Chapter 13: Birthday Party

17 10 6
                                    

"Kahit pilitin pa'ng sarili. Ibigin ka'y mali, ako'y mali. Ako'y mali!!"

Napapangiwi nalang ako habang nakatingin sa kumakantang si Rome na daig pa ang lasing. "Birthday ko diba?" Tanong ko kay Noraine na tinanguan lang ako dahil abala siya sa pagkain ng chicken wings na in-order namin kanina. "Kung gano'n, bakit instead of happy songs ay puro nalang pang broken ang kinakanta ni Rome mula kanina?" Dagdag ko.

"Diba? Malay natin broken talaga siya~." Saad ni Chelsy habang naghahagilap ng kanta sa song book, nag-rent kasi kami ng karaoke. Not to mention that kung ano-anong klase  ng pagkain ang niluto at in-order namin. Take note, 'di namin 'to plinano ah. Basta maisipan lang talaga nila ay ipu-push na.

"Pa'nong magiging broken eh wala namang nababanggit si Rome na natitipuhan niya? Wala rin naman siyang boyfriend." Pagtataka ko.

"Hay nako! Mema lang 'yang si Chelsy. Kailan ba nagsabi ng tama 'yan?" Ani Noraine na iba namang potahe ang hawak niya ngayon.

"Sabagay." Pagsang-ayon ko.

"How mean~ ganyan naba tingin niyo sakin? Ugh! My heart is breaking~." Saad ni Chelsy na hindi mo malaman kung nag da-drama ba o simpleng naglalantod lang.

Napairap nalang ako at matapos ay nakita kong tumatawa si Jake habang nakaupo sa kabilang couch. Isa din 'yang foodie kaya naman kanina pa siya walang tigil sa pagkain. Hindi 'yan mababagot basta 'wag lang siyang mauubusan ng pagkain.

Mayamaya ay tumunog ang doorbell. "Ano nanaman kaya ang pinag o-order ng mga 'to?" Sa isip-isip ko habang lumalakad papunta sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay nandilim agad ang paningin ko dahil bumungad agad sakin ang pagmumukha ni Ricky. "Why the hell is he here?" Tanong ko sa aking sarili.

Magtataray na sana ako nang mapansin ko ang lalaki sa kaliwa ni Ricky. Agad napalitan ang lukot na mukha ko ng matatamis na ngiti.

"Ichi!" Nananabik na sigaw ko kahit na magkaharap lang kami. Agad namang ibinuka ni Ichi ang kanyang mga bisig para tanggapin ang yakap ko.

"Pa'no naman ako? Where's my hug?" Singit ni Ricky na tinitigan ko lang ng masama. Nawala naman agad ang inis ko nang may iabot saking box na nakabalot sa kulay berdeng wrapper si Ichi.

"Regalo ko, for my dearest Ash." Sabi ni Ichi na naging dahilan para mapa-twerk ang puso ko. Sa galak ay balak kong umisa pa ng yakap kay Ichi nang may biglang humila sakin palayo, "Jake?"

"May bwusita ka pala." Ani Jake habang nakatitig kay Ricky.

"How could you say that about yourself?" Tugon naman ni Ricky na agad ikinadilim ng tingin ni Jake.

Napahawak nalang ako sa aking sintido,"Not again." Bulong ko sa aking sarili. Sa tuwing nagkikita nalang kasi ang dalawa ay palagi nalang intense ang pagtitig nila sa isa't isa. "Bading din ba sila? Do they like each other?" Tanong ko sa aking sarili.

"Oh! Ichi-senpai? Nandito ka pala~." Pabebeng bungad ni Chelsy. Kahit kelan talaga.

"Oo, nakita ko yung chat mo inviting me to come over." Tugon ni Ichi.

"Invite?" Napatingin nalang ako kay Chelsy  na sinuklian naman niya ng pagkurap-kurap ng kanyang nga mata. Gagang 'to! Daig pa niya ang may-ari ng bahay kung makaimbita. On second thought, pogi naman yung in-invite niya kaya ayos lang.

Papapasukin ko na sana sila Ichi at Ricky nang pangunahan ako nitong bruhilda. "Tara na~ pasok na kayo ni– oh! Nandito ka din pala Ricky~."

Tiningnan naman ni Ricky ng masama si Chelsy dahil halos magkadikit lang sila ni Ichi pero ngayon lang siya nito napansin.

"Paano bang magmahal? Kailangan bang nasasaktan? Lagi nalang 'di maaari, gusto ko nang lumisan!"

Pagpasok namin ay 'di parin natatapos si Rome sa pa-sad girl effect niya. Ano na bang nangyayari sa babae na 'to? Agad naman lumapit si Noraine samin at kinamusta si Ichi. Super friendly and approachable naman kasi nitong si Ichi kaya halos lahat ng student sa campus namin ay ka-close niya.

Contrary to his half-brother na si Ricky na palagi nalang may kaaway. Tulad ngayon, Hindi parin sila natatapos sa pagtititigan ni Jake. Naghihinala na talaga ako na baka may something sa kanilang dalawa.

Ang bilis ng paglipas ng oras. Nagkantahan, kumain nagkwentuhan, at nakailang awit sila ng birthday song para sakin. Lubos akong naaliw sa mga kasiyahang pinaggagagawa namin.

Lumipas ang mahabang maghapon at nang magdilim ay natapos din ang aming kasiyahan. Matapos nila akong tulungan sa pagliligpit ay hinatid ko silang lahat sa pinto at do'n isa-isang nagpaalam. Syempre 'di ko nakalimutang magpasalamat sa kanila for making the day of my birth extra special.

Nang isasara ko na ang pintuan ay napansin ko na nakatayo parin si Ricky sa tapat ng bahay namin at tila ba'y walang balak umalis. Nang mapansin niya na nakatingin Ako sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin at mayamaya ay may dinukot na kung ano sa loob ng kanyang jacket. Nang mailabas niya ang isang box ng relo ay agad niyang inilagay sa kamay ko sabay alis bago pa man ako makapagsalita.

Hindi parin nabubura ang inis ko kay Ricky but I guess nabawasan na siya, konti nga lang.

Isinara ko na ang pinto at habang ikinakandado ko ito ay ramdam ko na parang may nakalimutan ako, akala ko lang siguro. Naglakad ako patungo sa sala at nang makarating do'n ay saka ko palang napagtanto na tama pala ang kutob ko.

My Ex-BestfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat