CHAPTER 1

220K 4.5K 289
                                    


Kalalabas ko lang sa unit ko nang makita ko ang kapitbahay ko na dala ang kanyang maleta. She's ate Yvette at mas nauna siya sa akin dito na tumira. Mabait siya at nakakausap ko siya minsan tuwing nagkakaabutan kami kagaya na lang ngayon.

"Magbabakasyon ka?" Tanong ko sa kanya

"Ah, hindi." Nginitian pa ako nito at saka dinampot ang nahulog niyang envelope. "Dapat kakatukin na nga kita para sabihin na aalis na ako. Hindi kasi tayo nagkakaabutan lately kaya hindi ko kaagad nasabi sa 'yo ang pag-alis ko."

"Aalis ka na? Saan ka pupunta?"

"Natanggap na kasi ako sa company sa New York. 'Yung kinuwento ko sa'yo dati. Simula bukas ang kambal ko na ang titira dito. Don't worry, hindi naman 'yun madalas makakauwi rito. Lagi lang siyang nasa site or malapit sa site nila. Busy kasi 'yun sa trabaho. Aalis na ako, ah. Baka kasi ma-late ako sa flight ko."

"Let's talk na lang via social media ate. Upload ka ng maraming pictures, ah. Mamimiss kita." Nakangiti kong sabi.

"See you when I see you, okay?" Hinalikan niya ako sa pisngi bilang pagpapaalam na rin pagkatapos ay umalis na nga siya nang tuluyan.

I really admire her. Sobrang ganda niya at talaga namang nakakainggit ang kulay abo niyang mga mata. Idagdag pa ang itim na itim at mahaba niyang buhok. Mabait din siya kaya sobrang swerte rin ng boyfriend niya sa kanya.

After ng encounter ko kay ate Yvette ay pumasok na ako para puntahan ang instructor namin sa thesis. Kailangan ko pa ulit ipakita ito sa kanya para ipa-approve ang gawa ko. Ilang beses na rin kasing nareject ang ibang ipinasa kong new input para sa paper ko. Sana naman ngayong wala talaga akong tulog ay maawa na siya nang tuluyan sa akin.

"Ms. Miru Mariano akala ko hindi ka na papasok."

"Sir naman por que na late lang ako, hindi na kaagad papasok? Galing po ako ng OJT kanina. Dumaan lang ako sa condo para po kunin itong thesis paper ko kasi nalimutan kong dalhin." Paliwanag ko sa kanya kasi 'yun naman ang totoo.

Mabait si Sir Garcia. Para na nga namin siyang barkada kung ituring pero kung sa mga school stuffs ay talagang masasabi namin na walang kai-kaibigan sa kanya. Masyado siyang mahigpit sa mga estudyante niya.

"E sir, sina Kevin po nagpasa na ng papers?"

"Pagsabihan mo nga 'yung kaibigan mong 'yun. Hindi na nakapagpasa ngayong araw." Tinignan ni sir ang laman ng bagong lagay ko sa thesis ko. "Palitan mo pa ito. Wala kasing support ang inilagay mong 'to." Tinuturo niya ang paragraph na tinutukoy niya habang sinasabi ito sa akin. "Saka pwedeng tanggalin na 'to." Sabi pa niya.

"YES! Nakahabol pa ako!" Hingal na hingal si Kevin nang lumapit siya sa amin ni Sir Garcia. "Sir, pinagbutihan ko 'tong thesis paper ko. Walang-wala 'yang kay Miru. Panis!"

"Talaga? Konting revision na lang yang kay Miru."

"Sir naman, nagbibiro lang syempre." Kinuha ko ang thesis paper ko nang iabot ito sa akin ni Sir Garcia. "Pero Sir, 'diba mas maganda naman 'tong thesis ko?"

"Akin na nga 'yan nang makita ko na."

"Sir, okay na po 'to? Para makauwi na ako." Paalam ko pa.

"Mali ang ginawa mo."

"Sir naman! Akala ko ba konti na lang?"

"Mas konti ang sa'yo kumpara kay Kevin. Umuwi ka na at tapusin mo 'yan. I-send mo sa email ko ang mga nabago mo nang makita ko kaagad."

"Okay po. Thanks Sir."

"Mauna na ako Kevin."

"Sige. Ganyan ka naman, e."

Madilim na dito sa labas nang lumabas ako sa building ng college namin. Marami na rin ang mga nag-uuwian at couples na naglalakad. Ganito naman sa Cress University kapag gabi na. Naglilitawan ang couples.

"Hoy Miru!" Inakbayan ako ni Celestine, ang maingay kong kaklase. "Sama ka ba sa amin mamaya? Party tayo."

"Pass muna. Hindi pa ako tapos sa thesis ko. Saka isa pa after ng inuman didiretso na naman kayo sa apartment ko. Ako na naman maglilinis lahat ng kalat niyo. Kadiri kaya nung mga suka." Reklamo ko kaya naman tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Ang arte! Basta next time dapat kasama ka na, ah."

"Sige. Pero tatapusin ko talaga ang thesis at matapos ko lang ag OJT ko, promise sasama na ulit ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. Sa totoo lang ay ayaw ko naman kasi talaga silang kasama.

"Sinabi mo 'yan, ah!"

"Oo na nga. Teka." Hinawakan ko siya sa braso nang paalis na siya. "Hindi mo ba ako itatawid?"

"Nagpapatawa ka ba Miru? Magkaiba tayo ng way!" Inayos pa nito ang maliit niyang bag at nagpamaywang.

"Sige na nga. Umuwi ka na. Wala ka talagag kwenta." Gusto ko lang naman siya kasama tuwing itinatawid niya ako.

Huminga muna ako nang malalim bago ako tuluyang naglakad pabalik sa apartment ko. Malapit lang ito sa Cress U pero sobrang hassle talaga sa akin tuwig tatawid ako sa kalsada. Creepy man tignan pero naghihintay talaga ako nang makakasamang tumawid dahil sa totoo lang ito talaga ang kinakatakutan kong ginagawa sa araw-araw, ang tumawid at makipagsapalaran sa mga sasakyan. Ang pinaka nakakatakot talagang tawiran ay ang intersections.

Katulad ko ay may naghihintay na nga para tumawid. Nang huminto na nga ang mga sasakyan ay nag-umpisa na kaming tumawid pero bigla akong napahawak sa braso ng katabi ko nang biglang may malaking truck na dumaan. Swear to God! Ilang beses talaga akong nagdadasal sa araw-araw para lang huwag maka encounter ng ganung mga sasakyan!

"Uhh, miss? Pwede mo na akong bitiwan. Unless gusto mong ihatid kita hanggang sa inyo?" Freaking hell! Sa dinami-rami ng pwede kong mahawakan talagang lalaki pa! Agad kong binitiwan ang braso nito bago ko siya tuluyang tinignan.

Nakangiti pa ito ngayon sa akin kaya nauna na akong naglakad. Mukhang hindi naman siya estudyante sa Cress U dahil hindi naman siya naka-uniform. Baka mandurukot pa iyon! Wala na nga akong pera tapos dudukutan pa ako! No way!

"Hello? Oh? Pauwi pa lang ako." Narinig kong sabi ng lalaki. Bakit ba niya ako sinusundan? Baka nga talagang isa siyang mandurukot! Nakakainis! Kung kailan naman kailangan ko ang mga kaibigan ko saka naman sila wala.

"Nakita ko yung draft kanina, ngayon na ba?" Nasa tapat na ako ng building nang titigan ko ang lalaki. Hindi naman siya nakatingin sa akin at diretso lang itong naglalakad. "Ngayon na? Teka lang sige pabalik na ako." Agad itong naglakad pabalik sa nilakaran namin kanina. Mukhang busy yata siya.

Weird.

"Hoy Miru! Kanina pa kita hinihintay. Pashower naman ako." Ani ni Jonathan, isa rin sa mga kaibigan namin ni Kevin. Sana lang nagsama naman siya ng kasama para hindi awkward na kaming dalawa lang.

"Dapat talaga nagbibigay kayo ng share sa bayad ng tubig at kuryente." Iiling-iling ko na lang na sabi sa kanya bago kami tuluyang umakyat ng hagdanan para makapasok na sa unit ko.


****

A/N: Not sure kung tuwing kelan ang update, ah. :)

anyway sa group na ito ako active: www.facebook.com/groups/ehanopala/

Kung may tanong kayo pwede niyo rin naman akong i-tweet: aril_daine

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon