Chapter 25: Sa paglubog ng araw

16 5 3
                                    

Naglalakad ako ngayon pauwi matapos ang aming klase at liliko na sana ko sa isang kanto nang may biglang humila sa braso ko.

"Oi, Ash! Ano bang problema mo?"

"Anong ibig mong sabihin Jake?" Nabigla naman ako nang makita ko ang galit sa pagmumukha ni Jake. Dalawang linggo ko din siyang hindi nakita ng malapitan. Umiiwas muna kase ko sa kanya dahil gulong-gulo na ko sa nararamdaman ko.

"Wag ka ngang magmaang-maangan! Akala mo ba 'di ko napapansin na iniiwasan mo ko?"

"P-pano mo naman nasabe? Wala naman akong dahilan para iwasan ka."

"Talaga lang ah? Eh ngayon nga 'di ka makatingin sakin ng deretso! Alam mo? Bahala ka!" Pagkasabi'y akmang aalis na siya.

"Wait, Jake!" Hinawakan ko ang kamay ni Jake para mapigil siya sa pag-alis. Pero ng mapansin ko ang ginawa ko ay agad din akong bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Jake.

"Ano? Tsk. Palibhasa kasi nakahanap ka na ng pamalit sakin."

"Ano bang sinasabi mo?" In-game nanaman po ang pagka-OA niya.

"'Wag mo nga kong gawing tanga! Palagi nalang kayo ni Kyler ang magkasama. Ano ngayon? Dededmahin mo na ko? Galing mo!"

"Award."

"Award?"

"E-este— ano namang masama kung kaibiganin ko si kyler? Ang lakas mo pang magsabi na nangdededma 'ko. Wow ah! Eh ikaw nga tong palaging inaaya pero ikaw tong humihinde."

"Kasalanan ko bang may gagawin ako?"

"May gagawin? Sa isang buwan na araw-araw kitang inaaya may gagawin ka? Award. Sorry ah, nakakaistorbo pala ko sayo masyado."

"Ano bang award-award 'yang pinagsasasabi mo? At 'wag mo ngang ibahin ang usapan! This is not about me."

"'Yan! Magaling kang susumbat pero kapag mali mo na ang pag-uusapan, tatalikod ka na."

"Mali? Ha! sige. Sabi mo eh, tutal palagi ka namang tama."

Nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko. Madalas kaming nagtatalo ni Jake dati pero 'di naman tulad ng ganito.

"Itigil nalang natin ang usapan na 'to. Tutal 'di ka naman makausap ng matino."

"Huh!? Ako pa talaga ang 'di makausap ng matino? HAHAHA, sige. Itigil na natin 'tong usapan na 'to. Pero 'di lang 'tong usapan ang ititigil natin. Itigil narin natin ang lets*ng pagkakaibigan na 'to!"

"Huh!? Jake ano—"

"Don ka na sa Kyler mo!"

"Jake, 'wag namang gani— ah!"

Sinubukan kong lumapit kay Jake pero itinulak niya ko palayo.

"'Wag na 'wag mo na kong kakausapin. Simula ngayon, 'di na tayo magkakilala."

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Simpleng pagtatalo lang, itatapon mo na agad ang pagkakaibigan natin?" Ano bang nagyayari kay Jake? Ba't bigla nalang siyang nagkakaganito?

"Kaibigan? I've never seen you as one."

"You're kidding." 'Di ko na gusto ang pinatutunguhan ng usapan na 'to.

"Kidding? Not really. You just happened to be the nearest, the most convenient, and the easiest to fo—" 'Di na naituloy ni Jake ang sinasabi niya nang suntukin ko siya sa mukha. 'Di na kasi kaya ng puso ko na makinig sa mga salita niya. Ang sakit! Sobra. Lalo na nung makita ko ang poot sa mga mata ni Jake bago niya ibalik sakin ang suntok ko sa kanya.

Mula non, naging paborito ko na ang tanawin sa kalangitan tuwing palubog na ang araw. Pakiramdam ko kase, 'yon lang ang karamay ko habang nakasalampak ako sa gilid ng daan, habang umiiyak at sugatan.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now