataka ko sa aking isip.

Nagpaalam ako na magpupunta muna sa CR.

Habang naglakakad ako'y may humarang sa harap ko na apat na babae na suot ang uniform ng school namin.

"Bakit ba palagi ka nalang umaaligid-aligid sa mga boyfriend ko?" Nakapamewang na tanong ng isang babae sa gitna, habang ang tatlo niyang kasama ay napa-irap nalang sa sinabi niya.

"Duh! Siya kaya ang manager ng team. Natural, makakasama niya ang mga imaginary boyfriend mo." Sabi ng isa pang babae sa tabi niya.

Nilingon lang nang babae na naunang nagsalita ang katabi niya pero agad ding ibinalik ang tingin sakin.

"Bading ka ba?" Biglang tanong ng babae, matapos magbalik ng tingin sakin.

"Huh? Pagtataka ko.

"Bingi ka ba!? Tinatanong kita kung bading ka. Bakla, shokla, tagilid. Ano? Ganon ka ba?" Paglilinaw niya.

Naguguluhan naman ako kasi ang random ng tanong niya pero sinagot ko nalang para matapos na. "Hindi."

"Ganon ba? Mabutin naman." Sabi ng babae sabay rampa paalis. Agad namang sumunod ang tatlo pang babae na kasama niya.

Weird. Ngayon lang may nagtanong sakin ng ganon. Hindi naman kasi ako mahinhin kumilos, 'di rin naman malamya ang pagsasalita ko. 'Di ako nagsusuot ng mga pangbabaeng damit o nagpapahaba ng buhok, at higit sa lahat, hindi naman talaga ako bading. Hindi sa dini-discriminate ko ang mga bading pero, hindi naman kasi talaga ako ganon. Kung magiging ganon man ako ay siguradong wala na 'ko ngayon dahil nasakal na ako ng tatay ko.

"Ba't ang tagal mo?" Nang makabalik ako sa court ay bumungad agad sakin ang iritadong boses ni Jake.

"Wow ah, ikaw nga 'tong 'di pa nakaligpit ang gamit." Tugon ko.

"Iwan nalang natin diyan, kakain lang naman tayo."

"Ang tamad mo talaga!" Wika ko at matapos ay isa-isa kong nilagay sa bag niya ang mga nakakalat niyang gamit sa bangko at sahig.

"Kakain ba kayo? Sama naman kami." Ani Kyler. Tinitigan naman siya ng masama ni Jake.

"Kumain kayo mag-is—." 'Di na natuloy ni Jake ang sasabihin niya ng Batukan ko siya sa ulo.

"Tara," Aya ko. Hindi ko na pinansin ang lukot na mukha ni Jake. Hay nako! Kelan ba siya matutong makisama sa mga ka-team niya? Ilang taon pa sila magsasama kaya kelangan niya talagang makihalubilo sa kanila, pero kahit na anong sabi ko ay matigas talaga ang ulo nitong si Jake.

"Yon! May alam akong masarap kainan na malapit dito." Saad ni France.

"'Di kayo pwede magpakabusog masyado ah, may laro pa kayo mamayang alas dos." Paalala ko.

"Tsk." Naiinis man pero walang nagawa kundi ang sumunod samin si Jake. Natawa naman ako sa lukot na mukha niya.

Simula nang araw na 'yon ay palagi na naming nakakasama sila Kyler at France. Masaya sila kasama at paminsan-minsan ay napapatawa na din si Jake sa mga banat nila. Masaya ako na natututunan na ni Jake na mag-open up sa ibang tao. Pero kung alam ko lang, hinayaan ko na sana si Jake na tanggihan si Kyler nung araw na 'yon. Selfish man, pero sana 'di ko na pinilit na makipagkaibigan si Jake sa kanila. Sana... sana.

My Ex-BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon