Chapter 5: Isang metro

34 14 2
                                    

Inuwi ako ni Rome sa bahay nila upang sermonan.

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa sa 'yo ng mokong na iyon? For Pete's sake!" Gigil na sabi ni Rome.

Sa aming apat na magkakaibigan, si Rome lang ang nakaka-alam ng history namin ni Jake.

Naging classmate ko kasi si Rome nung grade nine, mga panahong matalik na magkaibigan pa kami ni jake.

Hindi pa kami close ni Rome nung mga panahon na 'yon pero may isang time na nadaanan niya akong umiiyak sa likod ng library.

Wala man siyang alam sa mga nangyari ay sinamahan niya ako sa aking paghagulgol.

Walang pagtatanong, walang panghihimasok. Tahimik niya lang akong tinabihan sa mga panahon na kailangan ko nang masasandalan.

Saksi si Rome sa sakit at poot na namagitan sa'min ni Jake, alam niya kung gaano ako nasaktan at nasugatan. Kaya naman kung makabakod 'tong babae na 'to sakin ay daig pa ang tatay na ayaw ipakasal ang kanyang nag-iisang anak.

Matapos ang ilang oras na pag ra-rant ay natigil din ang bruha.

Madilim na ng makauwi ako sa bahay.  Sa dami ng nangyari ay hindi napigilan ng tiyan ko na magutom. Pupunta na ako sa kusina nang may kumatok sa pinto.

Wala akong inaasahan na darating sa bahay kaya binuksan ko ang pinto nang may pagtataka. Nang makita ko kung sino ang nasa labas ay agad kong sinara ang pinto.

"You! Pa'no kapag naipit ako!?" Pasigaw na sabi ni Jake habang pinipigilan na tuluyang magsara ang pinto.

"Edi naipit! Gagawin ko? Sayawan ka?" Sarkastikong sabi ko habang patuloy na itinutulak pasara ang pinto.

"Would you?" Tanong niya na may kasama pang pagtaas ng kanang kilay.

"You wish!" Sigaw ko kasabay ng pagbitaw sa pinto.

Hindi ine-expect  ni Jake na bigla akong bibitaw kaya naman hindi niya napigilan ang pagplakda sa sahig.

"Ash!" Masama ang tingin na nilingon niya ako habang nakahawak sa ilong na bahagyang namumula. Una kasi ang mukha niya sa pagbagsak.

"Hmph! Deserve." Naawa ako ng konti pero 'di ko napigilan ang sarili sa pagtataray.

Nakatitig lang siya sa'kin habang pakunot ng pakunot ang kaniyang noo sa bawat segundo.

Napa-iwas nalang ako ng tingin dahil 'di ko matagalan ang init ng titig niya. Suplado talaga kahit kailan.

Nang akmang aalis na ako para makalayo sa kanya  ay biglang may humarang na kamay sa daraanan ko.

Pagkalingon ko sa aking harapan ay hindi ko mapigilang mapalunok. Hindi parin nawawala ang pagkakakunot sa noo ni Jake at tila ba'y walang balak na alisin ang pagkakatitig sakin.

Natigilan na lamang ako sa pag-iisip ng lumagpas sa isang metro ang agwat na namamagitan sa'ming dalawa.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now