Chapter 23

261 24 1
                                    

We had our dinner that night, but I was too embarrassed to even swallow my food. Pakiramdam ko lahat ng galaw ko ay may ibang kahulugan, maging ang mga tingin niya sa akin.

He soothe me with his words but it wasn't enough, kumalma naman ako pero kada sasagi sa isipan ko ang mga nangyari ay para rin akong binabalik sa mga nangyari. And I have never been embarrassed all my life, ngayon lang at sa kanya.

Huminga ako ng malalim, at tiningnan ang bawat pagpatak ng minuto sa cellphone ko. It's almost seven and I should be making my way now to his unit but I just don't have the courage to do so.

But I didn't have a choice anyway. Sinuot ko ang jacket ko at tumayo na ng tumunog ang cellphone ko. I looked at it and saw Papa calling.

My brows furrowed as I looked at his name, he rarely calls me especially if I am on duty. Ako dapat ang tatawag sa bahay at hindi sila dahil ayaw niya na maistorbo ako sa trabaho.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. I answered the call right away.

"Hello?" Tumingin ako sa wall clock at malapit ng mag alas syete.

"Hello? Ma'am Liberty po?"

Rumagasa ang kaba sa akin ng marinig ko ang hindi pamilyar na boses ng babae sa akin.

"Yes?"

"Ma'am sorry po pero sa hospital po ito. Kayo po kasi ang nakalagay sa emergency ng pasyente."

Pasyente? Is she talking about Papa?

"A-anong nangyari?" Nanginig ang boses ko sa huli.

"May tama po ng baril ang pasyente, kritikal. Nandito po siya ngayon sa hospital."

Tuluyang bumagsak ang kalooban ko sa narinig. I quickly got my keys with the phone still in my hand. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko pero pinagsawalang bahala ko iyon. Papa had a shooting incident. 

"Saan pong Hospital?"

Lumabas ako ng tuluyan ng unit at pagkatapos kong makuha ang impormasiyon na kailangan ko ay agaran akong sumakay ng elevator. I didn't waste any time and used my regular car and drove immediately.

How about Brianna? Sino ngayon ang kasama niya? We only have a driver at home and at the same time a caretaker too. I saw the traffic ahead and when I stopped, I quickly dialled our driver’s number. Ilang segundo pa ang nakalipas ng sagutin niya ito ng tuluyan.

"Hello, Ma'am?"

"Kuya, dalhin niyo si Brianna sa unit ko. May nangyari kay Papa pero huwag niyo na mo ng sabihin kay Brianna."

“A-ay sige po...pupunta na kami ngayon.”

I ended the call right away and looked ahead. The traffic was heavy and I can’t wait anymore. Hindi ako mapakali ng muli kong maalala na hindi pa ako nakapag paalam sa trabaho.

The traffic moved and when I stopped again, I dialled Sir Sebastian digits. Ilang segundo lang rin ng sagutin niya ito.

“Where are you? Tatawag dapat ako.” Bungad niya sa akin.

I tapped my fingertips on the steering wheel. “May emergency po kay Papa, hindi ako makakapunta ngayon.”

I heard him breathing deeply on the other line. “Call me if you need some extension.”

“Salamat po.” I ended the call right away as the cars started moving again.

Lumuwag ang trapiko at mas binilisan ko ang pagpapatakbo, and in no time I reached the hospital. Hindi ko na napark ng maayos ang sasakyan at agarang bumaba.

Midnights with Pierce Psyche EsquivelWhere stories live. Discover now