Chapter 21: Drifting apart.

12 6 1
                                    

4 months later....

Napatingin ako sa pinto ng classroom namin nang pumasok si Jake.

"Nagpuyat ka nanaman noh? San ka nanaman ba nagsususuot kahapon? Diba may plano tayo? 'Di ka nanaman sumipot." Saad ko kay Jake na ngayon ay nakaupo na sa katabi kong desk. 'Di naman ako pinansin ni Jake, may topak nanaman siguro.

Marami pa sana akong gustong sabihin pero dumating na ang teacher namin.

Habang nag che-check ng attendance ay napalingon ako kay Jake. May teacher na pero wala parin siyang pakealam. Basta siya'y nakadukmo lang sa desk niya at walang planong makinig. Dati pa ginagawa ni Jake ang ganito, pero parang napapadalas na yata. Napapadalang na din ang mga araw na magkasama kaming dalawa. Naging magkakatropa na kasi sila ng mga ka-team niya sa basketball. Bilang team manager, masaya naman ako dahil nagkakaron na ng closure si jake sa mga ka-team niya 'di tulad ng dati. Nakakalungkot nga lang dahil mas madalas nang kasama ni Jake ang mga bago niyang kaibigan, kesa sakin.

"Jake, miss ko na yung corndog ni manong Jude. Samahan no naman ako." Aya ko kay jake nang matapos ang aming klase.

"Next time, may lakad ako." Wika niya.

"Huh? Kakasabi mo lang niyan nung nakaraan ah, tapos ngayon next time ulit. Kela—"

"'Wag ka ngang makulit! Sabi na't may lakad ako!" Bulaslas niya.

Natigilan naman ako. Gusto kong tanungin kung may problema ba kami pero walang lumalabas na tunog sa bibig ko.

....

"Oi! Jake. Absent ka nanaman kahapon." Sabi ko kay Jake nang  makita ko siyang naglalakad sa hallways, and as always, 'di nanaman niya 'ko kinibo.

"Pinapatanong nga pala ni sir John kung nasan na yung project mo sa subject niya. Kahapon pa 'yung deadline ah. Ba't 'di ka pa nagpapasa?" Tanong ko.

Inaasahan ko na hindi nanaman ako kikibuin ni Jake pero bigla nalang siyang huminto sa paglalakad at nilingon ako.

"May inaasikaso pa 'ko sa bahay eh. Sumabay pa yung basketball na 'yan. Gawan mo muna nang paraan oh." Saad niya.

"Ayos lang naman sakin kung tutulungan kita, kelan ka ba pwede?"

"Wala eh, marami talaga 'kong kelangan asikasuhin. Hayaan ko nalang siguro 'yang project na 'yan. Wala rin naman akong oras."

"Ganon ba? Hmm... sige na nga. Pero sa susunod gawin mo na agad ah, para 'di kana nahuhuli sa pagpasa." Sa huli'y 'di ko rin siya natiis. May pagkamahigpit kasi ang teacher namin sa science na si sir John. Binalaan na rin ni sir si Jake nakaraan na kapag  'di pa siya nagtino ay ibabagsak na talaga siya nito.

"'Yon! Kaya sayo 'ko eh." Saad ni jake sabay akbay sa balikat ko. Sa muli'y may kung ano nanamang nagtatatalon sa didbdib ko. Sa tingin ko kelangan ko nang magpakonsulta sa doktor, medyo napapadalas na kasi 'to.

"Oh, ba't namumutla 'yang mukha mo? May sakit ka ba?" Pagtataka ni Jake.

"W-wala, mainit lang sigu—"

"Jake! Tara na." Aya ni Josh, isa sa mga players ng basketball team sa school namin.

"'Yan na." Tugon ni Jake na agad namang lumapit kay Josh. Inaantay ko ang muling paglingon ni Jake para magpaalam man lang, pero mukhang abala na siya sa pakikipagkwentuhan kay Josh. Habang ako'y naiwan lang na nakatayo doon, pinagmamasdan ang likuran nilang dalawa hanggang sa hindi ko na sila makita.

Ako ang manager nila kaya alam ko na wala na silang training, magbubulakbol nanaman ang mga 'to.

Maraming kelangang asikasuhin? Ha! Minsan talaga, mas ayos pa ang magtanga-tangahan, para kunware, 'di mo alam kahit na tinatarant*do ka na. Sayang, 'di tulad ng puso, hindi madaling utuin ang isipan ng tao. Ang mas masaklap pa don ay kahit na alam ng isip mo kung ano ang tama, sa huli'y ang puso mo parin ang masusunod.

Matapos ang araw na 'yon ay mas naging madalang ang pag-uusap namin ni Jake. Madalang na din kasi ang kanyang nagiging pagpasok. Kung papasok man ay palagi naman siyang nasa training.

Ramdam ko ang bilis ng paglayo ng mundo namin sa isa't isa.

"May problema ba samin?"

"Galit ba siya sakin?"

"May nagawa ba 'kong mali?"

Kung inisip ko lang siguro nang mabuti, siguro mapapansin ko na masyado na akong nagpapakatanga nung mga panahon na 'yon. Pero kahit naman siguro mapansin ko, wala naman sigurong magbabago. Sa  huli'y pipiliin ng puso ko ang magpakatanga kaysa bitawan ang best friend ko, ang nag-iisang kaibigan ko.

My Ex-BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon