Chapter 29: Hindi matatakasang sakit

17 4 5
                                    

Matapos makaalis ng lahat ay ilang minuto rin akong nanatili sa aking kinatatayuan. Gusto ko nalang tumakbo, gusto ko nalang takasan ang lahat ng 'to. Pero naisip ko, 'hanggang ngayon ba naman pipiliin kong maging duwag?'

Siguro dahil walang tigil ako sa pag-iyak nitong mga nakaraang linggo ay agad kong napahinto ang mga luha ko. Nang napalingon naman ako sa aking relo ay napansin ko na late na ako kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa classroom namin.

Tulad ng inaasahan ko, natahimik ang lahat nang pumasok ako sa silid namin. Awkward, pero buti nalang ay wala pa si ma'am Vic, kung hindi ay siguradong mabubugahan nanaman ako ng apoy.

Hindi ko nalang pinansin ang mga mapanghimasok na tingin ng aking mga kaklase at dumeretso ako sa aking upuan.

Kung kaninang umaga ay 'di ako makapaghintay na makita si Jake, ngayon ay ipinagpapasalamat ko nalang na wala siya. Hindi ko muna siya kayang harapin, lalo na't ngayon na sirang-sira na ang puso't isipan ko.

'Bayot ka!'

'Yuck'

'Bakla'

'Ba't may bading dito?'

'Alis!'

'Kadiri!'

Ngayon ko lang napansin ang mga nakasulat na 'to sa desk ko at hindi lang sa mga sulat na 'to nagtatapos ang lahat, dahil buong umaga at hapon ay kung ano-ano ang dinanas ko. Lalo na nung naglalakad ako sa canteen nang may tumulak sakin, naging dahilan upang sumubsob ako sa sahig at matapon ang pagkain na dala ko. Pero mukhang hindi pa sapat 'yon dahil may isang babae na dumaan at tinapak-tapakan ang likuran ko. "Oops! Sorry, 'di kita nakita~"

Matapos magsalita ng babae ay nagtawanan ang lahat ng naroroon. Nakuha pa talaga ng iba pang babae na gumaya kaya sunod-sunod silang nagsirampahan sa likuran ko. At nung akala ko'y tapos na ay may nagbuhos sa mukha ko ng orange juice, kasabay non ang muling pagtatawanan ng lahat.

Hindi rin nagtagal ay may isang teacher na lumapit at galit na nagtanong kung anong nangyayari.

Ang sabi ng lahat, "Aksidente lang po."

Matapos ng pangyayari na 'yon ay nakabalik narin ako sa classroom habang walang laman ang aking tiyan. Pero 'di lang pala ang tiyan ko, pati rin pala ang aking bag. As in wala ka nang masisilayang laman nito kahit isa. Mayamaya ay narinig ko ang paghalakhak ng isa kong kaklase na nasa harapan ko at nang mapatingin ako sa kanya ay tinuro niya ang kanyang daliri sa bukas na bintana sa gilid ko. Thanks, I guess. Kasi nando'n nga sa grounds ang mga nawawalang gamit ko.

Nasa 4th floor ang classroom namin kaya natagalan din ako sa pagbaba para kunin ang mga kawawang gamit ko at nang makabalik ako sa room ay ang bag ko naman ang nawawala. Guess where it is. Nakita ko lang naman sa inidoro. Muli, bumungad ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Pero hindi! 'Di na ko iiyak. Sigurado kase ako na simula lang 'to. From now on, ito na ang high school life ko. Kaya kung ngayon palang ay titiklop na ako, pano pa bukas? Pano pa sa mga susunod na taon na papasok ako dito?

.......

Nasa harap na ako ngayon ng pinto sa aming bahay habang nag-iisip kung ano ang idadahilan ko sa tatay ko kapag nakita niya ang itsura ko. Daig pa kasi nang puting polo ko ang isang basahan na ipinamunas sa karinderya, wala na ang isang sapatos ko, at basang-basa pa ang bag ko.

Napabuntong hininga na lamang ako nang maalala ko ang mga dinanas ko kanina. But surprisingly, hindi ako gaanong naapektuhan. Siguro nga ay matapos makaranas ng matinding sakit ng isang tao ay magiging manhid na siya.

'Whack'

Sinampal ko ng malakas ang mukha ko at pinilit ngumiti. 'Di pwedeng madamay si itay sa kalungkutan ko.

Pagpasok ko sa bahay ay nabigla ako dahil bumungad agad sa harapan ko ang aking tatay.

'Patay! Pano ko ipapaliwanag t—'

Natigilan ako sa pag-iisip nang suntukin ako sa kaliwang pisngi ni itay.

"Tingnan mo 'to," Mariing utos ni tatay.

Nagulantang man ay sinunod ko parin siya at nilingon ang bagay na nasa kamay ni tatay. Isa itong litrato, isang litrato na kahit kailan ay 'di ko gugustuhing makita ng aking ama.

"Ano Ash? Magsalita ka."

"T-ta..." Gustuhin ko mang magpaliwanag ay walang tunog na lumalabas sa aking mga labi at bago pa man ako makabuo ng isang salita ay bigla nalang akong may naramdaman na tumama sa aking sikmura.

"SABING MAGSALITA KA!" Galit na sigaw ni itay, kasabay ng mabigat na pagtama ng kanyang kamao sa aking tiyan, na naging dahilan upang mapayakap ako sa sarili kong katawan habang nakahiga sa malamig na sahig.

"Nagpakahirap ako! Ginawa ko ang lahat para mabigyan ka ng maayos na buhay, tas 'yan ang isusukli mo sakin, HUH!?"

Bawat salita ni itay ay may katumbas na tadyak. Magang-maga na ang buong katawan ko pero hindi parin talaga mapapantayan non ang sakit na nagmumula sa aking puso. Pero ayos lang, kasalanan ko naman talaga 'to. Nararapat lang na maparusahan ako kaya tatanggapin ko ang lahat ng ibabato nila sakin. Pero.... pero hindi eh. Ang nag-iisang tao na natitira kong kasama, ang nag-iisang tao na pinagkukunan ko ng lakas. Iba parin talaga kapag ang taong 'yon mismo ang tumalikod sayo.

"Tay, tama na. Ang sakit.... sobrang sakit tay. Pero—pero kinaya ko dahil alam ko na paguwi ko, nandyan parin ang tatay ko, ang nag-iisang kakampi ko. Na kahit anong pagpapamukha ng iba sakin na basura 'ko, na kasuklam-suklam ako. Nadyan parin ang tatay ko para pagaanin ang loob k— umph."

Nang sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahandusay ko ay may linya ng dugo na lumabas sa gilid ng bibig ko. Nang gustuhing lumapit sakin ni itay ay iniharang ko ang kaliwa kong kamay upang panatilihin ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"Nang una nyo po ba kong nakita kanina, hindi ka po ba nag-alala, tay? Sana tinanong mo man lang ako kung ayos lang ako bago mo 'ko binanatan. Sana napansin mo man lang yung ngiti na pilit kong inilagay sa mga labi ko para 'di ka gaanong mag-ala... la." Nagsisimula nang maimpit ang aking boses kasabay ng pagtulo ng mainit kong luha.

"Pasensya na tay ah, kung naging kahihiyan ako para sayo. Pinilit ko naman eh, sinubukan kong hindi maging ganto. Tama sila. Ang dumi ko, nakakadiri, nakakasuka! Sana 'di nalang ako nabuhay kung masasaktan lang ako ng ganito."

Matapos kong magsalita ay agad akong tumalikod at tumakbo. Narinig ko ang pagsigaw ni itay sa pangalan ko pero 'di ako huminto. Kumikirot ang tagiliran ko.... ang binti ko, at kung ano-ano pang parte ng katawan ko, pero patuloy parin ako sa pagtakbo kahit na hindi alam kung saan ba 'ko tutungo. Dapat kanina ko pa ginawa 'to, dapat kanina pa ako tumakbo, dapat kanina ko pa tinakasan ang lahat ng pananakit na gustong ibato sakin ng walang awang mundo na 'to. Tama, walang awa. Dahil hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ko parin matakasan ang hagupit at kalupitan ng mapanakit na mundong 'to.

"BEEP, BEEP, BEEP, BEEP!!!"

"........................"

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now