Chapter 27: Halik

14 4 5
                                    

Tahimik akong kumakain ng macaroons na dinala ko kanina habang pinipilit 'wag malaglag ang mga nanggigilid kong luha. Sigurado ko na papagalitan nanaman ako ni itay. Madilim na kase pero ito ko, wala paring balak umuwi. 'Di pa kase ako tapos magpakalunod sa mga alaala naming dalawa ni Jake. Sorry 'tay, huling araw na talaga 'to na gagabihin akong umuwi. Nakapagdesisyon na ko na huling araw na to, na ibabaon ko na lahat sa palaruan na 'to ang mga alaalang nabuo naming dalawa ni Jake.

Ngayon, handa na akong bumitaw. Naiinis na rin kasi ako sa sarili ko sa tuwing pabigla-bigla nalang papasok sa isip ko ang imahe ni Jake nung mga araw na kaming dalawa lang ang palaging magkasama. 'Di ko na mabilang ang mga pagkakataon na bigla nalang akong may madaramang mainit na tubig na tumutulo sa aking mukha. Madalas ring nagtatalo ang puso't isipan ko dahil walang tigil ang pangungulit ng damdamin ko na makipagkita kay Jake, na makipagbati sa kanya. Kaya nga nag-bake ako ng paboritong macaroons ni Jake kagabi. Balak ko kasi talagang puntahan si Jake sa araw ng kaarawan niya. Nais kong makipagbati at makita ang mga ngiti niya. Ang tawa niya. At katulad ng palagi niyang ginagawa'y aakbayan niya ko na para bang walang nangyari at matapos 'yon ay babalik na kami sa dati. Masayang imahinasyon, pero sa huli'y hanggang kathang-isip lamang.

"Sabi na eh, ikaw 'yan, Ash."

Tahimik ang paligid at halos wala kang tunog na maririnig, kaya naman lubos ang aking pagkagulat nang may biglang nagsalita sa likod ko at tinawag pa talaga ang aking pangalan. 'Yon. Si shunga'y nagbaliktad sa kinauupuan niyang duyan.

"Ash! Ayos ka lang?"

Nang malaglag ako mula sa pagkakaupo ko sa duyan ay may agad na umalalay sakin patayo.

"Kyler? Anong ginagwa mo dito?" Gulat at puno ng pagtatakang tanong ko.

"'Di ba't ikaw dapat ang tinatanong ko nyan? Ano bang ginagawa mong mag-isa dito? 'Di kita makita sa party kanina, 'di mo rin nirereplayan ang mga text ko kaya nag-alala ak- teka! Umiiyak ka ba?" Tanong ni Kyler, kasabay ng pagdampi ng kanyang mga palad sa mukha ko.

'Ang OA naman nito! Ba't ganto na ang mga tao ngayon?' Sa isip-isip ko. Hindi naman kasi talaga ako umiiyak, nanggigilid lang ang mga luha ko, pero nang punahin ito ni Kyler ay hindi na napigil ang pagbuhos ng hinagpis at hinanakit na dala-dala ng aking mga luha.

Nakakainis naman! Kung kelan pa may tao sa harap ko, saka pa nakuhang magrebelde nitong mga mata ko. Agad kong pinunasan ang aking mga luha at akmang tatalikod na sana ko nang bigla nalang akong hilahin ni Kyler patungo sa kanyang mga braso.

"Tsk! Sabi ko na nga ba'y sasaktan ka lang ng mokong na 'yon." Mariing sabi ni Kyler habang puno nang poot ang kanyang tono.

Agad namang nalukot lalo ang aking mukha at walang pasintabing nagsilabasan ang mga luhang pinipilit kong ikulong kanina. Buti nalang ay yakap-yakap ako ni Kyler, kung hindi ay nakakahiya! Ang pangit na siguro ng mukha ko.

Ilang minuto rin kaming nanatiling nakatayo habang hinahagod ni Kyler ang likod ko. Ilang balde na kaya ang naiiyak ko? Basang-basa na kasi ang damit ni Kyler na pinagsusubsuban ng mukha ko, habang siya ay wala paring pakealam.

'Di rin nagtagal ay natauhan din ako kaya agad akong kumalas mula sa pagkakayakap ni Kyler at sinabing, "Pasensya na Kyler, nabasa tuloy yang damit mo."

"Ano ka ba? Ba't ko naman iintindihin kung basa ang damit ko o hindi kung ganyan ang lagay mo?"

"Wala 'to. Bakit ka nga pala umalis agad sa party? Ang aga namang natapos," Pagbabaling ko ng usapan.

"'Di pa tapos. Maaga lang talaga kong umalis dahil wala don ang taong gusto kong makita." Seryosong sabi ni Kyler habang diretso ang pagkakatitig niya sa aking mga mata.

Napangiti naman ako sa aking narinig at sinabing, "Ikaw ah! Pumapag-ibig ka na pala. Sino ba 'yang maswert-"

Huh!?

Natigilan ako sa pagsasalita nang mapansin ko na ilang sentimetro nalang ang layo ng mukha namin ni Kyler sa isa't isa. Huli na nang mapagtanto ko na....... "We're kissing!?"

Nagblanko ang isip ko at tila ba'y nakalimutan ko nang huminga. Ganto pala ang pakiramdam ng isang halik. Pakiramdam ko'y malapit na kong malusaw sa init na dala ng malalambot na labi niya.

Hindi ko alam kung ga'no katagal ang namagitang halik sa'ming dalawa ni Kyler bago siya kumalas at sinabing, "Ikaw. You're the person I fell in love with."

Hindi naman siguro ako bingi, pero para bang hindi pumasok sa tenga ko ang sinabi ni Kyler. Tila ba'y huminto sa paggalaw ang bawat piyesa sa aking ulo.

Matapos magsalita ni Kyler ay hindi parin niya inalis ang pagkakatitig niya sakin habang ang kaliwang palad niya ay nakadampi sa aking pisngi. Muli, ay papalapit nanaman ang mga labi ni Kyler sakin upang magnakaw ulit ng halik, nang.......

"Galing! Happy birthday to me," Sarkastikong sabi ni Jake habang pumapalakpak sa gilid ng isang padulasan.

"J-Jake?" Anong ginagawa niya dito? Teka! Nakita niya kami ni Kyler na.......

Dahan-dahan ang paghakbang ni Jake palapit samin at mayama'y nagsalita syang muli. "Ash, 'di ka dumalo sa kaarawan ko para lang sa g*go na 'to?"

"Huh? Kung g*go ko, tarant*do ka! Ikaw 'tong nagpaiyak ka-"

Bago pa man maituloy ni Kyler ang kanyang sasabihin ay bigla nalang siyang binira sa mukha ni Jake, na naging dahilan upang mapaatras si Kyler ng ilang beses. Nagulat naman ako nang makita ko ang pagtulo ng dugo sa gilid ng kanyang labi.

"Kyler!" Nag-aalalang hiyaw ko kasabay ng paglapit ko sa kanya.

"'Yan! 'De lumabas din ang totoo." Saad ni Jake. Pansin ko ang pamumuo ng galit sa kanyang boses, pero hindi tama ang ginawa niya.

"Jake! Ba't mo naman ginawa 'yo-"

"Shut up, Ash! Sa tingin mo ba may karapatan ka na kwestyunin ako matapos ng mga katar*ntaduhang ginagawa mo sa likuran ko? Huh!? Pinili mo pa talagang makipaglampungan dyan sa hayup na 'yan kesa makipagbati saken!? Wala ka na talagang pakealam sakin noh?"

"Jake, 'di totoo 'ya-"

"I said, shut up! Pinagtanggol pa kita kila Josh pero totoo naman pala yung sinasabi nila. Nakakasuka! Nakakasuka ka Ash."

Nang matapos magsalita ni Jake ay tinalikuran niya na ko at tuluyan nang naglakad palayo. Gustuhin ko man na pigilan siya at magpaliwanag ay hindi ko magawa dahil walang lumalabas na boses sa bibig ko. Muli, nagbagsakan ang mga luhang... akala ko'y ubos na.

"Ash, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Kyler na ngayon ay nasa harapan ko na. "Tahan na, 'di dapat iniiyakan ang mga tulad ni Jake." Dagdag niya matapos hawiin ang aking mga luha.

Pilit ko nalang nginitian si Kyler, pero ang totoo ay sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Pero at least nandito si Kyler diba? Hindi man napapawi, pero mas ayos na may kasama ka sa'yong pag-iyak, kesa sa wala.

Akala ko lang pala 'yon.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now