Chapter 15

353 26 5
                                    

I only chose one item from the menu but when the servers came in, our table was almost occupied with all the food that he ordered himself. Huminga ako ng malalim habang paisa-isang tinitingnan ang bawat ulam sa hapag.

Masyadong marami at kasyang-kasya ito sa isang buong pamilya kung sakali.

"Tatawagin ko po ba si Sir Ejay?" I asked curiously.

His calm face became unpleasant with my question. "Ejay who?"

"Yung isang kasama ko po na secu---"

"Ano bang meron diyan sa mga kasama mo? First was that Ronald guy and now Ejay?" He stated disgustingly.

I looked at him puzzled with his sudden outburst, while he remained the same.

"Ano? Lahat na lang may gusto sayo?" He added more which made me more puzzled.

Umiling ako sa kanya but he scoffed at me and looked away.

Nagbuga ako ng malalim na hininga. "Sir Ejay is my senior, Sir. At parang Kuya lang po ang turing ko sa kanya. At wala pong gusto sa akin ang mga trabaho ko." Paglilinaw ko.

I don't even know why I am explaining these things to him. Wala naman akong atraso o kasalanan.

"Then that is why Ronald is at your unit…"

He continued ranting but my eyes started feasting on the food on the table, at kalaunan ay kumuha na ako ng kakainin ko. The food was too much but I was hungry for all the things that happened today so…

"Answer me! Bakit mo hinahayaan na may lalake sa unit mo?"

Napatigil ako sa pagtikim sa mga pagkain at tumingin sa kanya. Ang huling katanungan niya lang ata ang pumasok sa isipan ko sa rami ng sinabi niya.

"He is a friend, Sir. At hindi na po siya nanliligaw." Klaro kong sagot na nagpatigil sa kanya.

But he scoffed at me and again and shook his head disappointedly. "Friend my ass, umaasa iyon and I am sure of it!" He said confidently.

I drank my juice through the straw as I watched his face get stressed from all the rant that he had done. Afterwhich, I set aside my drink and looked at him seriously.

"Problema ko na po ang mga ganyang bagay, at ako na po ang bahala sa sarili ko." Seryoso kong sagot.

Nawala ang kunot sa kanyang noo at naglumikot rin bigla ang kanyang mga mata. He then cleared his throat and fixed his posture. Inayos niya rin ang kuwelyo niya at ang pagkakalislis ng long sleeves niya sa kanyang braso.

"I-I didn't mean it that way...at w-wala akong gusto sayo…" Iwas nitong salita.

Huminga ako ng malalim. “Wala po akong sinabi na may gusto kayo sa akin.”

His eyes went wide with my statement. His jaw dropped a little but he fixed his posture right away.

“Talagang wala akong gusto sayo, kahit magpaligaw ka pa sa kahit sino.”

That was aggressive. Wala naman akong kasalanan.

“Kaya nga po, kaya ko po ang sarili ko pagdating sa mga ganyang bagay.”

“Right!" He exclaimed sarcastically. "Kasi mamimili ka lang naman and I am so glad we left the party, akala mo hindi nakakita ng tao kung makatingin sayo.” He even gasped and groaned.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa mga salita niya. And he really looked so disgusted and disappointed.

“Sir…”

“What?!” Puno ng inis nitong sumbat.

“Hindi ko po kailangan ng opinion niyo lalo na sa mga personal na bagay katulad nito…” Hindi ko pa natatapos ang gusto kong sabihin ng makita ko ang kaagad ang pagdidilim ng mga mata niya.

Midnights with Pierce Psyche EsquivelWhere stories live. Discover now