Chapter 6: Frontride or Backride?

33 12 1
                                    

Wala akong ibang naririnig maliban sa malakas na pagpintig ng aking puso.

Hahalikan niya ba 'ko!? OMG! 'Di pa 'ko ready. Saglit lang Jake ugh, wala pa akong first kiss! Wait, nag tooth brush na ba 'ko!?

Mariin kong ipinikit ang aking mata nang akmang lalapit pa siya sa'kin.

Nang napagtanto ko na ang OA ng reaksyon ko ay akmang ididilat ko na ang aking mata nang---

"Pfft." Hindi napigilan ni Jake ang matawa nang umugong nang pagkalakas-lakas ang aking sikmura, habang ramdam ko ang pamumula ng aking mukha sa pagkahiya.

Ano bang kahihiyan 'to, napaka OA kasi!

"Do you want to eat with me now?" Nakangising tanong niya na tila ba'y nang-aasar pa.

Mapang-asar talaga ang mokong na 'to, tiningnan ko lang siya ng masama at hindi kinibo.

Nakasandal ang kanang kamay niya sa pader kaya hindi ako makadaan at nang akmang dadaan ako sa kaliwa ay agad niyang isinandal ang isa pa niyang kamay; dahilan upang mapagitnaan ako ng matitikas niyang braso.

Muli akong napalunok.

"Tinakasan mo na ako kanina kaya hindi ako tatanggap ng sagot maliban sa oo." Seryosong sabi ni Jake.

Wala akong balak magpasindak pero kilala ko si Jake and I know that he is very stubborn. I mean, sino ba ang tatagal sa ganitong sitwasyon. Konti nalang talaga ay mahihimatay na ako.

"Fine! Sasama na 'ko." Naiinis ako pero wala na akong nagawa kundi umirap.

Sinuklian naman niya ang pagtataray ko ng nakakalokong ngiti.

Tila ba'y walang pinatunguhan ang ilang oras na panenermon sakin ni Rome kanina. Wala na, as in nalusaw nang bwisit na ngiti na 'yon ang inis ko sa kanya.

Mabilis akong nagpalit ng damit at nang matapos ay lumabas ako ng bahay para lang makita si Jake na may kausap sa phone habang maangas na nakaupo sa kanyang motor. Seryoso ang mukha niya habang nagsasalita, it reminded me of the past Jake. Suplado at masungit.

Nang makita ako ni Jake ay agad na napalitan ang malamig na ekspresyon niya ng kumikisap na ngiti. Ibinulsa niya ang phone niya kahit mukhang hindi pa siya nagpapaalam sa kausap niya. Lokong 'to, hindi parin siya nagbabago.

"Ano gusto mo? Frontride or backride?" Biglaang tanong ni Jake. Ngayon alam ko na kung bakit Jerk ang tawag sa kaniya ni Rome. Sa inis ay binatukan ko siya sabay sampa sa likuran niya. Tumawa lang ang loko.

"Pwedi kang kumapit dito you know?" Ani Jake na walang pasintabi na inilagay ang kamay ko sa kanyang tagiliran. Nabigla naman ako pero bago paman ako makaanggal ay mabilis niyang ipinatakbo ang motor na sinasakyan naming dalawa.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now