CHAPTER 14

102K 2.9K 571
                                    


Sa labas ng building ay kaagad kong nakita si Gabe. Agad ko siyang pinuntahan dahil hindi pa dapat siya nag-aakyat baba lalo pa't sa third floor pa kami. Kausap niya ang isa sa mga tenant nang makalapit ako sa kanila.

"Gabe." Tawag ko sa kanya. Agad namang napalingon ang isang tenant na madalas kong makita pero hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Sige pare, una na ako. Pagaling ka tapos maglaro tayo sa susunod."

"Sige." Tinanguan at nginitian ni Gabe ang lalaki bago ibinaling sa akin ang atensyon niya. "Aga mo, ah. Kumain ka na?"

"Oo. Bakit ka nandito sa baba? Hindi ka ba binilhan ng kumag kong kapatid ng ulam?"

"Yosi." At least kahit papaano, paminsan-minsan lang ako. Tuwing stressed lang talaga naninigarilyo. Unti-unti na nga akong nakikipagbreak sa sigarilyo dahil gusto ko nang tumigil. "Nasaan na 'yung kaibigan mo? Hindi kayo mag-aaral ngayon?" Huminga ako nang malalim at saka tinalikuran na si Gabe. Ayaw ko na sanang isipin ang sinabi ni Jonathan kanina. Hindi ko naman alam na nakita pala ni Gabe.

"Nag-away kayo? Aray... tangina naman talaga, oh."

"Napano ka? Alam mo bang masamang magmura?"

"Narinig din kitang magmura. Patas lang tayo. Ang bilis mo kasing maglakad, e. Naibunggo ko tuloy yung braso ko sa pader."

"Oooh. Anyway, hindi kami mag-aaral. Baka nga hindi ko na ulit siya makausap ng matino."

"Bakit? Gusto mo siya?"

"Natural, kaya nga naging kaibigan ko."

"Kinakaibigan mo kapag gusto mo?"

"I like him as a friend, Gabe." Paakyat na kami sa third floor. Mabagal lang siyang maglakad siguro dahil masakit pa ang paa niya. Namamaga ito kagabi pero mas tinuunan ko ng pansin ang fractured ribs niya. Baka yun din ang dahilan kung bakit mabagal siya maglakad.

"Pero gusto ka niya?"

"Gabe."

"Warning sign?" Tanong niya pero nananatili pa rin ang ngiti sa mukha niya. "Natutuwa ako tuwing naiinis ka."

"Kapag sinabi ko sa'yong pinapahirapan ako ng ex mo, matutuwa ka?"

"Bakit? Pinagseselosan ka niya? Hayaan mo siya. Siya naman ang nakipaghiwalay sa'kin."

"Pero buti natiis mo ugali niya?"

"Miru, kung mahal mo talaga pati ugali niya mamahalin mo. Kahit ano pa siya mamahalin at tatanggapin mo."

"Bakit ka pumayag makipaghiwalay?" Nasa third floor na kami pero ayaw ko pa rin bumalik sa unit ko. Saka isa pa binubuksan naman na ni Gabe ang unit niya kaya iimbitahan ko na lang ang sarili ko sa unit niya.

"Ayoko naman talaga dapat kaso mukhang ayaw na niya talaga. Hindi mo naman maayos ang relasyon ng mag-isa lang. May ice cream ako, gusto mo?"

"Umupo ka na nga lang dyan. Ako na lang ang kukuha ng ice cream." Inilapag ko ang bag ko sa lamesa niya at dumiretso na sa ref niya. Napasipol ako dahil sa laman ng ref nito. "Ang dami nating stock ng pagkain ngayon, ah."

"Dumaan mama ko dito kanina. Binigyan ako ng supply." Mama's boy siguro siya.

"Anyway, bakit kung umasta si Carol parang gusto ka pa niya? Babalikan mo pa ba kung makikipagbalikan siya?" Inilabas ko ang ice cream at kumuha ako ng dalawang baso. Umupo rin ako sa sofa, sa tabi niya. "Pwede ko buksan ang TV?"

"Sige lang." Ako na rin ang naglagay ng ice cream sa baso niya dahil paniguradong hindi naman niya iyon kayang i-scoop. Baka sumakit lang yung mga buto niya.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon