CHAPTER 36

87.4K 2.7K 375
                                    


CHAPTER 36

"Ano ba Miru! Kanina ka pa gumugulong at ngumingiti mag-isa dyan!" Sita sa akin ni Gelene. Kanina pa niya ako pinuntahan dito sa bahay para sana mamasyal pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami umaalis.

Tinignan ko ang cellphone ko. Kanina ay nagtext sa akin si Gabe na nasa site na raw siya ulit. Ang sabi niya ay nakabusangot daw ang client nila nang dumating ito sa site.

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa cellphone mo." Humiga na rin si Gelene tapos bigla niya akong niyakap at nakitingin sa cellphone ko. Agad ko namang inilayo ito sa kanya. "sus! si Gabe 'yan, no?" Tumango ako bilang tugon kaya kumalas na rin siya at muling umupo. "Alam mo, ang cute niyong dalawa. Natanong mo na ba ang label niyong dalawa?" Muli akong tumango saka lihim na napangiti. "Kayo na, ano? Yieeee!" Kiniliti ako ni Gelene sa tagiliran ko kaya agad ko siyang nilayuan. "Yieee may boyfriend na si Miru!"

"Gelene! Ssshhh! Baka marinig ka nina Daddy."

"Sus! Ayos nga lang kay tita na magboyfriend ka, e."

Pareho naming naramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Si Gelene naman ay ngumiti nang nakakaloko.

"Sa labas na ako. Magbihis ka na para makapasyal na tayo."

Pagkasarang-pagkasara ni Gelene ng pinto ay binasa ko na agad ang text sa akin. Hindi ako nagkamali ng iniisip dahil galing ito kay Gabe.

Gabriel Vaughn: Sa head office na ako. Sorry daw sabi ni Kristine.

Nandoon na naman yung asungot na babaeng yun? Huwag niya kaming pinagtitripan kakalbuhin ko talaga 'yon!

Gabriel Vaughn: I forgot to tell you that she's only 15. :)

So basically nagalit ako nang dahil lang sa mas bata ng limang taon sa akin? What the hell?

***

Kinabukasan ay bumalik na ako sa apartment. Nabalitaan ko kahapon na pasado ako sa lahat ng subject at pwede kami magtake ng compre! The feels! Nanginginig pa nga ako sa tuwa nang malaman ko iyon kahapon. Nasa shopping mall pa nga kami ni Gelene nang sabihin iyon sa akin ni Jonathan! Kailangan na naman mag-aral para sa comprehensive exam.

Mas mabuti rin na kasama kong magreview ang mga kaibigan ko kaysa mag-isa ko mag-aral sa bahay. Kaya bumalik ako sa apartment. And besides, mas gusto ko talaga sa apartment dahil mag-isa ko lang. Walang magulo unless pumunta si Ravince dito at si Gabe.

Inayos ko na muna ang mga damit na dala ko at saka mga pagkaing ipinabaon sa akin. Ang sabi ni mommy ay bigyan ko rin daw si Gabe pero ang sabi ko naman sa kanya ay kaya na ni Gabe ang sarili niya. Ang mga pagkaing ito ay akin lang. May pera naman siya.

After kong ayusin ang mga gamit ko ay kumatok ako sa unit ni Oliver. Nagbabakasakaling nandyan siya. Hindi ko naman siya maitext kasi nahulog ko ang cellphone ko sa bathtub kaninang naliligo ako. Wala tuloy akong cellphone na pangcommunicate ngayon.

Nang walang Oliver na lumabas ay nagpasya akong mag-iwan na lang ng note sa pinto niya.

'Oliii! Next time na lang. Hindi ako pwede tmrw.'

Nag-pm din ako sa kanya sa account niya kanina para siguradong mabasa niya. Kaya lang ni isang reply ay wala akong natanggap. Sana lang ay mag-online siya mamaya.

"Anong ginagawa mo dyan?" tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nang makita ko siya ay tumingin ako sa relos ko. Dapat ay nasa site pa siya.

"Ang aga mo yata?" Nagtatakang tanong ko.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon