Chapter 37

454 43 12
                                    

"Mama!"

Napatigil ako sa pagkain ng dinner ng marinig ko ang pagsigaw ni Luca mula sa silid nito, kasabay nito ang pag iyak niya.

Dali-dali akong pumunta sa kwarto nito at nabungaran siyang nakaupo na sa may higaan niya habang patuloy na umiiyak.

Kaagad ko siyang nilapitan at ng makita ako ay mas lalo siyang naiyak. I carried him in my arms right away ang tapped his back while swaying him a little bit. Piit siyang pinapakalma.

"What's the problem, baby?" Malumanay kong tanong dahil ngayon lang rin siya umakto ng ganito.

He is  always calm whenever he is awaken at umiiyak lang o nagtatampo ito kapag may away sila ni Ejay.

He continued crying while his hands were wrapped around my neck. At ng maramdaman ko ang pag iling niya sa leeg ko ay nakahinga ako ng maluwag.

Maybe it was just a bad dream.

Inalo ko siya ng inalo hanggang sa tumigil na siya sa pag iyak. Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinunasan ang mga luha nito. He looked overslept but his eyes were so red because of his crying.

"Napagod ka ba sa ginawa niyo ni Tito Ejay? How was your enrollment?" Maamo kong tanong.

Unti-unti siyang tumango sa akin at muling sumiksik sa leeg ko. I tapped his back and after calming him more, we went out of his room to the dining.

"Pakihanda po yung kay Luca." Bilin ko at dali-dali namang gumalaw si Ate Percy para kumuha ng pinggan at kubyertos para kay Luca.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng humiwalay siya sa akin ng tuluyan. He sat on his chair and looked at our dinner when he suddenly spoke.

"I saw Pierce, Mama…"

Napatigil ako sa pagkuha ng kanin para sa kanya at kaagad na napatingin sa kanya sa tabi ko habang awang ang mga labi.

"Wow! Ang swerte mo naman, baby!" Ate Percy commented happily. "Minsan lang iyong makita sa public eh."

I swallowed hard and avoided my gaze at him. Binigyan ko siya ng kanin pagkatapos ay ng ulam.

Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "Sa screen ba, Luca? Personal?" I clarified it, pero umaasa ako na sa screen lang iyon.

Umiling siya sa akin at muli akong napatigil.

"No, Ma. I saw him...in person." Dahan-dahan nitong sambit.

I licked my lips, nodded my head hesitantly and forced a smile at him. "M-mabuti naman kung ganun…"

Umiwas muli ako ng tingin pero muling napako ang tingin ko sa kawalan, hindi ko na naman mapigilan na mag isip ng kung ano.

"And I talked to him…"

"What?!" Napantig ang tenga ko. I reacted violently and I almost stood up from my seat with his sudden information.

Pero mas nagulat ako ng makita siyang muling umiyak. He cried so violently I automatically stood up from my seat this time.

"Mama...I wanna see Papa again!" He cried out loud which made my mouth drop open. Nilamig ako ng tuluyan at na estatwa sa kinatatayuan ko.

Hindi man niya diretsong sabihin kung sino ang tinutukoy niya ay alam ko kung sino ito!

But how? Imposible. Unless Ejay told him!

Sila ang magkasama maghapon at sinabi niya sa akin na walang problema kaninang pagdating nila...and now…how come that he is crying about him!

He wiped away his tears and looked at me pleadingly.

"Bakit may kasama siyang iba...may anak po ba siya sa iba…" Lakas loob niyang tanong sabay iwas ng tingin at punas ng mga luha nito.

Midnights with Pierce Psyche EsquivelWhere stories live. Discover now