CHAPTER 35

81.8K 2.9K 664
                                    


CHAPTER 35

Tumawag sa akin si Oliver at ang sabi niya ay kung pwede sana sa Wednesday kami lumabas. Pumayag ako kasi libre naman ako. Ang sabi ko naman ay babalik naman na ako bukas sa apartment.

"baby," Napatingin ako kay mommy. Nakangiti siyang pumasok sa kwarto ko. "Your friend is here."

"Si Gelene?" Agad akong tumayo dahil sobrang aga naman yata niyang pumunta dito. Ang alam ko dapat mamayang hapon pa kami magkikita para maglibang.

"Si Engineer Rodriguez, may pag-uusapan daw kayo? May problema ba? Is that the reason why you're here?" concerned na tanong sa akin ni mommy. Umupo akong muli sa kama ko at ganoon din si mommy.

"Wala naman po kaming problema." I assured here. "Dapat nasa site yun ngayon kasi may trabaho siya." Nilaro ko ang aking mga daliri.

"Yun nga baby, may trabaho siya pero nandito siya ngayon para lang kausapin ka. Alam kong seryoso yun dahil hindi na kayang pag-usapan sa tawag."

"Ma, pasabi na lang na tulog pa ako." Hindi ko nakatinging sabi.

"Miru, he's waiting."

"Mom, ayoko makipag-usap." Hinaplos ni mommy ang buhok ko at nginitian niya ako.

"Paano niyo mareresolbahan ang problema niyo kung siya lang yung nag-eeffort na makipag-ayos?" Tumayo si mommy at lumabas na siya ng kwarto ko.

Napapikit ako at humiga sa kama. May point naman si mommy. I'm contemplating pa whether i'm going to talk to him now or mamaya na ako bababa nang bigla akong mapaupo sa gulat dahil sa biglang tumikhim.

"G-Gabe?" Nanlalaki ang mga mata ko nang isara niya ang pinto ng kwarto ko.

"Don't lock the door!" Sigaw ni mommy sa labas kaya nasapo ko na lang ang noo ko. "Papasok ako anytime!" Sabi pa ni mommy.

"Bakit mo pinapasok? Paano kung may gawin?" Tanong ni daddy kay mommy pero pahina na nang pahina ang mga boses nila kaya alam kong wala na sila sa tapat ng kwarto ko.

"Pinapasok ako ng mommy mo." Sabi nito saka kinuha ang upuan ko at iniharap sa akin. At kahit nakaupo na siya ngayon doon ay kitang-kita pa rin ang height difference naming dalawa. "I didn't press this topic you last time" He paused. "kung bakit ka naiinis sa akin. Pero tingin ko kailangan na nating mag-usap ngayon."

Umiwas ako ng tingin pero agad niyang hinawakan ang baba ko at iniharap ako sa kanya.

"Listen, Angel. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Sinong kahati?" Nakakunot niyang tanong sa akin. "And about the messages, wala talaga akong nabasa. Kristine, yung kapatid ng isa sa katrabaho namin..." naiinis siyang nagkamot ng ulo niya. "She was messing with everyone that day. Nagpunta kasi siya sa site para hingian ng pera yung kapatid niya pero hindi siya binigyan kaya pati kami ni Kyron nadamay sa kanila."

Sumimangot ako dahil yun na ba yun? Nagalit ako dahil lang may pakialamerang babae doon?

"She said dinner is impossible." Halos pabulong ko sabi saka tumingin sa sahig. "Alam ko ang immature ko dahil sayo ako naiinis at dahil hindi ko tinanong sa'yo pero kasi---"

"Girlfriend kita kaya nga sa'yo ko lang binibuhos ang oras ko, e." Ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi niya. "Kaya bakit ka nagda-doubt?" Itinaas ko ang kanang kamay ko hanggang sa mukha niya para patahimikin siya.

"W-wait" Umurong siya nang kaunti at kumunot na naman ang noo niya. "G-girlfriend? Ako?" Turo ko sa sarili ko.

"Huwag mong sabihing ako lang ang nag-iisip na may relasyon tayo?" Inis na tumayo si Gabe mula sa kinauupuan niya at tinalikuran ako. "Tangina naman, all this time akala ko girlfriend kita tapos ako lang pala ang nag-iisip? Miru, hindi naman kita hahalikan ng paulit-ulit kung walang namamagitan satin tapos..." galit na isinuklay nito ang kamay niya sa buhok niya.

Hello, NeighborWhere stories live. Discover now