Chapter 35

388 43 6
                                    

I was a little bit agitated the whole afternoon. At habang palapit ang oras ng duty ko ay mas lalong lumalala ang pakiramdam ko.

Pagkatapos naming mag dinner ay ako na ang nagpatulog kay Luca. I was feeling emotional as I looked at him already in deep sleep, knowing that I might meet his father tonight.

At hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng pagka konsensya.

Bumuntong hininga ako at lumabas na ng tuluyan sa silid niya. Hindi ko pa nasasabi kay Mama kung sino ang una kong kliyente at hindi ko rin alam kung kailangan ko pa iyong sabihin. Pero siguro ay hindi na dahil wala na rin naman siyang pakialam, sigurado.

Naghanda ako ng gamit ko at dahil maaga pa naman ay sinubukan ko pang matulog. Pero hindi rin nangyari dahil gising na gising ang sistema ko, so I just lied down on my bed, staring at nothing.

Nang malapit na ang oras ay wala na akong nagawa. I prepared for tonight's duty with my usual jeans and white shirt and black combat boots. Humarap ako sa salamin at inayos ko naman ang mahaba kong buhok. I neatly tied it in a bun and at last, I wore my gun.

Napatulala pa ako ng ilang saglit sa salamin at nagbuga ng malalim na hininga sa huli.

Kinuja ko na ang pitaka ko at cellphone, kasama ang susi ng sasakyan at tuluyan ng umalis. I locked our door properly and got in my car.

Wala na ang traffic dahil madaling araw na. Gusto ko mang bagalan ang biyahe ko ay wala na akong magagawa. At nakakahiya rin kung pag hihintayin ko si Sir Sebastian. I needed to stay professional and set aside my own set of dilemmas, lalo na at wala iyong lugar sa klase ng trabaho ko.

Nakarating ako sa parking ng building at binigay ko lang ang I.D ko, pagkatapos ay pinapasok na ako sa loob ng parking lot. From here, I could just take his personal elevator but I needed to register my name first in the reception.

Kaya naman inasikaso ko pa iyon bago ako nagpasyang gamitin ang sarili niyang elevator. I looked at my watch and it is almost 12, ilang minuto na lang at oras ko na.

The elevator finally opened and I instantly saw Sir Sebastian, facing the door while the door was sliding slowly, until it was totally closed.

Napalunok ako ng malalim at dahan-dahang lumabas dito.

Mukhang kararating lang niya dito...o baka naman may pinag-usapan lang sila

Sir Sebastian looked at his side and saw me walking towards his direction. Tumigil ako sa harap niya at sumaludo at ganoon rin siya sa akin.

He then gave me a smile and patted my shoulder. "You're on time, Liberty. Good luck and God Bless on your first night."

Tumango at ngumiti. At wala na akong nagawa ng tuluyan siyang umalis ng tuluyan sa harapan ko.

I cleared my throat and checked his floor. May dalawang CCTV sa may elevator na nakatutok kaya kitang-kita ang itsura ng lalabas o papasok mula rito. Meron rin sa tapat ko at isa pa sa may pintuan niya.

Every corner has its CCTV and in total it has seven CCTV'S. Wala ng takas kung sino man ang papasok sa floor niya, I think that it is too much but thinking about his current situation and status in life, no one can really blame him.

At isa lang rin ang ibig sabihin noon, kitang-kita ang bawat anggulo ng galaw ko, kung may nanonood man sa akin ngayon.

Napaayos ako ng tayo at napatingin sa iisang upuan sa gilid na pwede kung upuan. Mamaya na lang ako uupo at baka masita pa ako ng wala sa oras.

I could also see the wide city light from here because of the glass wall and it could somehow entertain me for the next few hours.

Hindi naman bawal ang mag cellphone sa amin kaya naman makalipas ang ang kalahating oras na nakatulala sa kawalan ay sinubukan ko itong buksan.

Midnights with Pierce Psyche EsquivelWhere stories live. Discover now