Chapter 15: First Kiss

47.1K 2K 140
                                    

 

UNEDITED. TAMAD. SORRY SA TYPOS. ENJOY READING!


DENISE 


Sixth Day of the Ranking Quest


I was walking downtown with my hands crossed. Nakasimangot ako. Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa inis. I still could remember what happened yesterday. Hindi maalis sa utak ko ang mga nangyari at paulit-ulit na naglalaro sa utak. It's liked I'm watching a movie over and over again. Ipinilig ko ang ulo para alisin ito sa isip ko.


Napansin ko na napapalingon sila sa 'kin. Hindi pa rin sila nakakahuma dahil sa totoong katauhan ko. Tumaas ang kilay ko. Hanggang kailan ba magiging ganito ang sitwasyon ko sa larong ito? Bigla kong naalala na maghaharap pa nga pala kami ni Sky sa duel arena. Kailangan ko ng simulan ang mga quest ko. Kailangan kong magpalakas.


I was now heading towards the main gates when someone called me from behind. Kunot-noong lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. It was Zero. He smiled gently at me. Pakiramdam ko mas lumakas na siya. Tumigil ako at hinintay ko siyang makalapit sa 'kin.


"Where are you going?" he asked curiously. I frowned because it's very obvious. "I need to finish my solo quests," I answered. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad pero sumabay siya sa 'kin. Napansin ko na napakamot siya sa ulo dahil sa sagot ko.


"Zeus..." nag-aalangang tawag niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. He smiled. Alam kong napansin niya ang pagtataka sa mukha ko.


"I know, you know Sky. And I'm not sure if he already asked you to be his couple or partner..." he said. He almost whispered. Halatang tinitimbang ang bawat salitang binibitiwan niya.


"He did," diretsong sagot ko sa kanya. Hindi ko kailangang magsinungaling. I don't want any complications and misunderstandings.


Mapait siyang napangiti. "Pumayag ka? Naunahan na pala niya ako. Kung alam ko lang na babae ka, I should have asked you first," naiiling na sabi niya. He sounded disappointed. And that made me want to react. Because of what he said, I wanted to react badly. Hindi ako pumayag!


"I didn't!" I said defensively. Hindi ko alam kung kanino ko ba itinatanggi. Kay Zero ba o sa sarili ko? Hindi ko alam. Basta bumalik na naman bigla sa alaala ko ang nangyari kagabi dahil sa narining.


Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. "You didn't?" takang tanong niya. I nodded.


"Hindi pa ako pumapayag sa inaalok niya. I'm still thinking. I'm not sure yet," nag-aalangang sagot ko. Bahagyang lumiwanag ang mukha niya. Tila nakarinig ng magandang balita.


"If I asked you, will you spend a little to think it over?" he asked. He was anticipating my answer. Natigilan ako dahil sa tanong niya. I bit my lower lip. Hindi ko alam pero nagi-guilty ako dahil sa narinig ko mula sa kanya. I know my answer. Siguro kung wala si Sky, I will accept his offer without hesitation. Or kung hindi ko man nakilala si Sky o wala siya, baka lalaki pa rin ang character ko hanggang ngayon. At tiyak na babae ang magiging couple ko sa laro. Ayokong magsinungaling kay Zero.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon