Chapter 3: You can have him for the night~

44 15 1
                                    

Sinamahan namin ni Noraine si Chelsy sa comfort room para makapagpalit ng damit. Technically, lalaki parin naman ako kaya wala akong choice kung hindi mag hintay sa labas. Sa aking paghihintay ay tinamaan nalang ako ng bagot kaya naman ako'y napa-awit.

" Ang pag-ibig ay nagpapalakas ng mahihina, at naka pagpapahina ng malalakas. Oh mapaglarong tadhan, kailan ba magwawakas?"

Matapos ay agad na may sumipol sa aking likuran na agad ko namang nilingon.

"Yo! Long time no see." Says Jake, my ex-bestfriend/the transfer student in our university.

Hindi ako fan ng tadhana. But I guess, kapag napagtripan ka nito, wala ka nang magagawa pa.

"L-long time no see." Nauutal ko pa ngang sabi, kasabay ng pagbabalik ng mga ala-alang...akala ko'y naitapon ko na.

Tila ba'y tumigil ang oras, as in literal na nakatayo lang kami. Walang kibo, walang galaw. Buti nalamang ay may bumasag sa yelong namumuo sa pagitan naming dalawa.

"Gaga ka Ash! Pasalamat ka may extra ako or else...Oh! Si Mr. Transferee pala 'to. Hi~." Mas mabilis pa sa pagkurap ng mata niya ang pagbabago ng tono ng boses nitong si Chelsy. Napapairap nalang si Noraine sa kalanturan ng kaibigan namin.

"Hello, pwede ko bang hiramin ang kaibigan niyo?" Tanong ni Jake kila Chelsy at Noraine na may nakakalokong ngiti.

"Sure! You can have him for the day, or even the night... you know~." Nakangising sabi ni Chelsy na ginatungan naman ng bruhang si Noraine.

"Right! Please excuse us, we'll be going now." Hinila ni Noraine is Chelsy palayo na mukhang parehong sabik na sabik sa mga nangyayari.

Habang ako nama'y walang nagawa kundi ang mapabuntong hininga. Humanda sa'kin ang dalawang iyon mamaya.

"Then? Can I help you with something?" Medyo may pagkamaldita yung dating ko, pero kahit na gano'n ay nginitian lang niya ako.

"Kumain ka na ba? May alam akong masarap kainan; my treat."

"Hindi ako gutom." Agad ko namang sabi.

"What about a drink?"

"Hindi ako nauuhaw."

"Sweets? I remember that you like-"

"Sawa na ako do'n." Inis na sabi ko.

My Ex-BestfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora