Chapter 34

378 38 8
                                    

The next day, with the help of Ejay and Ate Percy, we finally were able to transfer our things. Hindi naman kami nahirapan dahil mga personal na gamit na lang ang nilipat namin, fully furnished na rin naman ang bahay kaya hindi na kailangang mamili ng mga gamit.

“I already looked for a Luca’s school, malapit lang naman dito at pwedeng walking distance.”

Napatigil ako sa pag aayos ng closet ni Luca at napatingin kay Ejay. Ngumiti ako sa kanya.

“Salamat. Sana hindi ka na nag abala.”

He smirked at me. “I actually bought a house nearby too.” He said so casually which shocked me.

“What?! Saan?” Gulat kong tanong.

“Guess where…” Nakangisi nitong saad sabay hawi ng kurtina ng bintana kaya kita ko ang kabilang bahay.

Then he pointed it out.

“Really, Ejay?!” Hindi ko alam kung masisiyahan ako, makokonsensiya o kung ano pa man.

It was too much, though he is rich, the effort that he is exerting was beyond my imagination. Sobra-sobra na ang ginagawa niya.

Sumeryoso ang tingin ko sa kanya. “Mahal mo ba ako? May gusto ka sa akin?” Diretsahan kong tanong.

He suddenly acted shocked and disgusted. “Of course not, I’m here for Luca and not for you. Sino ka ba?”

Napailing na lang ako at napangiti. Naglakad ako palapit sa kanya at kaagad siyang niyakap ng mahigpit. He groaned and tried pushing me but he wasn't really exerting any effort.

“Thank you very much, Ejay. Sa lahat ng tulong mo sa amin, lalo na kay Luca.” I emotionally stated.

He cleared his throat and slowly tapped my back. “It’s fine…it must be harder for you, huh? What I’m doing is nothing compared to your sacrifices to your son…and I admire you so much for that.”

I am thankful for him, genuinely thankful for him. Kung wala siya sa tabi ko nitong mga nagdaang taon ay hindi ko na alam ang gagawin.

We had our lunch all together in our new home. Pagkatapos ay umalis na si Ejay at kami na lang ni Ate Percy ang nagligpit pa ng mga iba pa naming gamit.

Kinahaponan ay namalengke ako at naiwan sa bahay sina Luca at Ate Percy, tiningnan ko na rin ang mga pasiko-sikot sa daanan at sa huli ay sumilip ako sa sinasabi ni Ejay na malapit na school. 

Kahit na nakapamalengke ako ay nag order na lang ulit kami ng dinner dahil tuluyan na naming tinapos ni Ate Percy ang pagliligpit at pareho na kaming pagod sa maghapon.

Bago ako makatulog ay saka ko lang nabuksan ang cellphone ko. I was on my bed lying already, while browsing my messages. Ejay texted me and that is what caught my attention.

Ejay:

Reporting tayo bukas, after lunch. Sunduin kita?

Nagbuga ako ng malalim na hininga at napatingin sa petsa kinakabusan. Days have been passing so fast since I came here and I’m gonna be working again tomorrow.

Ako:

Magkita na lang tayo doo, salamat.

Pinatay ko ang cellphone ko at pinakiramdaman ang bago namin bahay. This will be our home forever, dito lalaki si Luca…and just thinking about it made me feel something warmth inside. 

Kaya dapat alagaan ko ito. Lalo na at ilang pera rin ang nilabas ko para lang mabili ito. 

Nakatulog naman ako ng maayos at kinabukasan ay hinanda ko na ang mga gamit ko. Before lunch ay nakaligo na ako at nakapalit ng damit.

Midnights with Pierce Psyche EsquivelWhere stories live. Discover now