Intro

312K 6.2K 333
                                    

This story may not be downloaded, copied, modified, produced, reproduced, distributed, transmitted, broadcast, displayed, sold, licensed, translated, published, performed without the prior written consent of the respective owner.



Sinabi ko sa best friend ko na mahal ko ang kaibigan namin. Sinabi ko sa best friend ko na gustong-gusto ko talaga ang kaibigan naming iyon. Pero ang sakit dahil ang lalaking iyon ay gusto pala ang best friend ko. Kaya kahit masakit, inamin ko pa rin sa kanya na gusto ko siya...

Selfish na kung selfish dahil hiniling ko na sana ay huwag niyang ligawan ang best friend ko. Hiniling ko na huwag niyang ipaalam sa best friend ko ang nararamdaman niya. Mahirap man aminin pero noong araw na ni-reject ako ni Derek, 'yun din ang araw na nakaramdam ako ng pagkainggit sa matalik kong kaibigan. Kung noon ay wala akong pakialam sa mga nagkukumpara sa amin, ngayon meron na. Kung noon ay ayos lang sa akin na pareho kami ng mga gamit, ngayon hindi na.

Binago ko ang lahat sa akin. Nagpaiksi ako ng buhok kahit alam kong magagalit si mommy, sumubok ng sports at kung anu-ano pa na hindi kaya ni Gelene ay sinubukan ko. Maiba lang ako sa kanya.

Pero para akong tanga dahil naitago nila ang relasyon nila sa akin.

Ayos lang naman sana kung sinabi nila kaagad sa akin. Ayos lang dahil matatanggap ko. Pero mahirap pala kung sa iba ko pa malalaman ang relasyon nila. Masakit pala. Kaya kahit ayoko, ako ang umiwas. Ako ang lumayo. Ako ang hindi nagparamdam. Ngayon, graduating na ako and I'm actually hoping to meet my...oh nevermind. Hindi naman ako bitter pero sana nga makakilala na ako ng taong magpapasaya sa akin. I'm not really wishing for a lover.

Believe. Me. Not.


Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon