Chapter 7: Place of memories.

31 11 1
                                    

Mabilis ang pagpapatakbo ni Jake kaya naman mahigpit akong nakakapit sa kanya. Mabilis din ang tibok ng puso ko; hindi dahil kinakabahan ako na baka maaksidente kami. Masyado na kasi akong nakadikit sa kanya, not to mention that ang kinakapitan ko ay ang abs- I mean yung tiyan niya. Don't ask me what I feel, kasi nababaliw na ako sa sitwasyon na pinasok ko. Bakit ba kasi ako sumama sa bwisit na 'to.

Hindi rin nagtagal ay binagalan din ni Jake ang pagpapatakbo ng motor; tsaka ko lang napansin ang pamilyar na daan na tinatahak namin.

Nang huminto kami ay napatingin ako sa paligid. Puno ito ng tao at ng sari-saring amoy mula sa mga food stands. May mga nag pi-picture, kumakain at masayang nag-uusap. May mga estudyante rin na dumaraan na nakasuot ng uniform ng
St. Theodore High, ang paraalan na pinasukan ko nung high school. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.

"Tara?" Ani Jake na pasimple pang umakbay sakin; hinawi ko ang kanyang kamay paalis at dere-deretsong naglakad.

Habang naglalakad ay lumilinga-linga ako sa paligid. Marami nang nagbago, marami nang nawala. Pero kahit na gano'n ay may mga ala-ala parin na hindi mawala-wala; may mga damdamin parin na hindi ko kayang ikaila.

"Ash! Jake!" Sigaw ng isang lalaki na nasa animnapung taong gulang.

"Manong Jude!" Agad naman akong tumakbo sa kinatatayuan ng lalaki at nagmano. Gano'n din ang ginawa ni Jake.

"Ang laki niyo na ah at mukhang hindi parin kayo mapaghiwalay." Paunang sabi ni manong Jude.

"Hindi p-." Itatanggi ko na sana ang sinabi ni manong Jude na "hindi parin kami mapaghiwalay ni Jake" nang bigla nalang hilahin ni Jake ang balikat ko papunta sa kanya.

"Oo nga po eh, nakatadhana po siguro kami sa isa't isa." Ani Jake na tinawanan lang ni manong Jude. Tinitigan ko naman ng masama si Jake habang ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.

"Shameless!" Sa isip-isip ko. "Kamusta naman po kayo manong Jude? Mabili naman po ba?" Tanong ko. Nagtitinda kasi siya ng corndog dito sa plaza. Nung high school palang kami ni Jake ay palagi kaming bumibili sa kanya tuwing uwian. Masarap kasi ang corndog ni manong Jude. Mabait at funny pa ang tindero kaya hindi nakakasawang bilhan.

"Mabili naman, 'di ngalang tulad ng dati dahil marami nang nagtayo ng iba't ibang negosyo. Overcrowded na rin ang plaza, kung ano-ano ang inilalagay. Bakit pa kasi naalis sa serbisyo si Mayor Pao, napalitan ng walang kwentang opisyal na mukhang pera." Pagra-rant ni manong Jude habang nakanguso. Hindi naman namin mapigilan ni Jake ang matawa, habang si manong Jude ay nginitian lang kami.

"Ang bilis lumipas ng panahon, naalala ko pa dati nung bubwit pa kayong dalawa. Palaging naghahabulan at pagkatapos ay bibili dito nang naghihingalo at pawisan." Kwento ni manong Jude na agad akong hinila patungo sa nakaraan.

In the past.

"Hoy Jake! Sa'n ka nanaman magpupunta? Magsisimula na traning nyo!" Sigaw ko habang hinahabol si Jake.

Palagi nalang ganito tuwing may praktis si Jake sa basketball. Player kasi siya ng school namin and he is the ace of the team. Ang galing niya kasi mag shoot, ehem. Kaso nga lang, palagi niyang tinatakasan ang praktis dahil tinatamad daw siya. In my opinion, gusto lang niyang magpahabol kasi hindi siya napapagod sa pagtakbo niya. Wala naman akong magawa dahil ako ang manager ng team at ako ang nalalagot kay coach tuwing wala siya.

Pagkatapos akong pagurin maghabol ay ililibre niya ako ng corndog ni manong Jude, para 'di na daw ako magalit. Eto namang si foodie ay hindi makatanggi sa pagkain or maybe sadyang marupok lang talaga ako.

'Di ko mapigilang ngumiti habang binabalikan ang mga ala-ala na-, "ah!" Napasigaw ako nang may dumikit na malamig sa pisngi ko. Titingnan ko na sana si Jake ng masama nang i-abot niya sakin ang isang naka-can na soft drinks. I don't know if it was a coincidence but it was my favourite drink.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Jake habang nakapalumbaba at mariing nakatitig sakin.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil feeling ko, malapit na akong malusaw sa init ng pagkakatitig niya. "None of your business."

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now