Chapter 16: Breakfast?

17 8 3
                                    

Nang sinabi ni Jake na kakain kami sa labas, akala ko sa gilid-gilid lang or kaya nama'y sa kung  anong dining restaurant na madaanan namin. How careless of me to forget that Jake is actually rich, crazy rich! As in nagulantang ako nang dalhin muna ako ni Jake sa isang tailor shop para bihisan ng isang casual suit, eh mag-aalmusal lang naman kami. Buti nalang dala ni Jake ang kotse niya or else magmumukha kaming shunga kung magka-angkas kami sa isang motor habang naka-suit.

Pagdating namin sa kung saan man 'tong lugar na pinagbabaan namin ni Jake, naisip ko na parang gusto ko nalang umuwi. You know that high end restaurants na may mga fancy decor at naglalakihang chandelier na nakikita mo sa pelikula? It was actually real! And I swear na nakita ko si Jake na kumakaway-kaway sa mga staff as if naglalakad lang siya sa bakuran nila at kinakamusta ang mga kapit bahay.

Kinurot ko si Jake sa tagiliran para kunin ang atensyon nito, "what the heck? Akala ko ba mag-aalmusal tayo?" Pabulong na sigaw ko.

"Oo nga, ano pa bang gusto mong gawin natin?" Tugon ni Jake.

Napairap nalang ako at mayamaya ay napansin ko na bukod sa mga staff, kami lang ni Jake ang tao dito.

"Balak sana kitang dalhin dito kahapon pero 'di na natuloy dahil mukhang nag e-enjoy ka kasama ang mga kaibigan mo." Mayamaya ay sabi ni Jake habang hindi maipinta ang kanyang mukha. Akala mo siya hindi nag-enjoy sa walang tigil niyang pagkain kahapon. "Kaya naman ng makakita ako ng pagkakataon kanina ay pina-reserve ko na agad kay tito 'tong place para ma-solo naman kita." Dagdag niya habang sinenyasan niya akong maupo sa hinila niyang silya.

"T-tito?" Tanong ko, sinusubukan na hindi bigyan ng tuon yung sinabi niya na, "para ma-solo naman kita."

"Oo, tito ko ang owner nito. Cool right?" Pagmamayabang niya sabay upo sa silya na nasa tabi ko.

"Aren't people suppose to seat opposite to each other when eating in this kind of place?" Pagtataka ko.

"Yup."

"Kung gano'n, bakit ka nandyan?"

"Gusto ko." Maiksing turan niya. Suplado talaga!

Matapos ang ilang sandali ay dumating din ang mga in-order naming pagkain. Hindi pa man naibababa ang mga putahe sa mesa ay malalasap mo na agad ang mapanuksong aroma ng mga 'to. Medyo nag-aalinlangan nga lang ako lalo na nung nakita ko yung halaga ng mga in-order namin kanina kaya naman drinks lang ang in-oder ko pero hindi naman ito pinalagpas ni Jake at kung ano-ano ang pinalistang pagkain sa waiter.

"Ano pang hinihintay mo? Eat." Ani Jake na ngayon ay nagsisimula nang kumain, foodie talaga! Pero gustuhin ko mang magkunwari ay hindi ko rin napigilan ang sarili na tikman ang mga mapang-akit na pagkain sa harapan ko.

Ang una kong tinikman ay yung toasted waffles. I'm telling you, its far from the waffles that I have always known. Paghati ko palang dito gamit ang kutsara ay ramdam ko talaga yung soft texture ng waffles, not to mention that mayro'n itong white chocolate fillings sa loob na agad dumaloy palabas pagkatapos kong hatiin 'tong waffles. Aside from that, may mga blueberries at raspberries sa isang side ng plate habang sa ibabaw naman ng waffles ay mayrong vanilla sorbet that was coated with dark chocolate drops. Nung una ayaw ko pa siyang kainin kasi napakaganda talaga niyang tingnan. Pero nung natikman ko na, it only took a while para maubos ko siya.

"Easy, walang aagaw niyan sayo." Sambit ni Jake at pagkatapos ay tumawa. Tinitigan ko lang siya ng masama sa isang sandali, but after that ay na-attract naman ako sa iba pang putahe sa harap ko.

Nakatuon ang atensyon ko sa pagkain pero paminsan-minsan ay napapansin ko parin ang titig ni Jake sa gilid ko.

"What do you want?" Tanong ko kay jake matapos kong lunukin ang aking kinakain.

"What do you mean?" Pagmamaang-maangan niya habang mabilis na nag-iwas ng tingin.

Inirapan ko lang siya at ng akmang kukunin ko ang baso para uminom ay may bigla nalang dumampi sa gilid ng aking labi. Napatingin nalang ako kay Jake sa gulat dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

"Ano? Tinanggal ko lang naman yung sauce sa mukha mo." Saad ni Jake sabay dinilaan ang kanyang hinlalaki na kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang ipinangdampi niya sa gilid ng aking labi kanina. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil sigurado ako na kasingpula na ng kamatis na kinain ko kanina ang aking mukha.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami ng konti at mayamaya ay umalis na din.

"Nag-enjoy kaba sa pagkain?" Nakangising tanong ni Jake na ngayon ay nagmamaneho na.

"Medyo." Tugon ko na tinawanan naman niya. Nahiya naman ako, "mukha siguro 'kong patay gutom kanina." Sa loob-loob ko.

"T-thank you." Saad ko habang nakatingin sa mga tao na nadadaanan ng kotse na sinasakyan namin. Hindi ako makatingin kay Jake dahil medyo nahihiya pa 'ko. Hindi man halata pero manipis lang ang mukha ko, lalo na kung ikukumpara mo 'ko kila Rome, Noraine at Chelsy.

"No need to thank me, hindi 'to ang huling beses na dadalin kita do'n kaya masanay ka na." Sabi ni Jake na sinamahan pa ng pagkindat niya, napairap nalang ako. But to be honest, medyo kinilig din dahil sino ba naman ang makakapalag sa alindog nitong si jake. It reminds me of our high schoool days, halos lahat yata ng classmates and even our schoolmates ay may crush kay Jake. There's even that one valentine's day na pagpasok namin ni Jake sa room ay nag-uumapaw ang mga boxes of chocolates and gifts sa desk ni Jake. Palagi din akong pinandidilatan at tinitingnan ng masama ng mga babaeng madadaanan ko dahil ako ang palaging kasama ni Jake, sorry sila.

Masyado akong abala sa pagre-reminisce na naging dahilan para huli ko nang mapansin na parang may mali.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now