Chapter 36

375 35 7
                                    

"Hangga't maaari huwag kang gumamit ng cellphone sa trabaho...unless it's an emergency."

Tumango ako ng alanganin kay Sir Sebastian sa naging bungad niya sa akin pagkapasok ko sa trabaho kinagabihan.

"Wala siyang ginawa maghapon kung hindi ang matulog, hindi siya pumasok ng trabaho at baka mamaya ay maisipan niyang lumabas...dapat maging alerto ka."

I massaged my neck and nodded at him.

"Bawal rin magpapasok ng kahit na sino, except his manager, his parents and younger brother." He added more

Napaisip ako napatikhim ng wala sa oras dahil mukhang may kulang roon sa sinabi niya.

"How about his...son? Girlfriend?" Hindi ko siguradong tanong which of course I'm pertaining to Andra and Simeon, his son.

Umiling siya sa akin. "Walang anak si Sir...at lalong wala siyang girlfriend."

Napaawang ng kaunti ang labi ko pero agad ko rin iyon tinikom. Okay...that was unusual..pero baka naman pinoprotektahan lang ni Pierce ang mga ito dahil delikado ang sitwasyon niya ngayon.

"Any more questions?"

Umiling kaagad ako. "Wala na po."

Sir Sebastian pursed his lips and looked at me seriously for a moment. "Kung ganun ay maiwan na kita."

"Salamat, Sir." Sumaludo ako sa kanya at umalis na siya ng tuluyan.

Pumwesto ako ng tayo sa gilid ng pintuan niya tumingin sa wrist watch ko. Lagpas alas dose pa lang at posibleng lumabas siya katulad ng bilin ni Sir Sebastian.

Muling nalipat ang tingin ko sa CCTV sa paligid at naisip ang kaso niya. A woman was again stalking him, katulad lang rin ng dati. He clearly became more popular, ganoon naman na siya dati pero iba ngayon ang level ng kasikatan niya.

Pero kapalit lahat ng iyon ay ang ganitong sitwasyon. Walang malinaw na kuha kung sino ang stalker niya dahil nakatakip ang mukha nito pero positibo ang mga kasamahan ko na iisang tao lang iyon. Sa tingin ko naman ay mas malala ang dati pero hindi pa rin kami dapat pakempante, lalo na at hindi naman namin alam ang iniisip at galaw ng suspek.

Ilang minuto pa akong nakatayo roon ng mahagip ng mata ko ang pagbukas ng sliding door niya. Napatayo ako ng matuwid kahit na maayos naman na ang tayo ko.

Linampasan niya ako kaya kaagad akong sumunod muli. Hindi niya ako binalingan ng tingin at ng nasa elevator na kami ay pumwesto ako sa likod niya muli.

From here, I could freely look at his fit. Naka jogging pants siya ng itim at ganoon rin ang tshirt niya. May cap siya at face mask, at hawak ang pitaka at susi ng sasakyan sa kanang kamay.

I licked my lips. Mukhang may balak siyang pumunta ng labas.

We reached the ground floor after travelling for like an hour inside the elevator. Pagkababa namin ay muli akong nagpakawala ng malalim na hininga.

Naglakad siya ng dire-diretso kaya kaagad rin akong sumunod. He then stopped in front of a black SUV.

Humarap siya sa akin ng tuluyan at binato ang susi sa akin. That was sudden but since I have great reflexes, I was able to catch it.

"Drive. I'm hungry." Walang emosyon nitong utos at binuksan ang likod ng sasakyan niya.

Dali-dali kong binuksan ang driver's seat nang maalala kung hindi niya pa nasasabi kung saan siya kakain.

I cleared my throat and started the ignition of the vehicle.

Huminga ako ng malalim at naglakas loob na tumingin sa kanya sa likod. He's looking at the window seriously so I cleared my throat again which caught his attention.

Midnights with Pierce Psyche EsquivelWhere stories live. Discover now