Chapter 17: Drop Tower

10 8 3
                                    

"Nasan na tayo? Parang iba yata 'tong dinaraan natin?" Pagtataka ko.

"Bakit? Sino bang nagsabi na iuuwi na kita sa inyo? Tugon ni Jake.

"What do you mean!? Sa'n mo 'ko dadalin?"

"Malalaman mo din mamaya." Sabi niya.

Gusto ko pa sanang sumabat pero baka mainis pa 'kong lalo kaya nanahimik nalang ako. "Wala naman sigurong gagawin na masama sakin si Jake... right?" Tanong ko saking sarili na ngayon ay nakakaramdam na ng kaba.

Nakarating na kami sa lugar kung saan ako gustong dalhin ni Jake. Nang makita ko kung nasan kami ay mas lalong lumaki ang aking pagtataka. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Ano pa ba ibang ginagawa sa isang amusement park?" Pamimilosopo niya habang tinatanggal ang kanyang seat belt at nang matapos ay bumaba na siya ng kotse. Wala akong balak sumunod pero mayamaya ay bumukas ang pinto sa gilid ko.

"Tara na." Sabi ni Jake.

"Ayoko." Pagtataray ko.

"Bababa ka o ako magbaba sa 'yo? Pananakot niya.

"May paa 'ko!" Alam ko na gagawin talaga ni Jake kapag sinabi niya kaya napilitan nalang akong bumaba.

Matapos naming magbayad ng entrance fee at matatakan ng star sa kamay ay dumiretso na kami sa loob ng park. Sinalubong kami ng sigawan ng mga taong nakasakay sa naglalakihang rides. May mga stall na may iba't ibang pagkain, laro at mga stuff toys na ipapa-premyo dito. Hindi ganon karami ang tao, siguro dahil weekdays. Monday ngayon at kaya naman wala kami sa school ay dahil wala kaming klase tuwing lunes.

If I'm not mistaken, ang huling punta ko dito ay nung grade 8 palang kami ni Jake. Sumama kami sa field trip dahil may incentives daw at isa 'tong lugar na 'to sa mga pinuntahan namin.

"Gusto mong subukan 'to dati diba?" Tanong ni Jake sakin habang nakaturo sa isang napakataas na tower na may umaanggat at biglang bababa na ring kung saan nakaupo ang mga tao. Tinititigan ko palang kung gano kataas yung tore ay nakakaramdam na ako ng lula.

"I thin–." Bago pa man ako makatanggi ay hinawakan ni Jake ang aking kamay at hinila patungo sa mga taong nakapila para sa drop tower. Maiksi lang ang pila kaya naman nakasakay agad kami.

"Pwedi kang kumapit sakin kapag natatakot ka." Mapang-asar na sabi ni Jake nang napansin niya ang mga nangangatog kong binti.

"Huh? Ba't naman ako matatakot?" Tugon ko, kahit na pakiramdam ko ay hihimatayin na ako habang dahan-dahang umaangat ang inuupuan namin. Nang medyo mataas na kami ay napapikit nalang ako, "shuta! Huling araw ko na ba 'to?" Tanong ko saking sarili

Mayamaya ay naramdaman ko ang paghinto namin sa pag-anggat. Tapos na ba? Saking pagdilat ay ang asul na kalangitan lang ang aking nasilayan, nang tumingin naman ako sa ka kaliwa ay nakita ko si Jake na nakangisi habang nakatitig sakin.

"Anong nginingiti-ngit—AH!" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng bigla nalang bumaba ang sinasakyan namin. Tila ba'y nag-flash sa isip ko yung mukha ni Noraine, boses ni Chelsy at yung isang time na na-utot si Rome sa jeep. "Katapusan ko na ba 'to?" Tanong ko sa aking sarili habang ramdam ko ang paglabas-pasok ng aking kaluluwa sa katawan ko.

Hindi ako sigurado kung kelan at paano ako nakababa, ramdam ko parin ang malakas na pagpintig ng aking puso dahil sa kaba na aking nadama. Natauhan nalang ako nang marinig ko ang mapang-asar na tawa ni Jake.

"Huh? Ba't naman ako matatakot?" Panggagaya niya sa sinabi ko kanina at matapos ay muling tumawa.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko saking mukha sa hiya. Pero agad din napawi 'yon ng nakakalokong tawa ni Jake na ngayon ko lang narinig sa tagal naming magkasama, ngayon ko lang siya nakitang ganto kasaya. Come to think of it, madami nang nagbago kay Jake, parang hindi na siya ang Jake na nakilala ko dati and I'm happy for that change. I guess deep inside, mahalaga parin si Jake para sakin.

My Ex-BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon