Epilogue

50.3K 2K 1.2K
                                    


Epilogue


DENISE



I could feel the cold breeze on my skin while I'm standing near his grave. Parang gusto kong manlamig kaya wala sa sariling napayakap ako sa katawan ko. Ilang taon na ba ang nakalipas? Anim na taon na pero sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nangyari noon. Sariwa pa ang mga sugat. Sariwa pa ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko may itinatarak pa ring punyal sa puso ko. Sobrang sakit na parang hindi ko na kayang huminga. Six years already passed but I'm still wishing them to come back to life. Hinihiling ko pa rin na sana ako na lang ang nawala. Na sana ibalik sila kapalit ng buhay ko pero huli na ang lahat. I could only live for them. Marahan kong pinahid ang luhang nangilid sa mga mata ko. Anim na taon ng wala si Frey. Anim na taon na pero masakit pa rin para sa 'kin ang lahat.




Lumuhod ako sa harap ng puntod niya. Madalas akong bumibisita rito. Ayokong magtampo siya. He's been a good friend to me. "Frey... It still hurts. Minsan, gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito. Na buhay pa rin kayo pero alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko," mahinang saad ko. Pumiyok pa ang boses ko dahil sa pagpipigil ko na umiyak. "Hindi pa rin ako sanay na wala ka na. Pero alam ko na mas masakit ang pinagdaanan ni Faye kaysa sa 'kin. Kung pwede lang kitang ibalik Frey. Kung pwede lang makipagpalit sa inyo," saad ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. My throat was burning. Pakiramdam ko may malaking bato na nakabara sa lalamunan ko. I cried in front of his grave. I couldn't help it. I couldn't stop myself from crying. Sobrang sakit na parang hindi ko na kakayaning mabuhay! Pero hindi sila magiging masaya kung isusuko ko na lang basta ang buhay ko. I breathe in and out. Kinalma ko ang sarili ko.




"You will forever be my friend. Maybe, on our next life, we'll see each other again. Let's be friends again. Hindi ko na nasuklian ang lahat ng magagandang bagay na ginawa mo sa 'kin pero sa susunod nating buhay, pipilitin kong maging mabuti sa 'yo," mahinang bulong ko sa hangin. Marahan kong inalis ang tuyong dahon na tumakip sa puntod at pangalan niya. "Alam kong masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. I didn't get the chance to properly say thank you and bid goodbye. Thank you, Frey. You know, I don't want to say goodbye because you will be here forever in my heart. You always have a space in my heart and that space will be forever yours. I will always treasure the memories. I love you and all the memories we shared. Nakakulong na ang mga gumawa nito sa inyo kaya matatahimik ka na. I'm sorry... Sorry dahil hindi kita nagawang iligtas," mahinang dagdag ko habang tumutulo ang masaganang luha ko. Ilang minuto akong umiiyak at hindi na makapagsalita pa. Masakit talaga. Ilang minuto akong nagmukmok sa harap ng puntod ni Frey. Paulit-ulit na nga yata ang mga sinasabi ko. Siguro nabibingi na siya sa 'kin. Kung pwede lang siguro siyang magreklamo, tiyak nagreklamo na siya.




I checked the time and I know it's already time to go. Ipinatong ko sa puntod niya ang puting rosas na dala ko. Tumayo na ako pero naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko. Faye smiled at me when I looked at her.




"Nandito ka rin pala," she said with a small smile. Nakangiti siya pero napansin ko ang malungkot na ekspresiyon ng mga mata niya. I never saw her eyes as bright as before. I nodded. Malaki na ang ipinagbago namin. We already matured. Time changed us but time failed to mend what has been broken.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon