Chapter 26: Unsent birthday message.

19 4 4
                                    

Naalala ko pa nung pinagdiwang namin ni Jake ang kaarawan niya nakaraang taon. Araw 'yon ng huwebes at periodical exam pa namin pero 'di kami pumasok. Well, suot-suot namin ni Jake ang uniform ng St. Theodore High, so technically... ehem, Nag-cutting kami. 'Yon ang unang beses na sinamahan ko si Jake sa pagbubulakbol niya at kahit kelan ay hindi ko 'yon pagsisisihan. 'Yon na kasi yata ang pinakamasayang araw ko.

Pumunta kami ni Jake non sa isang beach resort.
Sikat yung lugar, pero siguro dahil weekdays ay wala masyadong tao. Feeling tuloy namin ni Jake ay solo namin 'tong beach.

Nagkwentuhan, nag-asaran, kumain, nagtampisaw at naghabulan. Lumipas ang buong maghapon na kung ano-anong kalokohan ang aming pinaggagagawa.

Naisip ko pa non na, 'ganito lang pala kadali ang maging masaya, bakit ngayon ko lang 'to nadama?'

Now that I think about it, siguro... simula't sapul ay may pagtingin na ko kay Jake. Siguro, umpisa palang ay nahulog na 'tong marupok kong puso sa kanya. Ang galing ko naman! Ang galing kong magbulag-bulagan, kasi ngayon ko lang nakita ang tunay kong nararamdaman. Pero 'di ko naman masisisi ang sarili ko. Nakakatakot naman kasi. Nakakatakot harapin ang katotohanan na siguradong sisira sa pagkakaibigan namin ni Jake.

Pero ayos na siguro ngayon. Wala na eh... wala nang masisira dahil sira na ang lahat.

"Ang buhay ay parang rape. Sabi mo tama na pero titirahin ka parin. Oo! Masakit pero 'di—"

"Tay!" Bulyaw ko. Nagda-drama yung tao eh, lasing siguro 'to.

"O Ash. Nakauwi ka na pala. Narinig mo tuloy yung pinakatatago kong tula.

Tula!?

"Ganon po ba? Ayos po."

"Ayos ba?"

"Ayos po na itago niyo nalang."

"Nak naman. Pinaghirapan ko 'yon!"

"Para san po ba 'yang tula nayan?" Pagtataka ko.

"Hehehe... ehem. Diba namatay na yung asawa ni mareng Jeyci? Kaya may pag-asa na ko! Crush na crush ko siya nung high school eh, at narinig ko pa na mahilig siya sa tula. Sakto! Puet 'tong tatay mo."

"Tay... poet 'yon, hindi puet. Saka kalilibing lang ng asawa ni aleng Jeyci nung isang araw. Nagdadamdam pa 'yung tao tas babanatan mo ng ang buhay ay parang rape?"

Hayst, 'di man halata pero tatay ko talaga siya. Mahilig siyang maglasing at araw-araw nalang puno ng kalokohan. Pero kahit na ganon ay mahal ko parin 'tong tatay ko. Lalo na't pinilit niya na mabigyan ako ng magandang buhay kahit na iniwan lang ako sa kanya ng aking ina nung ako'y sanggol pa lamang. 'Di naman ako nakaramdam ng galit o lungkot nung nalaman ko, dahil kahit kelan ay hindi nagkulang sakin ang aking ama. Kung tutuusin nga ay swerte ako na maging anak niya. Kaya naman hindi maaaring malaman ng tatay ko na bakla ako. Pipiliin ko nalang na habang buhay magpanggap kesa maging kahihiyan niya. Masakit mang isipin pero ito ang masaklap na reyalidad para sa mga taong naiiba sa mapanghusgang mundo na 'to.

As my father once said, 'Ang buhay ay parang rape, kung hindi mo kayang itulak, mahiga ka nalang.'

Matapos kong sermonan ang tatay ko ay nagpaalam ako na aalis muna habang may dala-dalang isang box ng macaroons na ginawa ko kagabi.

Madilim na at tahimik ang kapaligiran habang ako'y naglalakad patungo sa playground na palagi naming pinagtatambayan ni Jake dati. Parang kelan lang, gabi-gabi kaming tumatambay don ni jake hanggang sa umagahin na kami. Pinagtataka ko pa dati na, tahimik lang naman kaming nakaupo ni Jake pero ba't hindi ako nababagot? Wala naman kaming ginagawa kaya bakit ang bilis palagi ng tibok ng puso ko?

Hanggang ngayon ay hindi ko parin gets. Weird, but I guess that's how it works. Love is something you can't explain and is not meant to understand.

Nang makarating ako sa palaruan ay agad akong naupo sa duyan. Kanina pa nagba-vibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa at nang buksan ko ay agad bumungad sakin ang mga notifications ng messages ni Kyler.

'Nasan ka na?'

'Kanina pa kita hinahanap.'

'Nag-start na yung party.'

'Ba't wala ka pa?'

'Ash! May nangyari ba?'

Mukhang nag-aalala si Kyler pero 'di ko muna siya nireplayan at inilagay ko muna ang aking cellphone sa isa pang duyan sa gilid ko.

"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday dear Jake....... Happy birthday to you."

'Simula ngayon, marami ka nang makakasama sa tuwing magdiriwang ka ng 'yong kaarawan. Sana maraming bumati sayo at magbigay ng magagarbong regalo. Kumain ka ng marami. Sana may magregalo sayo ng macaroons, diba paborito mo 'yon? Sana, magkabati na kayo ng parents mo. Sana tumangkad ka pa, sana maging ligtas ka palagi sa mga laro mo. Sana matupad ang mga pangarap mo. Umm... ano pa ba?  'Yon! Sana....... sana may makilala kang isang tao na magmamahal sayo. Yung matapang sana, yung may lakas ng loob na magtapat ng pagmamahal niya sayo. Yung malakas loob, yung tipong kaya kang sawayin. Yung kayang magtimpi sa kakulitan mo, yung kayang tanggapin ang pagkasuplado mo. At higit sa lahat.......  makahanap ka sana ng isang tao na kayang maglagay ng ngiti sa nga labi mo. I wish you all the happiness you deserve, Jake. And thank you for becoming a special part of my life.

Yours truly, Ash. Your ex-best friend.'

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now