Chapter 22: Mas gusto kitang kasama.

13 7 5
                                    

Madalang nalang ang pag-uusap namin ni Jake. Pero kahit na ganon ay may koneksyon parin naman kami sa isa't isa... I think.

Habang nagsusulat ako ng essay na pinapagawa ni ma'am Vic ay may biglang tumabi sakin sa bleacher na inuupuan ko. Hindi man required pero manager parin naman ako ng basketball team kaya kelangan ko parin talaga ipakita ang pagmumukha ko dito paminsan-minsan.

"Ba't naupo ka na agad? 'Di pa kayo tapos ah." Aniko kay Jake na ngayon ay nakatitig sa papel na hawak ko.

"Tulungan mo naman ako dyan, wala akong naintindihan sa turo ni ma'am biik."

"Ma'am Vic Jake, 'di ma'am biik. At pano ka naman makakaintindi eh 'di mo naman pinapasukan yung subject na 'to."

"Hehe."

"'Wag mo 'kong i-hehe dyan. Tutal wala ka namang balak mag-praktis, gawin mo nalang 'to ngayon." Inabutan ko siya ng papel at ballpen, habang siya ay napakamot nalang sa batok.

"Iba talaga si manager. Biruin mo, napagawa niya nang paper works si Jake." Sambit ng humuhulas na si Josh habang naglalakad papunta samin.

"Hahaha, kahit nga pangalan niya lang sa attendance sheet 'di niya masulat eh." Gatong naman nitong si France.

Napatitig si Jake ng masama sa kanila pero agad din siyang bumalik sa pagsusulat.

Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Jake, hanggang ngayon 'di ko parin siya gets. Minsan ubod ng suplado, pero minsan ubod naman ng tino. Bipolar ba siya?

"'Wag niyo ngang guluhin si Jake! Minsan nalang maging matino yung tao." Saway ko kina Josh at France na ikinatawa lang nila. Si jake naman ay mapapansin mo ang pagkunot ng kanyang noo habang patuloy parin siya sa pagsusulat.

Mayamaya ay tumabi si kyler sa kaliwa ko. "Kay ma'am Vic din ba 'yan? Paturo din ako, 'di ako sanay gumawa ng ganyan eh." Saad ni Kyler. Minsan may sayad din 'to, pero sa lahat ng miyembro ng basketball team ng school namin ay siya lang ang matino. Yung ibang member ng team kasi ay kung 'di minsan, ay madalas mong makikita na naninigarilyo kahit na nasa harap pa sila ng gate ng school namin. Kahit kay Jake ay may malalanghap ka paminsan-minsan na amoy ng sigarilyo o 'di kaya'y alak. Pero gustuhin ko mang pagsabihan siya, 'di ko naman magawa. May mga nagbago na kasi sa pagitan naming dalawa, at ramdam ko 'yon, 'di man halata.

Nang matapos si Jake sa essay ay nanatili parin siya sa tabi ko. Randam ko ang titig niya habang tinuturuan ko si Kyler. Ano nanaman bang problema nito?

Makalipas ang ilan pang minuto ay natapos nadin si Kyler sa pagsulat niya. Bilang pasasalamat daw niya ay inaya niya 'kong kumain mamayang uwian, libre daw niya.

Wala naman akong gagawin mamaya kaya tumango nalang ako. Nang napalingon naman ako kay Jake ay nakita kong nakatingin siya sakin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Medyo disappointed ako kasi mukhang wala siyang balak sumama, pero hahayaan ko na siya. Miss ko na kasi talaga yung corndog ni manong jude, sa tuwing mag-aaya naman ako kay Jake ay palagi nalang niyang sinasabing next time, hmph!

Matapos ang dalawa pang subject ay uwian nadin sa wakas. Paglabas ko ng gate ng school ay nakita ko si Kyler na naghihintay habang nakasandal sa gate. Nang mapansin niya 'ko ay agad siyang lumapit at nagtanong kung san ko gusto kumain.

"Ayos lang ako kahit san," Sagot ko.

Balak ko talagang mag-corndog pero nagbago na ang isip ko. Parang iba kasi kapag hindi si Jake ang kasama ko.

Nang makarating kami sa plaza ay 'di ko inaasahang dadalhin ako ni Kyler sa corndog stand ni manong Jude.

"Nabanggit ni Jake na  paborito mo daw ang corndog dito."

"Sinabi ni Jake 'yon?" Anong gulat na pagtatanong ko. Hindi kasi si Jake ang tipo na magsasabi ng kung ano-ano.

"Haha... sa totoo lang, nagtanong ako sa kanya kanina kung ano ang hilig mong kainin. Kelangan ko pa nga siyang kulitin para lang makakuha ng sagot." Ani Kyler habang kinakamot ang batok. Natawa naman ako.

"Oh, Ash. 'Di mo yata kasama si Jake." Wika ni manong Jude nang mapansin niya kami. Marami din kasing bumibili sa kanya.

"Magandang hapon po manong Jude. May gagawin pa po siguro si Jake kaya 'di po siya nakasama."

"Tsk, tsk, tsk. Nagtatampo na talaga 'ko." Saad ni manong Jude na ikinatawa ko.

Parami na ng parami ang mga tao na pumapalibot sa stand ni manong Jude, kaya nang makuha na namin ni Kyler ang in-order naming corndog ay nagpaalam na din ako kay manong Jude.

"Close talaga kayo ni Jake noh?" Tanong ni Kyler habang naghahanap kami ng pwedeng upuan. "'Kala ko dati sa school lang kayo palaging magkasama." Dagdag pa niya.

"Oo, pero 'di na kami masyadong nagkakasama ngayon. Siguro marami lang siguro siyang pinagkakaabalahan ngayon." Wika ko na kahit ako'y 'di naniniwala sa sarili kong sinabi.

"Hmm... kung ako 'yan 'di kita gaganyanin." Mahinang sabi niya.

Medyo maingay ang paligid namin kaya 'di ko siya masyadong narinig. "Ano ulit 'yon?"

"Wala, sabi ko ang swerte ni Jake sayo."

"Huh? Bakit naman?"

"Ikaw kasi yung tipo na gugustuhing kaibiganin ng lahat. Kaya nga nakakapagtaka na si Jake lang ang palagi mong kasama. 'Di sa nanghihimasok ako pero, I think you deserve better. Deserve mo na maibalik din sayo ang pagpapahalaga na binibigay mo." Wika ni Kyler na puno ng sinseridad.

"Salamat, pero mabait naman sakin si Jake. Kapag nakilala niyo pa siya lalo, sigurado kong mas magkakasundo kayo. Pagpasensyahan niyo nga lang siya paminsan-minsan kapag tinotopak, ganon lang talaga 'yon. Pero mabait talaga siya." Depensa ko kay Jake. Palagi nalang kasi siyang tinitingnan ng mga tao bilang gwapong basketbolero, o 'di naman kaya'y isang walang puso at suplado. Kaya gusto ko sana na tingan din siya ng iba kung sino talaga siya. Dahil ako, alam ko na sa loob ni Jake ay may tinatago din siyang sariling kagandahan ng loob.

"Hmm... kung alam mo lang." Bulong ni Kyler.

"Ano 'yon?"

"Wala, nasarapan lang ako dito sa corndog na binili natin. Kaya pala paborito mo."

"'Diba? Kaya palagi kaming bumibili ni Jake dito dati."

"Tsk, palagi nalang si Jake. Nagtatampo na 'ko." Nakangusong sabi ni Kyler.

"Hahaha, 'di bagay sayo magpa-cute Kyler." Muntik ko pang maibuga ang nginunguya ko nang makita ko ang pagmumukha ni Kyler. Bukod kasi sa nakanguso siya ay may kalat-kalat na ketchup at mustard sa mukha niya.

"'Yan! Bagay talaga sayo kapag tumatawa ka. 'Wag kang mag-alala. Kung ayaw ka nang dalhin ni Jake dito araw-araw, pwes, ako nang sasama sayo."

"Weh? Eh palagi nga kayong may lakad magkakatropa."

"Mas gusto kitang kasama eh, gusto mo ako pa magbayad ng lahat ng kakainin mo araw-araw."

"Tatandaan ko 'yan."

"Oy! Biro lang."

....

Hindi ko alam kung anong oras na 'kong nakauwi. Matagal narin nung huling beses na ginabi ako sa pag-uwi. Napagalitan man ni itay, pero ayos lang. Nag-enjoy naman kasi ako masyado. Lalo na't masayang kasama si Kyler. Tila ba'y 'di siya nauubusan ng banat at kalokohan. Kaya naman hanggang ngayong patulog na 'ko ay natatawa parin ako sa tuwing maaalala ko ang mga kalokohan niya.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now