Chapter 27: Doors Of Fate

32.5K 1.6K 102
                                    

UNEDITED...



DENISE



"Hindi pa kayo pumasok sa south gate?" takang tanong ni Queen kay Sky. "Or maybe, you already did," she said. Maybe she noticed the wounds and bloods. I remained silent. Unmoving. Gusto kong sumimangot pero pinigilan ko ang sarili ko.



"Yes. And we're actually waiting for you now," Sky said lightly.



May narinig akong mga yabag na papalapit sa 'min. I heard someone hissed. "You should have warn me about the waterfalls," reklamo ng isang lalaki. I could tell that he was Zero.



Sky chuckled. "I'm not that prepared too," he said.



"Mukhang hindi madaling talunin ang South Gate Keeper," komento ni Zero. I slowly opened my eyes and looked up at him. Zero smiled at me. Inalis ko na ang ulo ko sa balikat ni Sky.



"Hi," I greeted them.



"Hi. It's been a while. Ngayon lang ulit tayo nagkita," Zero said.



"Yes. I wonder now what you were doing this past few days," I grinned. Ngumiti lang siya at mahinang tumawa. Hindi ko na nga siya masyadong nakikita sa game. O madalas lang siyang nasa labas ng town? Hindi ko alam. Kahit sa dinner, hindi ko na siya nakakasabay kumain. Hindi ko na rin siya masyadong nakikita sa hallway.



Tahimik lang na nakatingin sa 'kin si Queen pero nahalata ko ang pasimple niyang pag-irap sa 'kin.



"You'll know soon," makahulugang wika niya. He offered his right hand to me when he noticed that I'm attempting to stand up. Agad ko itong tinanggap upang tumayo. "I think, I got lots of stories to tell," Zero smirked. Tumayo na rin si Sky na nakasimangot na ngayon. He was looking on my hand which was holding Zero's hand. I blushed and almost forgot. Mahinang tumawa si Zero at hinila pa ako sa tabi niya. He whispered in my ear. Sapat lang upang marinig ko.



"He's jealous. Kayo na ba?" he asked. I blushed. Mahinang siniko ko siya sa tiyan pero tumawa lang siya. Binitawan na niya ang kamay ko.



"Hmmm. I want to know the details but not now," he whispered again. Tumingin na siya kay Sky at ngumisi. Sky just gave him a long look. Hinila ko si Zero at may ibinulong sa kanya.



"Sure. But I also want to know where you wandered this past days," I whispered. Maybe I could get something useful from him. Useful information. Hindi ko alam kung hanggang saan na ba ang narating niya. Tiningnan lang niya ako at tahimik na tumango. It's a deal then. Pero hindi ko alam kung ano ba dapat ang ikwento ko sa kanya. There's nothing going on with me and Sky.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon