Chapter 9: Ang dagat

22 11 1
                                    

"O.M.G!" Tili ni Chelsy na daig pa ang naglalanding pusa. Pagpasok niya kasi sa classroom ay bumungad agad sa kanya ang magkatabing Jake at Ash. Magka-share pa nga ng earphones yung dalawa.

Mabuti nalang ay maagang dumating si Mr. Avioli, ang prof namin for understanding the self. Kaya naman hindi rin natuloy ang pag e-emote ni Chelsy. Well, I wish. Kasi 'di man nagsasalita 'tong si Chelsy pero nakapalumbaba naman sa dalawa niyang kamay at panay ang titig sakin.

"Miss Santiago, kung magbibigay ka ng at least kalahating effort ng ginagawa mong pagtitig kay Mr. Collins sa nayari mong tula, sigurado 'kong mas magiging maayos yung gawa mo." Ani Mr. Avioli na 'di namalayan ni Chelsy na nasa harap na pala niya.

Nabigla naman si Chelsy at biglang napatayo. "Hehe, sir~ I think may tula is not that bad." Sabi ni Chelsy na kahit ang prof namin ay 'di pinatakas sa kapabebehan niya. Sabagay, gwapo kasi si Mr. Avioli at hindi rin malayo ang agwat ng edad niya samin.

"Not that bad? Not that bad!? Nabasa mo ba yung tulang ginawa mo? Ang dagat. May mga isda dito, lumalangoy sila." Nang matapos basahin ni Mr. Avioli ang "tula" ni Chelsy ay nagtawanan ang mga kaklasi namin. Kahit si Jake ay nagpipigil tumawa sa gilid ko.

"Alright. Let's move on from miss Santiago's rather um... kakaibang tula. We will now proceed to your group formation for our finals. Count from one to ten." Utos ni Mr. Avioli na agad naman naming sinunod.

Matapos makabilang ang lahat ay pinapunta kami ni Mr. Avioli sa aming respective groups para makita kung sino ang mga ka-group namin. Magkakatabi kami ni Chelsy at Jake kaya naman napunta kami sa magkakaibang group na ikinalungkot ni Chelsy. Well, OA lang talaga siya. Habang si Jake naman ay 'di rin nasiyahan pero nagpunta rin sa mga ka-group niya matapos niyang magpaalam sakin.

Nang pumunta ako sa espasyo kung saan pinapapunta ang mga member ng group five ay agad akong napabuntong hininga. "Why him!?" Bulong ko sa aking sarili.

Napalingon naman sakin ang lalaking tinutukoy ko; lumapit siya sakin at akmang aakbayan ako pero agad akong umiwas.

"How mean, ganyan ka naba matapos ang nangyari satin?" Sabi ni Ricky, a scumbag classmate of mine.

"Akala ko si Chelsy na ang pinakadelulu dito, I guess may ka-kompetensya na siya." Sabi ko kay Ricky na tinawanan lang niya.

Akmang lalapit sakin si Ricky ng biglang may humarang sa pagitan naming dalawa, "Jake."

"If it isn't the transfer student, anong maipaglilingkod ko sayo?" Ani Ricky na may halong pagkairita ang tono, hindi naman siya kinibo ni Jake dahilan para magdilim ang paningin ni Ricky.

Tila ba'y may nabubuong tensyon sa pagitan nila; nagkita pa ang dalawang war freak. Mabuti nalang ay tumunog ang bell, naghuhudyat na tapos na ang aming klase.

My Ex-Bestfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن