Chapter 23: Kyler's scheme

19 6 2
                                    

Kyler's POV

Bakit kaya sa tuwing iibig ang isang tao, mas pinipili niya kung sino ang hindi nagpapahalaga sa kanya? At sa tuwing iibig ka, yun pang may gusto na sa iba.

Naglalakad ako ngayon patungo sa hangout place naming magkakatropa. Kakagaling ko lang kasi kila Ash, gusto ko talagang malaman kung san siya nakatira kaya nagpumilit akong ihatid siya matapos naming kumain at magkwentuhan sa plaza. Masaya talaga kasama si Ash, makakaramdam ka ng kaginhawaan dahil 'di ko kailangan magpanggap kapag siya ang kasama ko. Basta titingnan ka lang niya kung sino ka at tatawanan ka sa lahat ng mga biro mo.

Malas! Bakit 'di ko siya nakilala agad. 'Di sana ako na ngayon ang nasa lugar ng mokong na Jake na 'yon. Kahit sino naman siguro, mapapansin na may pagtingin si Ash kay Jake. Pero bakit parang kahit si Ash mismo ay walang kaalam-alam sa sarili niyang nararamdaman? Who am I kidding, though? Dumaan na 'ko sa kaparehong sitwasyon ni Ash. Sa umpisa wala ka pang alam. Kapag may napapansin ka na'y magtatanga-tangahan ka. Kapag naman nakakahalata ka na'y ipipilit mong i-deny. Susubukan mong lokohin ang puso mo na hindi ayon ang nararamdaman mo. Pero hindi eh, kahit anong pilit mo, sa huli'y mapagtatanto mo rin kung anong tunay mong nadarama. Maliliwanagan din si Ash na mahal niya si Jake, tulad ng kung pa'no ko nabatid na gusto ko pala si Ash.

"Tol, kamusta date niyo ni manager? Confirm ba? Hahahaha." Wika ni Josh mula sa kabilang linya ng tawag.

"Ha! Obvious naman siguro. 'Wag kang mag-alala, tayo ang magwawagi sa pustahan." Saad ko.

"Syempre naman tol. May tiwala ako sa alindog mo. Sayang nga 'di pa natin tinaasan yung bet. Mukhang marupok 'yang si Ash eh. Ingat ka tol, baka bigla ka nalang luhuran ng baklang 'yan, Hahahahaha."

"Sama mo naman sa manager natin. Bait-bait sayo ni Ash eh." Pang-aasar ko sa kanya.

"Hehe, don't blame me. Kung may dapat mang ma-guilty, diba dapat si Jake 'yon? Alam naman niya na pinagpupustahan natin ang bestfriend niya, pero siya'y panay lang ang pagliliwaliw dito. Worst, nakisali pa siya sa pustahan. Hahahahaha, kawawang Ash. Sino ba naman kasing nagsabi na maging bakla siya? Nakakasuka. Pa-kick out natin 'yan kay coach pagtapos ng bet. Baka napagnanasahan na tayo eh, hahahahaha."

"Hahaha, sige. Papunta na ko dyan, patayin ko muna 'to."

"'Ge. Ingat ka tol."

Sorry Ash, 'di ako maghihintay lang na mapagtanto mo ang nararamdaman mo kay Jake. Hindi ka deserve ng gag* na 'yon. Alam kong masasaktan ka sa pinaplano ko pero 'wag kang mag-alala. Bubuuin nalang kita kapag nasira ka.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now