Nanonood ng TV si Ravince nang madatnan ko siya sa condo. Ang gulo-gulo ng ginawa niya ngayon sa condo namin. Goodness! Hindi ba talaga siya maglilinis?
"Hihintayin mo ba ako lagi para maglinis dito?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya akong nakatayo sa may pinto. "Ano? Sarap buhay tayo lagi kasi easy-easy sa'yo ang lahat? Edi sana naglilinis tayo, ano po?"
"Hindi ko naman alam na pupunta ka ngayon dito. Kung nagsabi ka edi naglinis ako."
"Ravince, wala tayo sa bahay. Walang maglilinis para sa'yo at kapag nalaman nina mommy at daddy na tatamad-tamad ka baka pabalikin ka nila doon. Gusto mo ba 'yon? Hindi por que easy sila sa atin ay inaabuso mo na."
"Tatapusin ko na lang 'tong pinapanood ko." I sighed exasperatedly. Inilapag ko ang bag ko sa sofa at nag-umpisang linisin ang mga kalat niya. "Ako na. Alam ko namang pagod ka, e." Sabi niya nang mahalatang naiinis na ako.
"Ravince, kapag nalaman talaga nina mommy 'to ikaw din naman ang malalagot."
"Alam ko naman."
"Bakit ba bigla kang naging pasaway? Mabait ka naman noong high school."
"Ate, siguro kasi masyado akong mabait noong high school kaya ganito ako ngayon. At dahil nagawa mo na lahat ng kalokohan noong high school, ikaw naman ang mabait ngayon."
"Huwag ka lang papahuli talaga saking naninigarilyo ka, tatamaan ka talaga sa'kin."
"Ikaw ang huwag magpapahuli sakin ate. Akala mo hindi ko alam mga kalokohan mo. Layuan mo nga 'yung mga kaibigan mo."
"Sila na ang pinakamatinong kaibigang mahahanap mo sa klase ko."
"Pumunta sina Gelene dito. Nag-away daw kayo." Pag-iiba nito sa topic. Umupo ako sa tabi niya. "Alam ko naman na gusto mo 'yung boyfriend niya pero hindi ba parang grabe ka naman?"
"Ravince, alam kong gusto mo si Gelene kaya huwag ka ngang magsalita na akala mo kung sino ka."
"Kadiri ka! Hindi ko gusto 'yang kaibigan mo. Saka kapatid mo ako kaya hindi ako basta sinu-sino lang. Saka akala mo ba hindi ko alam na may lalaking nakaaligid sa'yo ngayon? Nakita kong nanood kayo ng basketball. Nandoon din ako pero nung lalapitan ko na kayo, nawala na kayo."
"He's a friend."
"Naka holding hands?"
"Para hindi kami magkawalaan."
"kahit may cellphone?"
"Hindi ko pa nakukuha ang number niya."
"Kaibigan mo tapos wala kang number niya? Kaya nagholding hands?"
"Ravince."
"Ate Miru, alam ko naman kung kailan pumoporma 'yung lalaki."
"But he's really a friend. Saka kapitbahay ko siya"
Bigla itong tumayo at inayos ang mga kalat niya. "Matutulog ako ngayon sa apartment mo."
"What?"
"Tara na. Gusto kong makita 'yung lalaki." Tuwing nakatayo ito ay nakikita talaga ang height difference naming dalawa. Matangkad siya at medyo nagkakalaman na ang katawan nito unlike noong high school pa ito. "Dapat makilala ko kung sino ang mga umaaligid sa'yo."
"Fine, puntahan mo. Para naman hindi kawawa 'yung tao. Wala ka naman pasok ng Tuesday at Wednesday kaya sakto lang pala. Alagaan mo siya."
"Bakit ko naman siya aalagaan? Boyfriend mo na ba?"
"Hindi. At hindi rin mangyayari 'yun. Saka bago ka pumunta sa apartment linisin mo na muna ang lahat ng kalat mo."
"Pero pahingi muna ng pera. Nagastos ko na kasi yung allowance ko, kapag humingi naman ako kina mommy baka di ako bigyan."
BINABASA MO ANG
Hello, Neighbor
RomanceNathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015