Chapter 14: Sleepover

17 10 2
                                    

"Bakit nandito ka pa?" Naka pamewang na tanong ko kay Jake.

"Can't I stay?" Tugon niya habang may suot na nakakaamong mukha. This jerk sure knows how to target your weakspot.

"Wala ka bang bahay?" Bulaslas ko na pilit iniiwasan na tingnan siya dahil alam kong mahuhulog nanaman ako sa pagpapa-cute niya.

"Ang dami kong regalo na binigay sayo pero ang sungit mo parin." Sumbat ni Jake habang nakanguso.

"Wow ah! Parang kasalanan ko pa na niregaluhan mo 'ko." Sambit ko na hindi man lang pinansin ng mokong at nanatiling nakanguso habang nakaiwas ng tingin.

"Hmph! Bahala ka nga dyan!" Pagkasabi ko'y dumeretso ako sa kwarto ko at padabog na isinara ang pinto. Agad naman akong pumunta sa banyo upang maligo. Ang daming nangyari, nakakapagod pero masaya. Para akong tanga na tumatawa  mag-isa habang binabalikan ang mga nangyari kanina.

Matapos kong maligo ay tumalon agad ako sa kama sabay nagpagulong-gulong. Hindi ko na namalayan kung kailan ako nilamon ng antok ko.

Ang himbing ng tulog ko, komportable at payapa. Hanggang sa....

"Huh!? J-Jake? A-anong ginagawa mo!?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa aking nakita. Hindi ko ine-expect na sa aking pagdilat ay may bubungad sa aking half-naked na binata na nakaupo sa tiyan ko.

Nakita ko na si Jake dati na nakahubad pero ngayon ko lang napansin yung well refined muscles niya. As in yung lines between his abs is kitang kita talaga. Hindi ko na namalayan na napapalunok na ak– no!

"J-Jake, ugh... wait." Sinubukan ko siyang itulak pero kinuha niya ang aking mga kamay, effortlessly restraining both of my hands above my head.

Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Ano bang nangyayari? Kaka-eighteen ko palang tapos madadale na agad ako!? Sinasabi ng isip ko na kailangan kong kumawala pero hindi ko alam kung saan napunta yung lakas ko.

Mayamaya ay akmang tatanggalin na ni Jake ang lock ng kanyang  sinturon. "Agad-agad!?" Sigaw ko sa aking isip. Agad akong nag-iwas nang tingin pero mayamaya ay pasimple akong sumilip.

Napasinghap naman ako sa aking nakita. Dahan-dahang ibinaba ni Jake ang zipper ng pants niya at... "DAMN!" Its a dream.

Pagdilat ko nang aking mga mata ay agad akong napaupo at luminga-linga sa paligid. Madilim parin naman at walang tao. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung relief ba o disappointment ang aking nadama.

Mayamaya ay lumabas ako ng kwarto at ang bumungad sakin ay ang natutulog na si Jake na nakataas pa ang isang paa sa sandalan ng sofa. Natawa naman ako sa itsura niya, nakanganga kasi siya at tumutulo pa ang laway.

Pumunta ako sa aking kwarto at pagbalik ay may dala-dala na akong kumot. Dahan-dahan kong kinumutan si Jake at nang akmang aalis na ako ay may biglang humila sa kamay ko.

"Jake!" Pabulong na sigaw ko sa nagtutulog-tulugan na si Jake. Pagkahila niya kasi sakin ay bumagsak ako sa sofa na hinihigan niya at ngayo'y nakakulong ako sa kanyang mga bisig. Ilang beses kong tinangka na makatakas pero mahigpit ang pagkakayakap niya sakin. Tinitigan ko nang masama ang nagtutulog-tulugan na si Jake, akala mo'y inosente na kunwari ay humihilik pa. Sa huli ay wala na akong nagawa pa, hanggang sa hindi ko na namalayan na pati ako ay nakatulog narin sa kanya.

My Ex-BestfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu