Chapter 22: Icy Blue Fox

35.5K 1.7K 245
                                    

UNEDITED. ENJOY READING!



DENISE



Napapansin ko ang kakaibang ingay sa paligid at malayo na rin ang nalalakbay ko. Malalakas na alulong ang naririnig ko na nakapagpapatindig ng balahibo ko sa katawan. Is it a wolf? A Fox? Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka at pagkabahala. Pinapakiramdaman ko ang buong paligid. Mahaba pa ang daang lalakbayin ko. I need to survive this path alone. Wala akong maaasahan kundi ang sarili ko lang.



Pakiramdam ko sumasayaw ang mga patay na puno sa daan. As if they're alive and they're mocking my existence. Pakiramdam ko pinagtatawanan nila ako. I sighed. I think I'm just imagining too much. Natigilan ako nang pakiramdam ko ay mas lalong lumalakas ang alulong. Kinuha ko mula sa likod ko ang Crystal Bow.



May naramdaman akong kakaiba at malakas na enerhiya mula sa likod ko. Alam kong may sumusunod sa 'kin. Kahit gaano kahina at kaingat ang mga yabag nito ay nararamdaman ko pa rin ito. Malakas at mabilis na pumintig ang puso ko nang maramdaman ang mabilis na pagkilos nito.



Agad akong gumalaw at humarap. Handa ko ng pakawalan ang palaso sa nilalang na nagbabalak umatake sa 'kin. I saw a beautiful creature which jumped towards me. Hindi agad ako nakagalaw kahit na ang matatalim na pangil nito ay nakaamba ng kumagat sa braso ko. Agad din naman akong natauhan. I jumped over the side to avoid its sharp fangs. Gumulong ako sa lupa at agad lumuhod upang ihanda ang sarili sa sunod na pag-atake nito.



A fox with nine tails attacked me. It has an icy blue body that attracts everyone's attention. The tails and feet covered with fire were mesmerizing too. Tila kumikintab at kumikinang ang buong katawan nito sa liwanag ng buwan. Its icy blue eyes were gazing at me coldy. Tila gusto kong manlamig sa matalim na tingin nito sa 'kin. Tila mahirap paamuin ang nilalang na ito dahil sa mabangis na anyo nito.



Ngumisi ako. I think its time to capture a pet. May ilan namang pwedeng bilhin sa town pero mukhang mahihina ang mga iyon. That's why I decided to find a rare pet outside the town. And this one just came along in time.



Tumayo ako. Napansin ko na kulay pula ang pangalan nito. Icy Blue Fox. I just need to defeat it then its name will turn to green. Pagkatapos ay pwede ko ng gamitin ang special item para mahuli ito.



The Icy Blue Fox started to run towards my direction. Masyado itong mabilis. Agad itong nagpakawala ng matatalim na apoy sa kinaroroonan ko. Maninipis ang mga ito na katulad ng mga karayom. The fire needles were too many to handle. Mabilis akong tumakbo sa ibang direksiyon pero hindi ko pa rin naiwasan ang ilan sa mga ito. Its fire needles cut my skin and my dress. Agad akong nagpakawala ng Twin Blazing Arrow pero mabilis ang mga kilos nito kaya walang kahirap-hirap itong umiwas. It jumped flawlessly in the air. The Icy Blue Fox was wagging its tail beautifully in the air. And yes, it was not meant for my eyes to be mesmerized since the fox was now throwing sharp icicles in my direction. Kumunot ang noo ko dahil dalawa ang elements nito. Level 60 na ito.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon