CHAPTER 5

122K 3.1K 385
                                    


Tahimik. Ang tahimik nga. Hindi ko akalain na seseryosohin ni Engineer na tatahimik na siya gabi-gabi at hindi na nga rin siya nagdadala ng babae. Well, pwede naman siyang magdala ng babae basta sana ay yung tahimik naman.

Papikit na ako pero may humabol pang katok sa pintuan ko kaya napilitan akong tumayo at pinagbuksan ito ng pinto.

"Ano?" Bungad ko pero nagulat ako dahil si Engineer ang kumatok.

"Kain tayo." Itinaas niya ang plastic na tingin ko ay may lamang pagkain. May logo pa naman ito ng pinakasikat na restaurant dito sa lugar na 'to.

"Kumain ka na lang mag-isa mo." Pinigilan niya ang pinto nang tangkain kong isara ito.

"Sige na samahan mo lang ako. Nalulungkot ako, e."

"Hindi naman tayo magkakilala kaya..."

"Ako si Gabe at ikaw si?" Nagkamot ako ng ulo ko at saka siya inirapan. Mukhang hindi siya titigil hangga't hindi ako napapapayag. "Sige kahit hindi mo na sabihin ang pangalan mo. Samahan mo lang akong kumain. Kung gusto mo kahit dito na sa labas ng unit mo."

"Oo na sige na." Binuksan kong maigi ang pintuan ko at pinapasok siya. "Pero hanggang dyan ka lang." Turo ko sa sofa.

"Wow. Ang ayos ng unit mo, a. Ikaw lang ang nag-ayos?"

"Mommy ko." Sagot ko.

"Ayos, ah."

Kinuha ko ang plastic na hinahawakan niya at isinalin na sa mga lagayan. Bihira ako kumain dito sa loob kaya halos hindi ko masyado nagagamit ang mga plato. Hinugasan ko pa tuloy ito para hindi naman nakakahiya sa kanya.

"Kapag tapos ka na kumain, bumalik ka na sa sarili mong unit dahil matutulog pa ako."

"Hindi mo ba ako sasamahan kumain? Kumain ka nga, bumili talaga ako ng pagkain kasi napansin kong ang payat mo."

"Wala kang pakialam kung payat ako. Kakain ako kung gusto ko."

"Ang sarap pa naman nito." Kinuha niya ang pagkain at ipinakita pa ito sa harapan ko. Hindi ko siya gets. Hindi naman kami close. "Amuyin mo."

"Engineer..."

"Gabe. Pwede mo naman akong tawaging Gabe."

"Kuya Gabe."

"Ay naman! Nakakatanda. Gabe nga lang kasi."

"Bakit ba ang arte mo?"

"Bakit ba ayaw mong kumain ng matino? Ilang araw ko ng napapansin na panay cup noodles ang kinakain mo tuwing nakikita kita doon sa baba. Simula noong sinasabi mong nag-aaral ka at pagod, nabother ako sa kapayatan mo."

"Hindi naman ako payat. Kakain na ako, tumigil ka lang."

"Yon! Kumain ka ng marami." Nakangiti pa itong ibinigay sa akin ang pagkain. "Magmula ngayon dadalhan na kita lagi ng pagkain. Hangga't hindi ka tumataba, hindi ako titigil sa pagbibigay ng rasyon sa 'yo."

"Funny."

Tahimik kaming kumain hanggang sa maubos ang lahat ng pinamili niyang pagkain. Masarap naman katulad ng sabi niya at sa totoo lang ay ngayon na lang ako nakarami ng kain. Tuwing tumatawag si mommy lagi na lang akong nagsisinungaling sa kanya na marami akong kinain kahit wala naman talaga. Namayat kasi talaga ako simula noong nag ojt. Hindi na kasi kami nakakakain sa labas nina Kevin, Jonathan at Erol.

Buti pa nga sila dahil kaya nila kumain mag-isa. Kung ako, hindi na talaga. Mas pipiliin kong kumain na lang ng madaling maubos na pagkain kaysa kumain pa sa labas na mag-isa. Nakakatamad naman maghugas ng plato kaya hindi na ako nagpapadeliver.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon