CHAPTER 9

103K 2.9K 430
                                    

"Hot ba ako o kung mabango ba ako?" Tumingin sa akin ang tatlo kong kaibigan. Sa una ay seryoso sila, pagkatapos ay bigla silang nagtawanan na para bang may sinabi akong nakakatawa.

"Seryoso ka ba sa tanong mo?" Tanong ni Erol na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin. Medyo nakaka insulto na ang pagtawa nila tapos dinagdagan pa ni Erol ng nakakainsultong tanong.

"Nevermind." I told them saka nagfocus na lang sa ginagawa ko. Bakit pa ba ako nagtanong sa kanila? Wala naman akong makukuhang matinong sagot sa kanila.

"Tapos na nga ang thesis ang dami pa rin namang pinapagawa. Kailan ba matatapos pagdudusa natin?" Humilata na sa sahig si Kevin at pumikit. "Gusto ko na matulog. Pero balik tayo sa tanong mo." Umupo muli ito at tumingin sa'kin. "Mabango ka naman. Lalo na kung bagong ligo ka, amoy na amoy talaga 'yung ginamit mong shampoo pati na rin kung ano man 'yung sabon mo. Pero yung hot? Seryoso?" Tumawa na naman siya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinurot ng hard 'yung pisngi niya.

"Ikaw, ah!"

"May nagsabi ba sa'yo niyan? May nanliligaw na ba sa'yo at hindi mo sinasabi sa amin?" Hindi nakatinging tanong ni Jonathan sa'kin. Para siyang naiinis.

"Hindi. Hindi siya manliligaw."

"May boyfriend ka na?" Huminga ako nang malalim para humugot pa ng maraming pasensya. "Yung lalaking kasama ba 'nung best friend mo?" Pahabol pa ni Erol.

"God, no! Si Gelene ang girlfriend niya. Wala akong boyfriend for Pete's sake!"

"Ah..." Sabay-sabay nilang sabi. "Sabagay mukhang hindi ka naman type nung lalaki. Mukhang yung katulad ni Gelene nga 'yung mga tipo niya." Muling nagbasa na si Kevin.

We dropped the topic at nagfocus na lang talaga pag-aaral. Hindi ko alam sa tatlong ito kung bakit trip na trip nila mag-aral sa apartment ko. Wala naman akong pagkain na mai-offer at lalong di ko naman sila matulungan sa pag-aaral.

Tahimik na kaming apat at seryosong-seryoso sa pag-aaral nang may kumatok sa pinto ko. I know it's Gabe. 'Yung tunog pa lang kasi ng pagkatok nito ay familiar na.

"May ine-expect ka bang bisita?" Tanong sa'kin ni Kevin, napansin ko rin na nakatingin silang tatlo sa pinto ko.

"Sort of." Sagot ko na lang saka tumayo at lumabas sa unit ko.

"Hey, nagdala ako ng pagkain."

"Thanks, pero kasi nasa loob 'yung mga kaibigan ko. Nag-aaral kami, okay lang ba kung---"

"I know. Bumili lang ako in case hindi pa kayo kumain. Aalis din naman ako ngayong gabi." Napansin ko na naka-ayos nga siya. Hindi naman sobrang ayos, sakto lang naman.

"Thanks." I offered him my smile. "Bayaran na lang kita para hindi nakakahiya."

"Hindi, huwag na. Kumain ka ng marami." Ngumiti ito na dahilan kaya napansin ko ang dimples niya. Lately, ang dami kong napapansin sa kanya. Dimples niya, mata niya, pati ang suot niya napapansin ko na. Samantalang noon wala naman akong pakialam. Ang weird.

"Thanks ulit dito." Itinaas ko ang paperbag na may lamang chicken. Halatang chicken naman dahil sa amoy pa lang.

"Sige mag-aral na kayo."

"Saan ka pupunta?" Parang nagulat siya sa tanong ko. "Uhm, hindi ko dapat tinanong. Sige, ingat ka."

"Sa katrabaho ko. Iinom kami. Walang babae, huwag kang magselos." Nakakaasar ang pagngiti nito ngayon sa akin.

"Baliw. Asa ka naman. Sige mag-ingat ka." Hindi ko na siya hinintay na umalis at pumasok na lang ako sa unit ko.

"Sino 'yun?"

"Wala, nagpadeliver lang ako ng pagkain."

"Wow naman, Di ka nagbayad?"

"Credit card. Online, okay na? Kain muna tayo."

"Bakit feeling ko may tinatago ka sa'min?" Inakbayan ako ni Kevin at tumungo kaming dalawa sa counter para kumuha ng lalagyan. "May kanin na ba 'yan?" Sigurado akong meron kasi lagi naman may kanin na dinadala si Gabe tuwing kumakain kaming dalawa dito.

"Meron na."

"Hoy, hindi mo sinagot yung tinanong ko. May tinatago ka na ba sa'min? Saming tatlo, ako lang yung nakikinig sa usapan niyo nung tao sa labas kanina. Baka may dirty little secret ka na."

"Maka-dirty naman 'to. Wala nga kasi."

"Bakit ka nakangiti?"

"Hindi ako nakangiti."

"Nakangiti ka! Hindi mo lang namalayan. But seriously, if you need anyone to talk to, I'll always be here to listen, because even though it doesn't seem like it, I actually care. Kapag sinaktan ka talaga niya, magsabi ka lang sa'kin." Nagkamot ako ng ulo ko at saka tinanggal ang pagkaakakbay sa akin ni Kevin. Sinimangutan ko rin siya kasi ipinagpipilitan niya talagang may someone ako kahit wala naman talaga.

"Kevin thanks pero seryoso, wala talaga. 'Yung kapitbahay ko 'yung nagbigay nito, si Gabe, 'yung engineer. Lagi kasi talaga kaming kumakain ng sabay pero ngayon umalis kasi siya and nandito kayo kaya hindi kami sabay kumain ngayon."

"yung tinawag ka sa pangalan ng ibang babae? Yung manyak?"

"Hindi siya manyak. Mabait naman siya saka kumakain lang kami ng sabay."

"Gabi-gabi? Ng walang malisya? Imposible!"

"Bakit? Anong nangyayari?" Tanong ni Jonathan sa amin.

"Hetong si Miru, gabi-gabing kasama 'yung engineer. Imposibleng walang malisya 'yun."

"Tae, siya ba 'yung tumawag sa'yo ng hot at mabango? Huwag mong sabihin sinuko mo 'yang ano mo." Lumapit na rin si Jonathan sa amin at ganun din si Erol.

"Mga gago. Hindi nga. Siraulo 'tong mga 'to. Kumakain lang kami ng sabay. Yun lang."

"Yun lang? Kung nilagyan niya ng pampatulog 'yang pagkain niyo? Miru, mag-ingat ka. Paano kung psycho 'yun?" Pangangaral pa ni Jonathan sa akin. Hindi ko naman sila masisisi kasi hindi naman kasi talaga kami close ni Gabe. Pero masyado naman nilang pinapalaki 'yung issue. Saka if ever masama si Gabe edi sana dati pa niya ginawa ang binabalak niya.

"Yung binabaan mong sasakyan nung nakita ka namin, kanya ba 'yun? Nakita ko kasing naka-park sa labas." Kahit kailan ang talas talaga ng memorya nitong si Erol.

"Oo. Kanya nga pero---"

"Sumasabay ka na rin sa sasakyan niya?" Medyo OA na 'tong si Kevin. Hindi naman creepy si Gabe, ah.

"Kasi pareho lang naman kami ng uuwian. Aish! Ewan ko sa inyo."

"Ang amin lang kasi Miru, baka mamaya naaakit mo 'yung tao. Lalaki pa rin 'yun. Syempre hindi niya alam na magaspang ang ugali mo at magaslaw ka gumalaw. Mapapaasa mo pa siya."

"Edi sa kanya pala kayo concerned at hindi sa akin. Kainis kayo, ah!" Tumawa lang silang tatlo at pagkatapos ay kumain na lang kami. Tingin ko ay tapos na rin naman kaming mag-aral at tumatambay na lang talaga sila dito.

Bago sila umalis ay nagbilin pa sa akin si Kevin.

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina, kapag sinaktan ka niya... magsabi ka lang sa'kin."

"Oo na." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang ideya nila na 'yun pero thankful pa rin ako sa kanila. Hinatid ko sila hanggang sa labas ng building. Alas onse na at sakto ang pagdating ni Gabe. Nagbatian lang naman sila tapos tinignan muna ako ni Kevin bago umalis. Siguro para paalalahanan.

"Miru, Miru." Nakangiting bungad ni Gabe na halatang nakainom na nga. "Masarap ba 'yung pagkain?"

"Yeah. Thanks nga pala."

"No problem. Natutuwa akong kumakain ka." Sabi nito saka ako nilagpasan at nauna nang umakyat. Isa rin 'to. Hindi ko siya ma-gets.

*****

A/N: Natatawa ako sa comment kagabi na nag-iisip ng tandem name para kina Miru at Gabe. haha Garu, Rube, Miga, Gami raw at dahil doon sa kanya ko i-aalay ang kabanatang ito! Pero ayaw ma-dedic, bakit ganun? hahaha

Any hula kung may third party? :3

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon