May mga hindi pa raw nakakabasa ng chapter 30? Ayun, kung hindi niyo mabasa yung chapters i-remove niyo lang ulit sa library niyo yung story saka niyo i-add ulit. Minsan kasi nagtotopak talaga ang wattypaddy lels. Inaasar nga yata ako, e. Tuwing nag a-update ako laging nagtotopak. Aba'y huwag ganern ples.
enewey, magbasa na.
CHAPTER 32
"Heto," isinuklay ko ang kamay ko sa buhok ko at kinapa ang tahi ko doon. "nakuha 'yan dahil sa aksidente ko noon." Hinawakan iyon ni Gabe at pagkatapos ay bigla niya akong niyakap.
"Bakit ba kasi ngayon lang kita nakilala?" Sabi nito.
"Kasi may Carol ka noong panahong iyon. Kung nakita mo naman ako noon baka wala lang sa'yo." Umayos ako nang upo at tinignan siya. Agad naman niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Mahal na mahal mo si Carol, e." Mapakla kong sabi.
"Yung nandito," Pag-iiba nito. May peklat pa akong maliit sa malapit sa tenga pero hindi na iyon gaanong halata.
"Sa aksidente rin yan. Nabubog." Huminga siya nang malalim. Maliban sa ilang sugat ko ay hindi naman na iyon mga halata. Wala naman nagbago sa akin. Nalagyan lang ng ilang sugat ang balat ko. Ang iba doon ay nag-heal naman, ang ilan kagaya ng nasa likuran ko ay nandoon pa rin.
"maganda ka pa rin naman. Nga pala, bakasyon niyo na niyan?" Tumango ako.
"Pero magtatanong pa ako about sa grades ko. Hindi ko na kasi mahihintay na lumabas sa website ng university. Alam mo na, sobrang kupad kapag nagdagsaan na ang mga estudyante sa pagtingin ng grades."
Tumingin ako sa kanya at napansin kong nakatingin pa rin siya sa scar ko. Maliit 'yun at hindi gaanong pansin pero habang tinititigan niya, pakiramdam ko malaki iyon at kailangang itago. "Stop staring."
"Para tinititigan lang, e." Sabi nito saka ako iniharap sa kanya. "Bakit ang ganda mo?"
"Genes." Natatawa kong sagot saka ko siya hinampas. "Tumigil ka nga sa kabobola mo. Hindi effective."
"Really?" He gave me his boyish smile. Nag-scoot pa siya para mas lumapit siya sa akin saka biglang pinaglaruan ang mga hibla ng buhok ko.
"Gusto kong makitang mahaba ang buhok mo."
"Alam mo bang umiyak si mommy noong pinagupitan ko ang buhok ko?" Umiling siya. Natural, hindi niya talaga alam. "Boyish kasi talaga ako kahit noong mahaba ang buhok ko. Ang sabi nga niya, yung buhok ko na lang daw ang nakakapagpababae sa akin saka yung skirt ng uniform namin. Kaya iyak siya nang iyak noong nagpaiksi ako, medyo mahaba na nga ito kumpara noon." I told him.
"May picture ka ba noong mahaba ang buhok mo?" Iniayos niya ang buhok ko. "Gusto kong makita." Sabi nito saka biglang ipiniling ang ulo niya sa balikat ko. "Bakit ang bango mo palagi?"
"Gabe," Nagulat ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko. "Gabe!" I yelped! "Baka mamaya biglang dumating si Gelene!"
"Wala naman tayong ginagawang masama." Sabi nito na dahilan kung bakit ako nakikiliti ngayon. Huwag na siyang magsalita! Ganyan na lang! Pakiramdam ko ay biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan! "Sama ka sa akin ng next week." Napalunok ako dahil nakakaramdam na naman ako ng pagkabog ng dibdib ko.
"b-bakit?"
"Birthday ko. Ipapakilala kita sa daddy ko."
"H-hey. Uhmm kasi." Medyo lumayo siya sa akin pero nanatili ang mga kamay niya sa bewang ko.
"Please?"
"Uhh kasi... magpapaalam pa ako."
"Sinabi ko na kay Ravince." Sabi nito. "Ipagpapaalam kita sa daddy at mommy mo kung gusto mo." Marahas akong umiling dahil sa sinabi niya. Agad naman na kumunot ang noo niya dahil sa ginawa kong iyon. "Uuwi ang kambal ko. Diba kilala mo siya?" tumango ako dahil sa sinabi niya. Si ate Yevette, ang kambal niyang ubod ng ganda. "Ang sabi ni Ravince, yung sasakyan na niya yung gamitin natin para siguradong ibabalik kita." Nakangiti pa rin nitong sabi. "And besides, summer na. Magrelax ka naman. Pwede ka naman magdala ng book doon, e."
BINABASA MO ANG
Hello, Neighbor
RomanceNathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015