Chapter 18: Palaruan

21 8 2
                                    

Matapos ang drop tower ay kung ano-ano namang rides ang sinakyan namin. Kahit makailang ulit ka siguro ay hindi parin mawawala ang pangangamba at takot, pero sa huli ay mapapalitan ito ng thrill at excitement. Napansin ko din na medyo namumutla si Jake habang nasa rides kami kaya naman pagbaba namin ay walang katapusang asaran ang nangyayari.

Nang mag-alas dose ay kumain kami sa isang restaurant sa loob ng park. Marami kaming in-order at masayang kumain habang hindi parin natatapos sa pagbabangayan. Matapos naming kumain ay naglakad-lakad lang kami saglit at mayamaya ay sumabak na ulit sa pagsakay sa mga rides. Sumakay kami sa pirate ship, pendulum, roller coaster at marami pang iba.

Hindi ko inaakalang mag e-enjoy ako ng ganto. Nang ma-try namin halos lahat ng rides dito sa park ay napagdesisyunan namin na maglakad-lakad muna at mag-relax.

May nadaanan din kaming photo booth, agad kong hinila si Jake papunta do'n upang kumuha ng litrato. Sigurado akong maiinggit sila Rome.

Matapos naming makita ang mga litrato ay natawa nalang kami sa pagmumukha namin, puro epic naman kasi. Nakipag-agawan panga sakin ng mga pictures si Jake na wala akong balak isuko. Naghabulan lang kami at nag-agawan ng litrato na para bang mga bata. Sa huli ay nakailang balik nalang kami sa loob ng photo booth pero kahit na makailan kaming ulit ay iilan lang ang lumabas na matino.

Ang bilis ng oras, hindi ko namalayan na mag gagabi na pala. Totoo pala yung kasabihan na mas mabilis ang daloy ng oras kapag nag e-enjoy ka.

Bago kami umuwi ay sasakay muna kami sa Ferries wheel. Napag-usapan namin 'yan ni Jake kanina habang kumakain ng corndog, na-miss ko tuloy si manong Jude.

Pagpasok namin sa loob ng isang carrier ng Ferries wheel ay naupo kami sa kanang upuan. Mayro'n namang upuan sa kaliwa pero mas gusto daw niya 'kong katabi. Tumango nalang ako at agad tumingin sa labas ng bintana nitong sinasakyan namin para hindi makita ni Jake ang pamumula ng aking mukha.

Mayamaya ay nagsimula na ang pag-andar ng Ferries wheel. Mabagal lang siya, as in super bagal. Pero nawala na ang atensyon ko sa bagal nitong sinasakyan namin nang makita ko ang paglubog ng araw. I'm entranced, as I witness the transition from the orange colored sky into a one in darkness. Covered by the illustrious lights that illuminates the city. Para bang tumitingin ako sa isang painting ng universe. Madilim pero nababalutan ng hindi mabilang na mga kislap ng bituin na nakapalibot dito.

"How beautiful." Sa isip-isip ko pero 'di ko namalayan na nasabi ko pala.

"Yes, it is." Pagsang-ayon ni Jake.

"Diba...." Lumingon ako kay Jake para lang salubungin ng kanyang mga mata na nasa akin ang titig. Natigilan ako pero agad ding naituon ang aking atensyon sa mukha ni Jake. Gwapo! Ang tangos talaga ng ilong, ang tulis ng jawline oh. Makakapal ang kilay, mapupungay ang mata at ang kanyang labi ay, ay....

Natigil nalang ang daloy ng aking pag-iisip nang tumingin din si Jake sa aking mga labi. Sa pagsapit ng gabi ay lumamig din ang temperatura, kaya bakit ganto? Bakit nag-iinit ang pakiramdam ko?

Mayamaya ay ibinalik din ni jake ang kanyang  tingin sa aking mga mata, kasabay ng paglapit ng mukha niya sakin. Natigil naman ang aking paghinga lalo na't ngayon ay dumadampi na ang kanyang ilong sakin. Napapikit nalang ako ng madiin, hinihintay ng aking puso na dumating ang inaasahan nitong halik hanggang sa—.

Sa pagmulat ko ay nasilayan ko ang gulat na nakapinta sa mukha ni Jake. Sa totoo lang, pati ako ay nagulat. 'Di ko akalain na ang dating bestfriend ko/ first love ay tatangkaing halikan ako. Pero higit pa do'n ang gulat ko sa aking ginawa. 

Ang sitwasyon na palagi kong ini-imagine noon, sinong mag-aakala na kapag matutupad na 'to ay ako pa mismo ang magtutulak dito palayo.

Yes, you heard that right. Kusa nalang gumalaw ang mga kamay ko at itinulak si Jake palayo bago pa man magdikit ang aming mga labi. Ang tanga ko ba? Siguro. Pero higit pa dyan ang pagiging duwag ko. Nakakatakot naman kasi. Nakakatakot sumugal sa isang tao na dati nang nanakit sayo. Nakakatakot isipin yung mga panahong sinisisi ko ang sarili sa mga hinanakit na siya ang nagdulot. Ang hirap, ang hirap isipin na baka maulit ang mga panahon na magtatanong ka ng daan-daang bakit na wala namang sumasagot.

Kahit ako, gusto din maging masaya. Gusto ko din makaranas ng pananabik at tuwa sa tuwing alam mo na nagmamahal ka. At oo, siguro may nararamdaman parin ako kay Jake. Siguro hindi nawala 'yon kahit na ilang taon na din kaming hindi nagkita. Lalo na't ngayon na mas natututunan ko pa siyang mahalin sa bawat segundo na magkasama kami.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa isang Jake Anderson. Siya na siguro ang lalaki na pinapangarap ng mga babae at mga bading na katulad ko. Gwapo, matangkad, mayaman. May pagkasuplado pero gentleman. Isang lalaki na palaging lulusawin ang 'yong lungkot at inis sa pagpapa-cute niya. Sasamahan ka sa mga lugar na gusto mong puntahan. Papatawanin ka sa kanyang mga banat at higit sa lahat... siya'y nagbago na. Na sa bawat pagbabago na ipinapakita niya ay nakakahanap ako ng bagong rason para mahulog sa kanya. Minsan nga naiisip ko na parang gusto ko nalang isantabi ang lahat at muling umibig sa kanya.

Gusto ko, gustong-gusto. Pero tama na. Tama na ang pagsusugal sa laro kung san palagi nalang akong talo. Tapos na ako maging isang palaruan. Isang lugar na pinupuntahan kung kelan maisipan. Ang lugar na pinupuntahan para magsaya ng panandalian kasi hindi naman gano'n kahalaga. Ang palaruan na kapag lumaki kana ay maiiwan nalang sa nakaraan, maiiwan na mag-isa nalang inaalala ang ating pinagsamahan. Habang nasa duyan na dahan-dahan kong 'tinutulak, sa seesaw na sinasabayan sa pag-angat at pagbaba ang ating nararamdaman. At sa isang padulasan na sa umpisa ay magagalak ka, pero sa 'yong paglingon ay mapagtatanto mo na tapos na... tapos na pala ang lahat.

My Ex-BestfriendWhere stories live. Discover now