Chapter 2: Power puff girls and a gay

58 15 1
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agaran akong tumayo at nagmamadaling lumakad palabas ng silid. May tumatawag sa akin pero hindi ko na pinansin.

"Sis! Ano ba? Ba't ba madaling madali ka? Natatae ka ba?" May halong hingal na pagrereklamo ni Chelsy.

"Oo! Sasama ka?"

"Ew~ yuck! Mabaho kaya 'yon!" Maarting pagkakasabi niya.

"Natural! Tae eh, may mabango bang ta-." Natigilan nalang ako sa pagsasalita ng may mapansing tatlong lalaki sa likuran namin. Feeling ko nalang ay umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko sa sobrang hiya.

"Uy! Diba ikaw  yung transfer? Ako nga pala si Chelsy." Pabebeng pagpapakilala nito habang inilahad naman niya ang kanyang kanang kamay.

"Haliparot talaga!" Sa isip-isip ko.

Kinamayan naman siya ng lalaki na naging dahilan upang mapakurap-kurap si Chelsy.

"And he is A- uy! Sa'n ka pupunta?" Nung akmang ipapakilala na ako ay agad akong lumayo. "Hehe, pasensya na. Natata- I mean nagmamadali kasi kami eh, see you around~." Pagkasabi'y agad na tumakbo pasunod sakin si Chelsy.

"Sabi ko na nga ba eh~ may something sa inyo ng transfer noh?" Nakangising tanong ni Chelsy.

Inirapan ko lang siya pero hindi siya nagpaawat.

"Come on! Spill the tea!" Pangungulit niya.

"Tsk, tsk, tsk. Kinukulit mo nanaman si Ash." Ani Noraine. The most beautiful and talented student in our school. Well, sabi nila. For me, nakaka-angat lang siya ng konti pero pareho silang may sayad ni Chelsy at Rome.

By the way, Rome is our other friend that completes the gang. The power puff girls and a gay.

Nung senior high lang kami nagkakilala pero mula noon ay hindi na kami mapaghiwalay. Sa ngayon ay first year college na kami. Unfortunately, iba-iba ang pinasukan naming course. After all, magkakaiba kami ng hilig. Still, wala paring nagbabago. Every vacant namin is nagkikita kami at kami-kami parin ang magkakasama palagi.

"Noraine! Tell you what. Ash is having an affair with th-." Napahinto na lang si Chelsy sa pagsasalita ng maibuga ko sa kanya yung iniinom kong tubig.

Kung makatawa naman si Noraine ay parang mamamatay na.

Nag sorry naman ako kahit paano pero sa loob-loob ko, "deserve."

My Ex-BestfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora