Chapter 30: Paghilom ng sugat

11 3 1
                                    

'Nakakasuka ka, Ash.'

'Ganyan ba kita pinalake? Nakakahiya ka!'

'Buti nga sa kanya.'

'HAHAHAHA, kadiri.'

'Hindi ko siya kaibigan noh? Ew.'

'Pinagsisisihan kong nakilala kita.'

........

Ang bigat, pakiramdam ko ay may nakapatong na malalaking bato sa aking mga mata, dahil 'di ko na ito magawang idilat. Tila ba'y nakalimutan na nito kung paanong gumalaw. Pero matapos ng ilan pang pagsubok ay unti-unti ko ding nasilayan ang paligid ko.

Puti ang kisame at ang una mong malalanghap ay ang amoy ng disinfectant.

Hospital? I guess buhay pa 'ko. Ang huli ko kasing nakita bago ako mawalan ng malay ay ang pulang kotse na malapit nang bumangga sa akin. Sa oras na 'yon, akala ko talaga ay mamamatay na ako. Pero imbis na takot ay kaginhawaan ang narama ko.

'Sa wakas, makakapagpahinga narin ako.'

That's what I thought, pero mukhang hindi 'yon nagkatotoo.

"Anak!? Gising ka na!!" Nagagalak na sigaw ni itay, na ngayon ay kakapasok lang sa kwarto habang may bitbit na isang basket ng prutas.

"Kamusta pakiramdam mo, Ash? May masakit ba sayo? Sandali lang ah, tatawagin ko lang si dok." Pagkasabi'y natatampilok pang tumakbo si itay palabas.

Hindi naman ako nagsalita at nanatili lang ang aking mga mata na nakatitig sa kisame. Bukod kasi sa katawan ko na hindi ko madama ay namamanhid din ang aking puso.

Napag-alaman ko na tatlong araw pala akong nawalan ng malay at sa tatlong araw daw na 'yon ay may mga oras na bigla nalang may tutulong tubig mula sa aking mga mata. Sa tatlong araw kase na wala akong malay ay walang tigil ang pagpasok sa aking isipan ng mga hinanakit na aking naranasan.

Sabi ng doktor ay hindi naman daw malala ang natamong pinsala ng aking katawan, kaya walang magiging permanenteng sugat sa katawan ko. Kahit na gano'n ay kailangan ko paring manatiling naka-confine  for another 2 weeks, hanggang sa makabalik na ang katawan ko sa dati nitong sigla.

Sa buong linggo na nakahiga ako sa hospital bed ay walang mintis ang naging pagdalaw sakin ng aking ama. Tulad ng dati, puro parin siya kalokohan at walang katapusan ang pagke-kwento ng kung ano-ano. Pero.... gustuhin ko man ay hindi na 'ko makangiti, hindi na 'ko makatawa. Gustuhin ko mang kausapin ang tatay ko, ay hindi ko naman magawa. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko matapos ng mga nangyari. Oo, may sama ng loob parin ako, pero higit don ang kirot na narama ko, lalo na sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang mga masasakit na salita na binitawan ni itay, na lalong dumurog sa lasag-lasag ko nang puso.

"Ash, alam kong wala akong karapatan na humiling sayo matapos ng mga nagawa at sinabi ko. Pero sana pagbigyan mo naman 'tong tatay mo na makabawi sayo. Hindi ko lang naman gusto na magaya ka sa tito mo na nasira ang buhay, matapos niyang maglantad sa lolo't lola mo. Mahal ko 'yon at siya lang ang kakampi ko dati, pero matapos siyang palayasin ng tatay ko ay hindi ko na siya nakitang muli."

Napukaw ang atensyon ko sa sinasabi ni itay. Sa tuwing magtatanong kase ako tungkol saking tito ay bigla nalang magagalit ang tatay ko at puputulin ang usapan.

"Isang taon din ang lumipas bago ko siya nakitang muli....... at sino ang mag-aakala na sa muling pagkikita namin ay sa libing pa niya mismo. Libing ng kuya ko matapos magpakamatay dahil sa depresyon. Galit na galit ako non sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para sa kanya, na sa punto ng buhay niya na pinakakailangan niya ng kasama ay wala ako sa tabi niya. Nalaman ko nalang na hindi naging madali ang buhay ni kuya matapos siyang mapalayas at naisip ko, nangyari ang lahat ng 'yon dahil bakla siya. Dahil sa pagkabakla niya ay nasira ang kanyang buhay. Pero hindi eh.... nang nakita ko ang kondisyon mo habang walang malay at puno ng sugat ang katawan. Sa tuwing tutulo ang mga luha mo habang kitang-kita ang sakit na nararamdaman mo sa 'yong mukha ay napagtanto ko. Hindi nasira ang buhay ng kuya ko dahil bakla siya, nasira ang buhay niya dahil sa mga mapanghusgang tao na nakapaligid sa kanya, at isa ako don. Isa ako sa mga taong walang ginawa nang makita na sinisira ng iba ang kuya ko. Ang mas masaklap pa don ay ngayon, isa na ako sa mga naninira sa buhay ng sarili kong anak. Pasensya ka na Ash ah. Mahina kase 'tong tatay mo, duwag kase 'ko. Pero ikaw, malakas ka, matapang ka, Ash. At ipinagpapasalamat ko na ikaw ang naging anak ko."

Matapos magsalita ni itay ay hinila niya ako sa kanyang mga bisig at sa mga oras na 'yon ay sa wakas, may kadamay narin ako sa aking pagluha.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now