Chapter 36: Impatience

39.5K 1.7K 440
                                    

UNEDITED AND TORTURED.... WAHAHAHA



DENISE



It's too hot on this island. Tumatalon kami sa mga bitak-bitak na lupa upang iwasan ang mga magma. Matataas ang mga lupang ito na nagmimistulang mga maliliit na isla na nakalutang sa magma. Tiyak na kapag nahulog kami roon ay matutusta kami. We might die. O siguro mababawasan ang health points namin. Kung makaligtas man kami sa kumukulong magma, tiyak na sunog naman ang mga balat namin. I'm not sure and I don't want to test how it actually works.



Ibinaba na ni Ice ang tela na nakatakip sa bibig niya maging ang hood niya. "Pwede ba'ng maghubad? Sobrang init," naiinis na reklamo niya. Tumawa lang ako sa sinabi niya. Kahit ako ay naiinitan na rin. Wala sa sariling pinapaypayan ko na ang sarili ko. Napailing naman si Zero sa sinabi niya.



"Don't dare," seryosong saad ni Zero. Patuloy kami sa paglalakad at pagtalon sa mga lupa.



"Inggit ka lang. Maghubad ka na lang rin kaya? Pipigilan mo pa ako. Mas mainit pa ang suot mong damit sa 'kin," naiiling na saad ni Ice. Isa-isa na niya hinuhubad ang damit niya. Inilagay na niya ang cloak na suot sa storage niya. Nagsimula na rin siyang magbukas ng butones sa damit niya. I blushed because of what she was doing. She's now showing too much skin. Bago pa man mabuksan ni Ice ang pangatlong butones ay pinigilan na ni Zero ang mga kamay niya.



"Okay. Kung gusto mo talagang maghubad, ako na ang magbubukas ng mga butones na 'yan," seryosong saad niya. Hindi ko tuloy alam kung nagbibiro ba siya o seryoso talaga pero nanlaki ang mga mata ko sa suhestiyon niya. It was so bold for him to say that.



"Wow! May itinatago ka pala sa 'king pagnanasa, 'no?" pang-aasar ni Ice kay Zero. Zero just grimaced and shook his head. May gana pa talagang mang-asar si Ice. Maybe she didn't really mind as long as she could get rid of her clothes.



"SPG," mahinang komento ni Fire nang dumaan siya sa mga ito. Zero shrugged his shoulder and frowned even more.



"Hey, Fire, ayos lang din ba kung maghubad ako?" kaswal na tanong ni Queen kay Fire. No. Hindi nang-aakit ang boses ni Queen. Halatang naiinitan lang talaga siya sa paligid. Her dress was just too much for her. Inosente niyang pinapaypayan ang sarili habang patuloy sa paglalakad kasabay si Fire.



Hindi makapaniwalang tumingin si Fire kay Queen. Maging ako ay bahagyang nagulat. Tahimik lang si Sky sa tabi ko habang nakasakay sa balikat niya si Silver. Hindi kami nagrereklamo dahil walang magagawa ang pagrereklamo namin. Hindi kami maililipad nito paalis sa isla. "Nahawaan ka na rin ba ni Ice?" kunot-noong tanong niya.



"You can't blame me or her. It's just really too hot. I'm sweating nonstop. Sticky," naiiling na sagot ni Queen. "And don't act like you haven't seen me in my undies yet," she said and smiled teasingly. Nanlaki ang mga mata namin sa narinig. Natuon ang pansin naming lahat sa kanilang dalawa ni Fire. Maging si Ice ay hindi makapaniwala at nanlalaki ang mga mata.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon