Chapter 31: End for a new beginning

14 4 5
                                    

Alas onse na ng gabi at patay na ang ilaw sa kwarto ko, pero hindi parin ako makatulog. Kaya ang ginawa ko ay naupo nalang ako sa aking kama at sumandal sa isang unan habang tinitigan ko ang maitim na kalangitan sa labas ng bintana. Napangiti nalang ako nang maalala ko ang namagitan saming dalawa ni itay kanina. Bati na kami! Pero kahit na gano'n ay 'di ko parin makuhang maging masaya sa kasalukuyan. Bakit? Kase....... ang creepy!!

Madilim dito sa kwarto at tahimik ang palagid. Pero paminsan-minsan ay may maririnig kang gumugulong o di naman kaya'y mga tunog na nagmumula sa mga mabibigat na paghakbang sa labas ng kwarto ko. Wala namang mali sa mga tunog na 'yon dahil nasa hospital nga ako diba? Siguro mga nurse lang 'yon na may itinutulak na trolley or something. Pero kahit na anong pilit ko sa pag-intindi ay 'di ko paring maiwasan na mapalingon sa pintuan ng kwarto ko sa tuwing may mapapadaan na gano'ng tunog. Kapag kase hospital na ang usapan eh maraming namama— ehem, alam niyo na. Kaya hindi natin alam kung tao ba talaga yung mga naglalakad o.......

"Sino 'yan!?" Pabulong kong sigaw na ako lang yata ang nakarinig, sabay hila sa aking kumot. Sa hindi mabilang na pagkakataon kase ay may narinig akong paglakad. Wala namang bago do'n, pero sa pagkakataon na 'to ay napatigil nalang ako sa paghinga, kase huminto ang paglakad sa harap mismo ng kwarto ko.

Ang lakas ng pagpintig ng puso ko at kung ano-ano ang mga ideya na umiikot sa isip ko. Lalo na nung makita ko ang paggalaw ng mga anino sa ilalim ng pinto.

"T-tay?" Sa muli ay pabulong lang ang kinalabasan ng pagsasalita ko, 'di na kasi ako makahinga. Pero si itay lang siguro 'to, right?"

Natigalan nalang ako sa pag-iisip ng dahan-dahang nagbukas ang pinto, matapos ay lumitaw ang isang tao na ibang-iba ang hulma ng kanyang katawan sa tatay ko.

"AHH!!!" Napasigaw nalang ako at hindi nag-iisip na dinakma ang isang mansanas na nasa basket sa gilid ng kama ko, matapos ay ibinato ko ito sa ulo ng lalaking pumasok.

"Ick! Ash!?"

"WAG PO!! AHH— J-Jake?"

"The heck? Ngayon lang tayo muling nagkita 'tas ang unang gagawin mo ay batuhin ako ng mansanas!?"

"Sor— huh!? Kasalanan ko? Ikaw 'tong walang pasintabi na pumasok dito, 'di mo pa nakuhang kumatok!"

Sa loob-loob ko ay napabuntong hininga nalang ako. Si Jake lang pala, akala ko kung ano n— WAIT! JAKE??

"Malay ko bang gising ka pa. 'De nagising ka kapag kumatok ako."

"Huh!? Kung iniisip mo ay tulog ako, ba't ka pa pumunta dito?" Pagtataka ko.

"A— ano.... basta! Ba't ba 'di ka pa natutulog? Anong oras na oh?"

"Ano bang pake mo? Ikaw nga dapat ang tinatanong ko nya— Jake? A-anong ginagawa mo?"

"Shh. Hayaan mo muna 'kong manatiling ganito," Mahinahong sabi niya habang madiing nakayakap sakin ang matitigas na braso niya.

'What the heck is happening!?'

Pag e-emote ko sa isip ko, pero agad ding naputol 'yon ng mapansin ko ang malakas na pagpintig ng aking puso. Kung ganito kami kalapit ni Jake sa isa't isa ay siguradong maririnig niya 'to kaya sinubukan kong kumalas sa pagkakayakap ni Jake, pero 'di niya ako pinakawalan. In fact, hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap sakin.

'There's a rainbow after the rain.'

Ba't wala namang nagsabi na nakamamatay na pala ang rainbow ngayon, dahil hihimatayin na yata ako sa kilig. Lalo na ng maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na paghinga ni Jake sa aking tenga.

"Nananaginip nanaman ba 'ko?" Tanong ko sa aking sarili.

Matagal din kaming nanatili ni Jake sa gano'ng posisyon bago siya magsalita. " kamusta na pakiramdam mo? Wala na bang masakit sayo?" Tanong niya habang nananatili sa pagkakayakap niya sakin.

Kinilig naman ako lalo at nang sasagot na ako ng 'oo' ay bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga pangyayaring namagitan sa aming dalawa ni Jake.

Napalitan ang mga ngiti ko ng blankong ekspresyon at muli ay naramdaman ko ang pagkirot sa aking puso.

"Ash?" Tawag sakin ni Jake. Siguro ay dahil hindi ako kumibo ay may halong pag-aalala ang kanyang boses.

"Nabanggit mo dati na may pagmamay-aring hospital yung family nyo. Ito 'yun noh? Hindi naman kasi namin kayang bayaran ni itay ang gantong mamahalin na hospital."

"'Wag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga ay ayos ka na."

"Ayos? Sana nga ayos na 'ko. Sana nga nagawang gamutin ng doktor ang mga sugat na iniwan nyo sa puso ko."

"Ash—"

'Di na naituloy ni Jake ang sasabihin niya ng halikan ko siya. A soft and fleeting kiss that made my heart flutter, despite all this pain churning in my chest.

Nang ilayo ko ang mga labi ko kay Jake ay nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Ngumiti ako at sinabing, "Kapag mahal mo ang isang tao, hahanap-hanapin mo parin ang taong 'yon kahit na lubos ka na nitong nasaktan. Ang-ironic noh?"

"I don't deserve your love, Ash."

"Tingin ko rin. Pero wala eh, tanga 'to," Wika ko, sabay duro sa kaliwang dibdib ko.

"I'm sorry, Ash."

"Sorry?"

"Hindi na 'ko umaasang mapapatawad mo 'ko, pero sana maniwala ka na wala akong kinalaman sa kumalat na litratong 'yon. Kahit ako ay nagulat din nung makita ko 'yon na kumakalat. Trust me, I never wanted to hurt you."

"But you did! You hurt me more than I can ever love you, Jake. And I'm afraid I can't trust you any longer."

"Ash, makinig ka saki—"

"Jake! ayos na.... ayos na, okay? Hindi naman ako galit sayo eh, pinapatawad na kita. Alam mo naman siguro na hindi kita kayang tiisin diba? Sa huli, kahit anong mangyari, kahit anong gawin mo, patatawarin at patatawarin parin kita. Sa huli ay tatanggapin parin kita. I'm hopeless, wala na 'kong magagawa pa, kaya naman may gusto sana akong hilingin sayo, Jake."

"Ano 'yon? Kahit ano gagawin ko para makabawi ako sayo."

"Hindi kita kayang layuan, Jake. Kaya naman pwede bang....... ikaw nalang ang lumayo sakin?"

Matapos kong magsalita ay natigilan si Jake sa kanyang narinig. Ilang segundo rin siyang nanatiling nakatitig sakin, pero ilang sandali pa ay dahan-dahan syang tumayo at naglakad palayo.

Isa, dalawa, tatlo. Ilang hakbang lang ay narating na ni Jake ang pinto. Sa huling pagkakataon ay bumungad sakin ang gwapo niyang mukha. Ang mukha ng bestfriend, slash, first love ko. Ang mukha na palagi kong nakikita sa panaginip ko. Pero sa pagkakataon na 'to, unang beses kong nakita ang mukha ni Jake na walang suot na maskera at bago niya maisara ang pinto, ang pagtulo ng kanyang mga luha ang huli kong nasilayan.

"Salamat Jake, paalam."

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now