Chapter 17: Kiss of Death

40.7K 1.9K 126
                                    


UNEDITED. TAMAD. ENJOY READING!


DENISE


Tenth Day of the Ranking Quest


Tatlong araw na ang nakalilipas nang huling mag-usap kami ni Prius. Tatlong araw na ring nakatuon ang pansin ko sa paglalaro. I've been playing almost nonstop. Kahit wala sa listahan ng quest, ginagawa ko na rin. Naungusan ko na rin sa rank si Zero at malapit ko na ring maabutan si Sky. Sky's level was 64 while I'm on Level 62. Tatlong araw na rin akong lihim na naiinis kay Prius. He was really ignoring me as if I never existed in this world. In his world. For Pete's sake! We're breathing the same air and living in the same floor! Magkatapat pa ang mga pintuan namin! He's always giving me the cold shoulder and stare sometimes. O kaya naman ay hindi niya ako tinitingnan.


Nagtataka na rin sina Ice at Fire sa nangyayari. Kapag nagtatanong sila, nasusungitan ko pa minsan. I couldn't help it. Lihim na naaasar din ako. I'm frustrated. I wanted to ignore Prius too but I couldn't. It's annoying! This feeling made me more frustrated! Pero ginusto ko naman ito kaya dapat matuwa ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon. I'm damn confused!


Alas otso na ng gabi. Level 32 na ako sa Shot To Kill Tower. I'm currently inside one of it's huge room. Tatlo na rin ang napapatumba ko. Hindi ko pa nakikita ang iba kong kalaban. I don't know who they are. I was holding a sniper's gun in my hand. Nakatago ako sa isang mataas na twin tower building at pinag-aaralan ang buong paligid. We're inside a city. May mga sasakyan din sa paligid. Well, I doubt it if someone's driving those car. It's just props but we can possibly use those. I tried it a while ago. It's working. Para ka lang naglalaro sa arcade ng car racing. It's so cool! Naririnig ko ang palitan ng mga bala ng kung sinuman. The game was upgraded. Malalaman ko na kung ilan pa ang natitirang kalaban dahil sa isang screen sa itaas ng kisame. Number 4 ang makikita roon.


Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng rooftop. Napamura ako sa utak ko nang makita si Aphrodite habang hawak ang baril niya. Naalerto siya nang makita ako. Agad niyang itinutok sa 'kin ang baril niya. One hundred bullets are the limit for our guns. Makikita ko sa baril niya ang number 49. She still have 49 bullets left. I still have 60. Nililipad ng hangin ang mahaba at itim niyang buhok. Nagsimula siyang magpaulan ng bala sa direksiyon ko. I ran fast to avoid her shots.


Kinagat ko ang labi ko dahil nasa open space kami. She could easily target me. Nakikita ko na ang katabing tower ng building na kinaroroonan namin. I'm planning to jump over there. Dalawang metro lang ang layo ng twin tower na ito sa isa't isa. Sumalida ako upang makatalon nang mas malayo at mas mataas. I jumped with all my might. I was going to hit the glass windows. I used my hands to cover my front. Nabasag ang glass windows at nakapasok ako sa loob ng isang tahimik na opisina.


Nang tumingala ako sa kinaroroonan ni Aphrodite, napansin ko na balak niyang sumunod sa 'kin. Wrong move for her. Agad akong tumakbo sa isang tabi. At pinaulanan ng bala ang pagbagsak niya sa sahig ng opisina. She became an easy target because of her wrong move. Napailing ako nang maglaho na siyang parang bula sa hangin.


Nagtungo ako sa elevator. Bumaba ako sa ground floor. I used a car to find my next target. Tiyak na hindi niya iisiping nakasakay ako sa isang kotse. I looked at the ceiling and I could see the number 3. Tatlo na lang kaming natitira. Marahan lang ang pagtakbo ko. I was watching every buildings and every places. Pilit kong hinahanap ang kinaroroonan ng mga kalaban ko. And there I saw someone standing on the rooftop's buildings. Nakatalikod siya kaya hindi ko makilala. Hindi ko rin mabasa nang maayos ang user name niya. Itinigil ko ang sasakyan sa building at agad na sumakay sa elevator. Alerto ako. Kumunot ang noo ko. Bukas ang pinto ng rooftop. As if the guy was really waiting for his next target.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon