Chapter 15: Sunog

14 9 3
                                    

Nagising ako sa amoy ng....... "SUNOG!?" Bigla akong napatayo sa sofa na hinihigan ko or namin ni Jake na ngayon ay ni anino ay hindi na makita. Napansin ko na ang kapal ng usok na nanggagaling sa kusina.

"Jake!? What are you doing?" Nakita ko si Jake sa tapat ng kawali kung saan nagmumula ang makakapal na usok.

"Um... cooking?" Saad ni Jake na kahit siya ay hindi sigurado kung pagluluto ba talaga ang ginagawa niya.

"Cooking? You call this cooking!?" Bulaslas ko. Sino ba naman ang hindi maiirita kung ang unang bagay na makikita mo sa 'yong paggising ay ang isang sunog na itlog.

Agad namang ngumuso si Jake at sinabing, "I just want to make you breakfast."

Napairap nalang ako, akala niya siguro gagana palagi sakin ang pagpapa-cute niya. "Just get out of the kitchen! Ako na dyan."

Kumuha ako ng panibagong itlog sa ref at nang akala ko'y umalis na si Jake ay may bigla nalang yumakap sakin mula sa  likuran. "A–anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko.

"Galit ka ba?" Mahinang tanong niya habang itinapat pa talaga ang pagbulong niya saking tenga. Napalunok naman ako, anak ng putcha!

"Pano 'ko makakapagluto kung nakaganyan ka?" Sabi ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at nanatiling nakayakap sa likod ko. Lalo namang namula ang aking mukha, lalo na't alam ko na naririnig ni Jake ang tumutahol kong puso dahil sobrang lapit niya sakin.

"'Wag ka na magluto." Saad niya.

"Huh!? So ano? Maghihintay nalang tayong mahimatay sa gutom?" Sarkastikong sabi ko.

"Tsk, pwede naman kasing kumain sa labas." Inis na sabi ni Jake.

Napairap nalang ako, "ayoko."

"Ayaw mo?" Tanong niya.

"Oo, ano namang magagawa mo– AH!" Sigaw ko matapos niya akong kagatin sa balikat. "Aso ka!"

"'Di ka parin sasama?" Pananakot niya. Akala niya siguro magpapasindak ako sa kanya.

"Sa'n ba kasi tayo kakain? Pwede namang sabihin ng matino." On second thought, masakit makagat kaya mag a-adjust nalang ako.

"You'll know soon enough."

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now