Chapter 10: Friend or your Ex-Best Friend

21 11 1
                                    

Naglalakad kami ni Chelsy papunta sa Cafeteria ng may biglang umakbay sakin, "What do you want?" Hindi ko na siya kailangan tingnan dahil alam ko na si Jake 'to.

"Sino 'yon?" Tanong niya habang hindi maipinta ang mukha. Nagkibit balikat lang ako.

"Just a scum, no need to mention him." Sabi ko na medyo naiinis din dahil sa pinagsasabi ng Ricky na 'yon, not to mention that ka-group ko pa siya out of all people.

"Oho~ Hindi ko alam na close pala kayo ni Mr. Transferee my friend~" Pang-aasar ni Chelsy. 'Di mo talaga maaasahan na manahimik 'tong bruha na 'to.

"Tama, and not just any friend." Gatong naman ni Jake na dahilan upang manlaki ang mga mata ni Chelsy. Ano nanaman kaya ang ini-imagine ng bruha. Well, ayoko nang isipin.

After walking for a while, nakarating na rin kami sa school cafeteria. Medyo marami nang tao, buti nalang ay naunang dumating dito sila Rome at Noraine kanina kaya naman may na save silang table para samin.

Nang makita namin si Noraine na kumakaway-kaway mula sa isang table ay agad namin siyang pinuntahan. Nakangiti ito habang nagpapabalik-balik ang tingin niya from me to Jake. Habang si Rome naman ay... well sabihin nalang natin na kung nakamamatay ang titig, baka kanina pa may dumating na ambulansya dito.

Naupo ako sa tabi ni Noraine at si Jake ay umupo sa tabi ko. I swear na na-feel kong bumaba ng ilang antas ang temperatura sa  paligid namin.

"Bakit may outsider dito?" Pasimula ni Rome na halata na ang itinutukoy ay si Jake.

"Sis, lahat naman tayo outsider dito. Wala naman tayo sa loob eh~." Sabi ni Chelsy. Gaga talaga, can't she read the room? Binombastic side eye lang siya ni Rome, sabay tayo at umalis.

Agad ko namang sinundan si Rome hanggang sa makarating kami sa hallway.

"Rome wait." Hinawakan ko siya sa braso para pahintuin pero kumalas din siya agad.

"Am I a joke to you? Kakasabi ko palang sayo kahapon na layuan mo yung jerk na 'yon, now what!? Hahayaan mo nanaman ba na masaktan ka ulit? Hahayaan mo nanaman ba na maulit yung dati?" Halos naiiyak na sabi ni Rome.

"Rome, let me explai-"

"No! I'll give you a choice. Me or that jerk?" Natigilan naman ako sa sinabi niya, bakit ba nagkakaganito si Rome? Alam ko na worried lang siya sakin pero nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

"Rome...'wag naman ganito." Aniko. Tumitig lang siya sakin at sabay tinalikuran.

"Kausapin mo nalang ako kapag nakapili ka na."  Pagkasabi'y tuluyan na siyang umalis.

My Ex-BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon