Chapter 4: I'm sorry.

47 14 3
                                    

"Then...." Napakamot nalang si Jake sa batok, tila ba'y hindi alam ang gagawin.

Napatingin ako sa kanya. Matangkad na siya no'n pero mas tumangkad pa siya lalo, six feet na yata. His shoulder is as broad as always; his unkempt hair only added a rugged charm in him.  Mayroon din s'yang suot na black round piercing in his right ear. Bakit hindi kinumpis ng guard? Double standard!

"I'm sorry." I was caught off guard by the sudden apology of Jake. Ito pa ba yung parehong Jake na nakilala ko dati? Suplado, egocentric, mataas yung pride at hindi nag a-admit ng mistakes?

To be honest, balak ko na magpakita ng smug look. Pero isang sorry palang ay bumigay na agad yung depensa ko. Anak ng talong!

"Then?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hanggang do'n nalang ang kaya ko.

"Then what?" Kunot noong pagtatanong ni Jake na may kasama pang pagdila sa ibabang labi niya.

Tingin ba niya gagana sa'kin yung pa-pogi effect niya? Because it was actually working!

Magsasalita na sana ako nang may biglang umi...yak? I'm not really sure... pero isa lang ang taong kilala ko na daig pa ang umiire ng bata tuwing umiiyak. "Rome!"

Paglingon ko sa pinanggagalingan ng unggol... or iyak. May nakita akong babaeng nakaupo sa sahig habang nakadukmo sa kanyang tuhod. Hindi ko makita ang kanyang mukha pero hindi na ako nagkaila pa dahil si Rome lang ang nakakagawa ng tunog na iyon. Anong tunog? This...

"Ugh~ugh...ugh! My pain is cramps- I mean my cramps is pain.... Holy sheet of paper! Ugh~ masakit!"

Ash Collins, remember; you don't know her, you have nothing to do with her.

Nasa isip-isip ko na kailangan kong tumakas, but I guess its too late.

"Ash! I knew it was you~ ugh! Oh please help my reproductive system, it was in pain!" Ani Rome na tila ba'y hindi napapansin na pinagtitinginan na siya ng lahat ng dumadaan.

Napahilot nalang ako ng sintido. Bakit ba ganito yung mga kaibigan ko? Kung hindi sayad, may saltik.

Gustuhin ko mang takasan ang reyalidad, sa huli'y wala naman akong nagawa.

Itinayo ko si Rome mula sa pagkakasalpak niya sa sahig. "Sis, magka-aminan na nga tayo. Naka-shabu ka ba?"

"How could you say that? Ikaw na nga yung tinutulungan!" Pag-iinarte ni Rome.

"Kailan pa nakatulong ang pag-ungol mo diyan!?"

"Duh! Sa rupok mong iyan!? kung hindi pa ako darating, baka kanina mo pa niluhuran yung jerk na iyan."

This b*tch! "Its Jake, not Jerk."

"Whatever." Inirapan niya ako sabay hinila paalis.

Habang si Jake naman ay naiwang mag-isa doon, walang kaalam-alam sa mga nangyari.

My Ex-BestfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora