Chapter 19: The place where it all began

18 8 1
                                    

"Hoy! Jake! Teka... ah." Tawag ko kay Jake habang ako ay hingal na hingal na. Kanina ko pa kasi siya hinahabol, at nakuha pa talaga niyang magpahabol eh... sa isang linggo na  ang laban nila sa provincial meet.

Proud na proud ako sa basketball team ng school namin, palagi kasi silang nakapag-uuwi ng panalo at medalya. Bukod pa don ay ako ang manager nila.

Nung umpisa ay wala talaga akong balak na tanggapin ang posisyon ng isang team manager dahil wala naman akong interes  sa sports, at isa pa, wala naman akong mapapala dito. Napilitan lang ako dahil araw-araw akong kinukulit ng coach ng basketball team. Bakit? Kasi si Jake ang most valued player ng basketball team ng school namin. It also happens that Jake is my best friend.

Ngayong taon lang sumali si jake sa basketball team ng St. Theodore High, ang paaralan na aming pinapasukan. Humanga ang lahat sa galing na pinamalas ni Jake sa paglalaro, kaya naman napunta sa kanya ang pabor ng coach. Lalo na nang magsimulang manalo ang basketball team namin sa mga tournaments at palagi sila ang nagiging kampeon na nag-uuwi ng tropeo. Si Jake ang palaging MVP kaya naman lubos ang pagpapahalaga ni coach sa kanya.

Magaling si Jake maglaro, kaso nga lang, siya'y ubod ng suplado. Kahit ang coach ng team ay hindi niya sineseryoso. Basta pupunta o aalis nalang siya sa praktis kung kelan niya gusto. Kaya eto, ako ang napag-iinitan ni coach. Hayst... ang normal at tahimik kong high school life, nadamay sa magulo niyang buhay.

"Dalawa rin pong samalamig manong Jude." Rinig kong sabi ni Jake habang ako ay nagbabasa ng master of the game by Sidney Sheldon na hiniram ko sa school library.

"Oh, 'to na corndog mo." Mayamaya ay lumapit sakin si Jake at tinusok-tusok sa pisngi ko ang naka-paper wrap na corndog.

Hindi ko siya pinansin. Nakakainis kasi, dahil sigurado ako na ako nanaman ang  pag-iinitan ni coach bukas dahil sa pagtakas ni Jake sa praktis. Sinubukan kong hulihin si Jake kanina pero once again, I failed. Ang tulin naman kasing tumakbo nitong si Jake.

"Ba't ba nagtatampo ka nanaman? Ikaw na nga 'tong nilibre." Sumbat sakin ni Jake.

"Wow ah! 'Di naman kasi ikaw yung mapag-iinitan!" Bulaslas ko.

"Ano naman? Wala naman mawawala sayo kung papagalitan ka ng coach na panot na 'yon, palagi mo nalang pino-problema." Tugon ni Jake na ikinabwisit kong lalo.

"Huh!? Ako p—"

"Oh, oh. Nag-aaway nanaman kayo. Ubusin nyo na muna yung corndog ko bago kayo magtalo, lalamig 'yan." Singit ni manong Jude habang inilagay niya ang dalawang nakabasong samalamig sa harap namin.

"Salamat po manong Jude, sandali lang po yung bayad." Pagkasabi ko'y hinalukay ko ang aking bag upang kumuha ng pera nang pigilan ako ni manong Jude.

"Hindi na iho, binayaran na 'yan ng kasama mo." Saad ni manong Jude habang nakanguso sa direksyon ni jake.

"Ah gano'n po ba? Salamat po" magalang na sabi ko kay manong Jude at matapos ay lumapit ako kay Jake, sabay batok sa kanya.

"The heck! Kahit tatay ko 'di ako binabatukan." Reklamo ni Jake.

"Pake ko! Bakit nilibre mo nanaman ako? Diba sinabi ko na sayo nung isang araw na 'di na 'ko tatanggap ng libre mo!?" Gigil na sabi ko.

"Bakit ngayon ka lang nagre-react? Kanina ko pa sinabi ah, sheesh."

"'Wag mong ibahin ang usapan!"

"Ano namang masama kung ilibre kita? Dapat nga magpasalamat ka nalang diba?"

"Sinabi ko bang ilibre mo 'ko?"

"Gusto ko. 'No gagawin mo?"

....

'Di ko alam kung kelan natapos ang pagsusumbatan namin ni Jake. Palagi nalang ganto, palagi nalang kaming nagtatalo. Pero mayamaya ay magbabati rin naman.

Naglalakad na kami pauwi ni Jake nang bigla nalang siyang huminto.

"Oh, bakit ka huminto?" Tanong ko.

"Wala, parang tinatamad pa kasi akong umuwi. Tara, tambay ulit tayo sa playground." Aya ni Jake.

Tuwing uuwi nalang kami ay bigla nalang mag-aaya si Jake sa kung saan-saan. Nagtataka naman ako kung bakit gano'n kaya tinanong ko siya dati ng isang beses kung may problema ba sa bahay nila. Imbes na sagutin, sinigawan ako ni Jake. "Ano namang pake mo kung may problema sa bahay namin o wala? Kung ayaw mo 'kong samahan, umalis ka nalang!"

Simula ng araw na 'yon ay 'di na 'ko nagtanong muli. Mainitin kasi talaga ang ulo ni Jake, may mga pagkakataon talaga na mapag-iinitan niya 'ko pero iniintindi ko nalang. Sino pa bang iba ang iintindi sayo kung hindi ang kaibigan mo diba? Lalo na kung ang pinanggagalingan ng problema mo ay ang pamilya mo pa mismo.

"Eh... pinagsabihan na kasi ako ni itay kagabi. Baka m—"

"Ash, wala namang problema kung gusto mo nang umuwi. Kaya ko naman mag-isa, sanay na 'ko."

"Jake, hindi naman s—"

"Hindi, ayos lang, sige na." Saad ni jake.

Totoo na nagagalit na sakin ang tatay ko dahil palagi nalang akong umuuwi ng hating gabi sa tuwing nagpapasama sakin si Jake. Nahihiya ako kay itay kapag inuulit ko parin kahit na paulit-ulit na niya akong sinesermonan. Pero hindi eh, 'di ko talaga maiwan nang mag-isa 'tong si Jake.

"Hayst. Sige na nga! Pero 'di ako pwede nang masyadong gabi ah."

"Hehe, sabi ko na 'di mo 'ko matitiis." Sabi ni Jake sabay akbay sakin.

'Di ko alam kung bakit, pero para bang may umuusbong na kung anong damdamin sa loob ng aking puso.

Kung nanatili nalang sana na wala akong alam sa nararamdaman ko, baka hindi na dumating ang araw na magdurugo ang aking puso.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now