CHAPTER 23

101K 2.9K 336
                                    

TRICK OR TREAT!

UPDATE FOR YOU GUYS!

CHAPTER 23

GABE

"May girlfriend ka ba ngayon?" Inilapag ko ang iniinom kong tubig sa lamesa at tumingin sa kasama kong si Kyron. Sarap na sarap pa nga ang leche sa pagnguya ng burger ngayon.

"Nadedevelop ka na ba sakin pare?" Biro ko

"Gago kang leche ka! Pero pwede rin naman." Kinilabutan ako dahil sa pahayag niya. "Pero seryoso nga? May girlfriend ka ngayon? Kanina ka pa ngiti nang ngiti dyan. Para ka na ngang baliw."

"Bautista, huwag mo nga akong pinapakialaman."

"kung ganun hindi mo gusto si Miru? Yung kapitbahay mo?"

"Huwag mo siyang pinapakialaman." Parang tangang ngumiti ito dahil sa sagot ko sa kanya. Siraulo talaga kahit kailan.

"BOSS!" pareho kaming napatingin ni Kyron sa tumawag. "Boss Bon." Umiling si Kyron sa sinabing iyon.

"Vaughn." Pinaganda pa ni Kyron ang pronounciation ng pangalan ko. "Mas maganda rin kung Gab o kaya Gabe ang itawag mo dyan kay Rodriguez."

"Manahimik ka nga Bautista. Bakit pala?"

"Boss, may naghahanap kasi sa'yo. Hindi ko naman pinayagang puntahan ka dito kasi baka mabagsakan ng mga bakal at kahoy dyan."

"Sino raw?" Chill pa rin akong umiinom pero naibuga ko ang iniinom ko nang sinabi niya kung sino ang naghahanap sa akin.

"Mariano raw."

"Anak ng !@#$%# naman Gabe! Ibuga ba sa pagkain ko?! Sayang yung pagkain!"

"Mariano? Si Miru?" Tumayo ako kaagad para mapuntahan siya. Ano ba naman kasing ginagawa niya dito sa site? Delikado kung biglang may mahulog na kung anu-ano dyan!

"Miru po ba pangalan nung lalaki?" Umupo ako ulit nang marinig kong sabihin niyang lalaki ang naghahanap sa akin.

"Ah, ganun? Kung hindi si ate ang pupunta dito bigla kang uupo." Ngumisi ang kapatid ni Miru na si Ravince habang palapit sa inuupuan namin ni Bautista. "Pahingi nga niyang kinakain niyo." Agad naman na binigay ni Kyron ang isa pang burger. "Ayun! Sakto nagugutom na kasi ako."

"Kapatid ka ni Miru?" Parang amused pa itong leche na tinanong si Ravince. Mang-uubos lang ang isang ito ng pagkain, e. Napansin ko rin na sobrang protective ang mga kapatid ni Miru sa kanya.

"Hoy, Engineer. Nabalitaan kong hinalikan mo ang ate ko." Matalim ang mga mata nitong tumingin sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko. Ano nga bang sasabihin ko? Kailangan ba niyang malaman ang lahat ng nangyayari sa ate niya? "Look, hindi namin hinahayaan na masaktan siya ng sino man---"

"Talaga? Nasaktan siya noon sa kaibigan niya. Sinasaktan siya ng mga naging kaibiga---kaklase niya." Bigla na lang iyon ang nasabi ko. I don't want them, her friends and her family, talking about our kiss.

"What? I know about Derek but--- bullsht. Seryoso ba yan?" Naiinis talaga siya sa nalaman niya. Halata naman. "Sige, mauna na ako. Salamat sa pagkain."

"Asar talo yata ang kapatid ng irog mo. Yung materials ba nacheck mo na? Baka mamaya ay---"

"Hindi yun asar talo. Galit talaga 'yun. Hindi nga lang sa akin." Sabi ko na lang saka inagaw ang kinakain ni Bautista. Wala na 'yung burger ko. Kinuha na ni Ravince. Ano pang kakainin ko? Lokong bata talaga.

"Pero hinalikan mo talaga si Miru?" Takang tanong sa akin ni Kyron.

"Huwag mo nga akong pinapakialaman. Magtrabaho ka na nga lang."

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon